Chapter 7

184 7 0
                                    

CHAPTER SEVEN

SINALINAN ni Bart ng alak ang basong may lamang dry ice sa mesang inookupa sa isang high-end wine bar. Habang hinihintay si Allan ay tahimik siyang uminom. Ayaw sana niyang isipin si Aera pero kusa itong pumapasok sa isip niya. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang makita niya si Aera na nakatayo sa labas ng mansiyong dating pag-aari ng pamilya nito pero parang naririnig pa rin niya ang hagulhol ni Aera mula sa loob ng dating silid ng mga magulang nito. He wanted to curse himself because for a moment, he almost opened the door between them and comforted her. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang maapektuhan habang pinakikinggan ang pag-iyak ng babae. He knew Aera was a tough girl but maybe she felt helpless because of her condition. Kahit kailan ay hindi niya ito narinig na humagulhol nang ganoon. Every time she would think of her late parents, she would tear up a bit and smile. Matatag si Aera. Iyon ang isa sa mga bagay na hinahangaan niya rito bukod sa pagiging selfless at supportive sa kanya. He wanted to be rich so he could give her the life that she once had. Hindi na niya maibabalik ang mga magulang nito kaya kahit man lang ang buhay na kinagisnan nito at ang mansiyong dating pag-aari ay maibalik niya sa babae. But Aera left him before he could even do that. "Hindi na kita mahal, Bart..." "Ano'ng sabi mo?" "'Wag mo nang ipaulit sa 'kin, please? Hindi madaling sabihin 'to. Naging malaking parte ka ng buhay ko. Minahal kita nang matagal. Pero tama pala sila. Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, darating 'yong point na unti-unti mong maa-outgrow 'yong feelings kapag sobrang tagal n'yo na. Noong nagsisimula ko nang maramdaman na nababawasan na 'yong feelings ko para sa 'yo, hindi ko ipinahalata dahil ayaw kitang saktan. Pinilit kong ibalik 'yong pagmamahal ko sa 'yo pero na-realize kong niloloko ko lang ang sarili ko. "Lalo na noong nakilala ko si Mark. Tumibok uli 'tong puso kong huminto na para sa 'yo. Kaya nag-decide akong i-let go ka na. Unti-unti ko nang ipinaramdam sa 'yo na hindi na katulad ng dati 'yong feelings ko para sa 'yo pero dahil siguro masyado kang naging masaya at occupied ang utak sa pagyaman mo, hindi mo napapansin. Imbes na isipin mong nagbabago na 'ko sa 'yo, iniisip mong pagod lang ako sa trabaho. Masyado kang masaya dahil yumaman ka at buhay pa ang tatay mo kaya natakot akong maging dahilan para mawala 'yong saya mo. Hindi ko alam kung paano ako makikipag-break sa 'yo kaya—" "Kaya nagtaksil ka na lang, gano'n ba?" "Bart... sorry... Hindi ko gustong maramdaman 'to. Ikaw na rin ang nagsabi, 'di ba? Human emotions are strange? Kasi hindi natin hawak ang sarili nating feelings? Kusa na lang tayong nakakaramdam at madalas hindi natin napipigilan. Tulad ng saya, galit, disappointment, excitement... Kasama roon ang falling in and out of love..." Ibinagsak ni Bart ang baso sa mesa matapos ubusin ang laman ng braso. Tandang-tanda pa niya kung paano siya napipilan nang sandaling iyon habang nakatitig kay Aera na hilam sa luha ang mga mata. Si Bart dapat ang umiiyak dahil siya ang naargabyado at siya ang hindi na mahal pero ito pa ang may ganang umiyak.    "Siguro nga, hindi natin napipigilan ang ma-fall out of love. Pero siguro... kaya naman nating kusang rumespeto. Hiniwalayan mo na lang muna sana ako bago ka nakipagrelasyon sa lalaking 'yon para respeto man lang sa 'kin! Hindi ako makapaniwalang nagawa mo sa 'kin 'to, Aera. Ikaw... ikaw 'yong kaisa-isang taong buong-buo ang tiwala ko ang gagago sa akin nang ganito..." Si Aera pa na alam niyang hindi siya magagawang saktan ang dumurog sa kanya nang ganoon. Aera crushed him mercilessly. So maybe it was her turn to be crushed now. Kaya hindi dapat siya maawa rito, tulad ng hindi ito naawa nang lokohin siya. Mukhang ang kapalaran na ang gumawa ng paraan para gantihan ito sa ginawa sa kanya. Now she was suffering like how he had suffered because of her. Napapitlag si Bart nang biglang maging aware sa presensiya ng kaibigang nakatayo sa gilid niya at nakamasid sa kanya. "Kanina ka pa diyan?" tanong niya. Ngumisi si Allan. "Ayaw kitang istorbohin sa pag-e-emo mo." Paano nito nalamang nag-e-emo siya? Umupo ito sa silya sa harap niya. "Napanood ko na 'yang ganyang eksena sa bar sa pelikula. Tuloy-tuloy 'yong paglagok ng alak ng bida 'tapos ibabagsak 'yong baso sa mesa, sabay higpit ng grip sa baso. Parang alam ko na kung sino'ng iniisip mo." "'Wag mo nang ituloy," awat ni Bart sa kaibigan. "Kung ako sa 'yo, 'wag mo nang ituloy." Allan exhaled a laugh. "Pero kailangan nating pag-usapan 'yong ex mo." Pinandilatan niya ang kaibigan pero nagpatuloy pa rin ito. "Actually, hindi ko na lang dapat sasabihin sa 'yo. Pero parang minamaltrato siya ni Polly. Mukