Chapter 5

213 6 0
                                    

CHAPTER FIVE

MULA sa kapeng iniinom ay ibinalik ni Bart ang tingin kay Samantha. Dinalaw siya ng babae sa kanyang private office sa BWD Holdings. Noon lang ulit sila nagkita simula nang hindi matuloy ang kasal nila. It had been a week since his ex-girlfriend ruined their wedding. Nang bumalik siya sa simbahan ay wala na siyang naabutan doon. Not that he was expecting that everyone would still be there and wait for him after he unintentionally ran away from his wedding. Wala siyang dalang phone kaya walang naka-contact sa kanya. Kaya nag-assume na ang lahat na nagsa-runaway groom siya. Although his grandfather was infuriated with what he did, he was relieved that he did not elope with his ex. His father did not say anything, but Bart knew his dad was disappointed with him. Mabuti na lang at hindi na kumalat ang tungkol sa nangyaring eskandalo sa kasal. Gamit ang pera ay pinatahimik ng dalawang pamilya ang guests na media people. Hiniling niya sa lolo at ama na huwag nang i-reprimand si Aera sa ginawa. Ipinaliwanag niya ang kondisyon ng babae. Nakaunawa naman ang mga ito. "You were relieved that she came, weren't you?" sabi ni Samantha. May panunudyo sa mga mata nito. He grimaced. "What are you talking about?" "I'm envious. I was kind of expecting that my ex would appear. But yours did. And it was epic and unique. It's not every day you see a wedding objector enter like that. Usually, they appear at the Church's front door or across the aisle, not beside the priest. Her outfit was also unusual." Halatang amused si Samantha. "She's not in her right mind. I've told you she has developed amnesia. Tumakas siya sa ospital kaya gano'n 'yong hitsura niya. Hindi niya alam kung bakit kami nagkahiwalay kaya nagawa niya 'yon. That witch didn't remember that she cheated on me." "Just the same. I think you actually liked that she saved you from entering a loveless marriage. And she wants you back." "I don't want her back," mariing sabi ni Bart. "And how many times do I have to tell you that her head was not fine, kaya niya nagawa 'yon? Ikaw yata itong relieved, eh." Ngumiti si Samantha pagkatapos humigop ng kape. "I think we should really put off the wedding for a few months. I told them that I was humiliated that my groom had run away from my wedding, so I needed time to recover from the embarrassment. But don't worry, naintindihan naman nina Mom and Dad na hindi mo ginusto 'yong nangyari." Mukhang hindi pa nakaka-recover ang dalawang pamilya sa nangyari sa kasal nila pero alam ni Bart na itutuloy pa rin ng mga ito ang arranged marriage na iyon. Samantha was every guy's dream but, surprisingly, he was not even attracted to her. Parang kapatid lang ang tingin niya rito. O baka dahil sa sakit na dinanas niya kay Aera ay nawalan na siya ng ganang magmahal o ma-attract man lang sa mga babae. "Let's wait on what Aera will do to take your heart back." He smiled while clenching his teeth. Mukhang nag-e-enjoy si Samantha na makita siyang napipikon. "Hindi na 'yon lalapit sa 'kin dahil alam na niya kung ano'ng ginawa niya." Pagkatapos sabihin ni Bart kay Aera ang ginawa nito sa kanya ay tahimik lang itong umiyak habang minamaneho niya ang kotse papunta sa ospital para ihatid ito. Nag-apologize lang ito sa naging kasalanan nang hindi tumitingin sa kanya. She was totally embarrased. Mukhang hiyang-hiya dahil ito pala ang dahilan kung bakit sila naghiwalay pero nagawa pa nitong sirain ang kasal niya. "I even told her to leave me alone. Kaya hindi na 'yon magpapakita pa sa 'kin." Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ni Samantha habang nakatingin sa kanya. May panunudyo pa rin sa mga mata nito. "But you still care for her. If you don't, hindi mo siya hinabol that day. Hinayaan mo na lang siya sa bodyguards ng lolo mo at wala ka na dapat pakialam kung ano'ng gawin nila sa kanya o kung makulong man siya. I heard you asked your grandpa to not file anything against Aera." Nagbuga ng hangin si Bart. "That's because I am a compassionate man! Kahit ginano'n niya 'ko, may pinagsamahan pa rin kami. Maaawa pa rin ako kung makukulong siya nang dahil sa 'kin. At saka wala siya sa sarili niya. She's sick. I knew from the moment she appeared in a hospital gown and with a gauze on her forehead that she's not well. Imposibleng gawin niya 'yong pumunta roon para pigilan 'yong kasal ko. Kaya napilitan akong sundan siya. In a way, also, I was curious why she would dare to stop my wedding despite what she did to me—" "That's why," putol ni Samantha sa sinasabi niya, "you pulled her inside a car and drove away instead of only pulling her to a private corner to talk to her? You literally saved her." Hindi ipinahalata ni Bart ang pagkasukol. He also wondered why he did that. Puwede naman kasing dinala lang niya si Aera sa designated private room na pinaghintayan niya bago mag-umpisa ang kasal pero hinila niya si Aera paalis sa lugar na iyon na para bang ayaw niyang makanti ito ng kahit sino dahil sa ginawang panggugulo sa kasal. He must be out of his mind. He groaned in annoyance. "Pumunta ka ba rito para pag-initin ang ulo ko?" Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi siya nagkakagusto kay Samantha. She behaved like an annoying little sister to him. Nakuha pang humagikgik ni Samantha. "You act so childish sometimes. Lalo na 'pag guilty ka." Tumayo na ito. "I'm leaving na, kasi napipikon ka na." Bago pa buksan ng babae ang pinto ng opisina ni Bart ay lumingon ito. "Are you sure you don't have feelings for her anymore?" He gritted his teeth and glared at her. "Scoot!" Tumawa ang babae at lumabas na. Napahigpit ang hawak ni Bart sa teacup na para bang gusto niyang basagin iyon sa palad niya. Wala na siyang nararamdaman para kay Aera kundi galit at ayaw na niyang makita pa ito kahit kailan. "SON, do you mind if I ask you a personal question?" Mula sa golf ball na tinatantiya kung gaano kalakas titirahin para makatawid sa bunker ay ibinalik ni Bart ang tingin sa ama. "What is it?" "Do you still have feelings for your ex?" Saglit na hindi nakasagot si Bart. Hindi niya inaasahang tatanungin iyon ng kanyang ama. Alam kasi nitong kinasusuklaman niya si Aera pagkatapos ng ginawa sa kanya. "Of course, wala na!" Nagbuga siya ng tawa. "Dad naman. Do you think I'm a fool? Bakit ko naman mamahalin pa rin 'yong babaeng pumindeho sa 'kin?" Imbes na magpakita ng pagka-impress sa sinabi niya ay walang sinabi ang ama pero nakatitig pa rin sa kanya. "Kung iniisip mo," sabi ni Bart nang maisip na baka naghihinala ang ama na all along ay may namamagitan pa rin sa kanila ng ex, "na nagkikita pa rin kami ni Aera all this time, you're wrong. Ngayon ko na lang uli siya nakita. I've told you she has amnesia kaya niya nagawa 'yon." Ibinalik niya ang tingin sa golf ball. "Can you show me how I can get this ball across the bunker?" Lumingon si Daddy Andrew sa caddie para papalitan ang club na hawak at pagkatapos ay pumorma ito para tirahin ang golf ball. Sinundan ni Bart ang bolang flawless na nakatawid sa bunker. His dad was indeed an excellent golfer. Ilang beses na siyang sumama rito para matuto at gumaling sa golf pero sadyang olats siya sa larong iyon. Pangmayaman kasi. His dad grew up rich so he was able to play golf ever since. Samantalang siya ay lumaki sa hirap kaya ang alam na ball games ay basketball at bilyar lang. Libre lang ang makisali sa basketball sa court ng barangay at maging sa bilyaran. Nagkakamal siya ng daan-daang piso sa mga pustahan sa basketball at pool noon. Kung siguro ay noon pa sila nagkakilala ng ama, baka sumasali na siya sa golf tournaments ngayon sa sobrang pagkabihasa sa napaka-expensive na larong iyon. Binitiwan at isinandal ni Bart ang club sa binti para palakpakan ang ama. "That was awesome, Dad!" Ngumiti ito at nagsimulang humakbang papunta sa pinagbagsakan ng bola. Mula roon ay kailangan nitong tirahin ang bola papasok sa hole na ilang metro pa ang layo. Sumunod siya sa ama at pati ang caddie nila. "But I'm sure," sabi ng ama habang naglalakad sila nang magkaagapay, "you still wonder why she cheated on you suddenly." Ang akala ni Bart ay na-divert na niya ang atensiyon ng ama palayo sa topic nito tungkol kay Aera pero hindi pa rin pala. "Kung kailan mayaman ka na, saka ka niya ipinagpalit sa iba na mukhang hindi kasing yaman mo." Bumalik sa alaala ni Bart ang tagpo noon kung saan nag-usap sila ni Aera pagkatapos niyang basagin ang mukha ng ka-affair nito. Umiiyak ang babae noong sinabing hindi na siya kasing mahal nito na tulad noon. Nagpanggap lang itong walang nagbago sa damdamin nito sa kanya pero bago pa man siya yumaman ay nagsisimula nang mabawasan ang pagtingin nito sa kanya. "But at least, she's not a gold digger," his dad continued. Alam ni Bart ang goal ni Aera. Pareho lang naman silang gustong yumaman. Pero para sa babae, gusto lang nitong ibalik ang dating status ng pamumuhay para sa mga magulang nito. Gusto kasi nitong mabawi ang mansiyong mahalaga para sa parents nito. Kung alam lang ni Aera na noong araw na sinorpresa niya nang dalaw ito ay may maganda siyang balita para sa babae. Nabili na ni Bart ang mansiyong iyon at balak na ibigay rito ang susi. Ilang linggo rin niyang itinago mula rito ang tungkol sa pagpapaasikaso niya sa pagbili sa mansiyon. He wanted to surprise her but he was the one surprised. Siguro ay dapat na niyang ibenta ang mansiyong iyon na nakatengga lang. Wala na siyang pakialam kahit hindi matupad ni Aera ang pangarap na makuha pabalik ang mansiyon ng mga magulang. "Can we not talk about her, Dad?" "Of course." Tinapik nito ang balikat ni Bart. "And, by the way, you don't need to get married to Samantha yet if you don't want to. Afterall, you're still young. Twenty-eight ka pa lang naman. I-enjoy mo muna ang kabataan mo. 'Wag ka lang magseryoso sa mga babae dahil engaged ka na." Hindi ipinahalata ni Bart ang relief sa narinig. "Si Grandpa lang naman ang may gustong magpakasal agad ako." "That's because he wants to groom you into becoming the Bestwind's CEO in a few years. And you know that, right?" Alam ni Bart iyon. Nahuhusayan sa kanya ang lolo kaya bilang chairman ay napipisil siya nito bilang future CEO ng chain of malls. Malaki kasi ang magiging impact ng pagpapakasal niya kay Samantha sa expansion ng business territory nila. Once he contributed to it, it will boost his resumé. At siguradong babango ang pangalan niya sa group board of directors kapag naging tulay siya sa paglawak ng BWD kaya malaki ang posibilidad na balang araw ay siya ang ilagay ng mga ito sa CEO position sa kabila ng edad niya. Two years na lang ay magre-retire na ang kasalukuyang nakaupong CEO ng Bestwind. By that time, he would be thirty. Kaya kailangan na ni Bart na pabanguhin nang husto ang pangalan at itaas ang status bilang contender para sa posisyon. Isa rin ang pinsan niyang si Dave na tatlong taon ang tanda sa kanya sa mga posibleng mahalal bilang CEO. Pero mukhang siya na ang paboritong apo ng kanyang lolo kaya imbes na ang apong matagal nang nakasama ay siya na bagong salta lang sa pamilya ang gusto ng matanda na mamahala ng chain of malls. In fact, close na close na kaagad sila ng lolo kahit na mahigit isang taon pa lang simula nang magkakilala sila. Halos pareho kasi sila ng ugali nito. Pareho silang sociable at masiyahin kaya naman nagkasundo kaagad sila. "Do you really think I can beat Dave?" tanong ni Bart sa ama habang naglalakad sila. Alam niyang mas mahusay magtrabaho sa kanya si Dave dahil bukod sa mas matanda at mas experienced ito ay nag-aral pa ito sa ibang bansa. Hindi ganoon kataas ang kalibre ng university na pinagtapusan niya. Ganunpaman ay mataas na posisyon ang narating ni Bart sa dating pinagtatrabahuhan na isang malaking kompanya at consistent model employee pa siya dahil sa sipag at husay niyang magtrabaho. "Why not? You will make a great CEO. You are hardworking, and you always come up with good marketing ideas. You are brilliant, son. You're a natural. And you got it from me." Napangiti si Bart. Nakuha rin naman niya ang kasipagan at pagkamaabilidad ng nanay niya. "Despite my age?" "I became the CEO of Bestwind at thirty." His dad was currently the group CEO pero naupo ito bilang CEO ng Bestwind noon. Sampung taon rin ito sa posisyon bago nahalalal bilang group CEO sa edad na kuwarenta. Ngayon ay fifty-five  years old na ito.  "But I would feel bad for him if ever I get chosen." "Don't be. The board's decision is for the common good and for the group's sake. Hindi lang kayo ni Dave ang posibleng maging candidates after two years. Hindi n'yo kailangang mag-head-to-head fight na magpinsan. Dave could get the same position on another subsidiary kung hindi siya ang manalo para sa Bestwind. Medyo matatagalan pa nga lang kung ang retirement ng mga kasalukuyang nakaupo ang pagbabasehan, but I know he would be a good CEO, as well." Tumigil sila sa pinagbagsakan ng bola pero imbes na hingin mula sa caddie ang club ay lumampas sa balikat ni Bart ang tingin ng kanyang ama. "Oh. Dave is here." Lumingon siya at nakita si Dave na lumalakad papunta sa kanila habang may kabuntot na sariling caddie. Hindi sila close nito. Kahit kinakausap siya ng pinsan ay ramdam niyang hindi siya gusto nito. Naiintindihan naman niya kung bakit. Mukhang nagseselos ito sa atensiyong ibinibigay sa kanya ng kanilang lolo at ng nag-iisang uncle nito. Simula nang dumating si Bart sa pamilyang iyon ay siya na lagi ang bukambibig ng lolo at ama. Bago pa siya dumating ay si Dave lang ang kaisa-isang lalaking apo noon kaya ito ang paborito ng dalawa at nag-iisang nakikitang mamumuno sa BWD Holdings balang araw. Of course, more than anyone else, they wanted an Almendarez and one on Federico's side to lead the group someday.  Nalaman niyang close si Dave sa kanyang ama. In fact, magkapareho ng hilig at personality ang dalawa. Ang mga ito ang madalas na magkasamang mag-golf noon. His dad was also fond of his only nephew. Ten years old pa lang si Dave nang pumanaw ang biological father nito na younger brother ni Daddy Andrew. Dala siguro ng pangungulila sa pagmamahal ng ama, ang tiyo ang nahanap nitong father figure. Kaya lumaki si Dave na malapit ang loob sa ama ni Bart. At kahit nagkaroon ng stepfather ay mas close pa rin sa uncle. Kaya naman naiintindihan ni Bart kung bakit hindi siya gusto ni Dave. Pakiramdam siguro nito ay inagaw niya sa pinsan ang atensiyon ng lolo at tiyo. At pati ang CEO position sa Bestwind Malls na target na makuha nito sa oras na magretiro ang nakaupo ay nanganganib na hindi mapunta rito dahil sa kanya. Hindi man ipinahahalata ni Dave ang pagka-threaten sa kanya ay ramdam niya ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Well, Bart tried to be close to his cousin before but he was obviously not welcome to the idea. Hindi naman niya sinadya na maagaw ang atensiyon ng mga taong mahalaga para sa pinsan o ang maging balakid sa pangarap nito. Deserved din naman siguro niya ang makaramdam ng pagmamahal at atensiyon. All his life, he had nothing and grew up with no one but his mom. Now he had a family, a dad and his dream of becoming a CEO was about to come true. Hindi niya tatanggihan ang lahat ng grasyang bigla na lang sumulpot sa buhay niya pagkatapos nang ilang taong paghihirap. Ngumiti si Dave sa uncle nang malapit na ito sa kanila. "Hi, uncle!" "Hijo," nakangiting sambit ni Daddy Andrew. Lumipat sa kanya ang tingin ng pinsan. "Hey, Bart."

Saglit na nagtaas ng kamay si Bart para batiin pabalik si Dave. Ginantihan din niya ang ngiti nito kahit alam niyang hindi bukal sa loob nito ang ngiting iyon. "I," sabi ni Daddy Andrew, "didn't know you'd be here. Nasaan ang stepdad mo?" Si Uncle Gabby kasi ang inaasahan nilang darating sa araw na iyon at hindi si Dave. "He told me to come here and relieve him. Sumakit daw bigla 'yong balakang niya. He was trying to call you earlier, but he couldn't reach you." "I see," sabi ni Daddy Andrew. "That's why he's not coming. My phone is in the locker. But now that I'm reminded of my phone, I realize I need to make an important call. Babalik muna ako sa locker. Kayong dalawa muna ni Bart ang maglaro." Nagkatinginan sila ni Dave. Mukhang clueless ang daddy niya sa tensiyon sa pagitan nila ng pamangkin nito. Sabagay, ipahahalata ba ni Dave kay Daddy Andrew na hindi nito gusto ang anak ng tiyo? "Sure, Uncle." Nang maiwan sila ay nag-iba na ang klase ng ngiti ni Dave. Bigla ay parang naka-smirk na ito habang nakatingin sa kanya. Iniisip siguro ng pinsan na no match siya rito dahil matagal na itong naglalaro ng golf kumpara sa isang novice na tulad niya. "So... match play?" tanong ni Dave. He groaned inwardly. Why did his Dad have to leave him alone with Dave? "YOU should've really run away with your ex that day." Natigil si Bart sa pagbuwelo sa gagawing chip shot nang marinig ang sinabi ni Dave. Tumingin siya sa pinsan na may munting amusement sa mga mata habang nakatitig sa kanya. Or was it mockery? "Why? Do you want me gone?" nakangising tanong niya kahit obvious namang gusto nitong mawala siya sa buhay nito. Alam naman siguro ni Dave ang magiging resulta kung sakaling umatras si Bart nang tuluyan sa arranged marriage na iyon. Madi-disappoint sa kanya ang kanilang lolo. Kapag nawala ang interes ng matanda sa kanya ay posibleng hindi na nito i-push ang paggu-groom sa kanya bilang potential future CEO ng Bestwind Malls. Dave let out a breathy laugh. "Why would you think that way? Do you really think I see you as a threat, so I wanted you gone?" Right. Sino ba naman siya para isipin ni Dave na posibleng matalo niya ito kung sakaling mag-head-to-head sila sa CEO position two years from now? Naniniwala si Bart sa kakayahan niya pero alam niyang mas malaki ang chance nitong manalo dahil mas malaman ang resumé nito. "I was there at your wedding," patuloy ni Dave nang hindi siya sumagot. "I saw your reaction while you were watching her being dragged away from you. And it looks like you're still in love with her." Kusang nanigas ang mga panga ni Bart. Hearing those words from his estranged cousin made him feel enraged. Pati ba naman ito ay ganoon ang sasabihin? "I could still remember," patuloy ni Dave, "when you were still together. You were so in love with her. You even bought a ring to propose marriage to her, right? I saw you in a jewelry shop two weeks before you two broke up."  Oo, bumili si Bart ng engagement ring para kay Aera habang hinihintay ang pag-aayos ng papeles sa pagbili sa dating mansiyon ng pamilya nito. Sa pangalan niya ipinalagay ang bahay dahil magiging magkapangalan naman sila ni Aera pagkatapos nilang maikasal kaya magiging pag-aari na rin nito ang mansiyong iyon. Ang plano niya ay doon sila titira pagkatapos nilang maikasal. Pero nawasak ang lahat ng plano niya. Imbes na mag-reply agad sa sinabi ng pinsan ay bumaba ang tingin ni Bart sa golf ball at inayos ang grip para sa isang full-swing shot na may kasamang gigil. Hindi niya pinansin ang pagbuga ng hangin ni Dave nang makitang tumuloy sa bunker ang bolang tinira niya. "You were supposed to marry her then," Dave continued. "And it looks like you're still in love with her until now. Kaya ko nasabi 'yong sinabi ko kanina. You should've run away with her instead of letting yourself be used by the elders." Itinukod ni Bart ang club na hawak at hinarap ang pinsan. "You really think of me as a fool, don't you?" seryosong tanong niya rito. Dave gave him a slight smirk. "Well, you're more of naïve." Ginantihan ni Bart ang smirk nito. "Will you still love an ex who cheated on you?" Alam ng buong pamilya ang nangyari sa kanila ni Aera noon. Pilit man niyang inilihim ay lumabas din ang dahilan ng breakup nila nang aminin niya sa lolo ang tungkol doon. Ipinagsabi na nito sa ibang miyembro ng pamilya ang nangyari. Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ni Dave. "The question is... did she really cheat on you?" Kumunot ang noo ni Bart. Kung makatingin sa kanya ang pinsan ay parang iniisip nitong tanga talaga siya. "Ano'ng pinagsasabi mo?" Imbes na sumagot ay nag-alis ito ng tingin sa kanya. Nang sundan ni Bart ang tingin ng pinsan ay nakita niya ang amang papalapit na sa kanila. Bart clenched his teeth. Dave wanted to mess with his mind. Mukhang gusto nitong balikan niya si Aera para ma-disappoint sa kanya ang lolo nila at nang ito uli ang maging paborito. Ano ba ang alam ni Dave sa relasyon nila ni Aera? Kung alam lang nito kung paano sinabi sa kanya mismo ng babae na hindi na siya mahal nang araw na nahuli niyang may ibang lalaki ito.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now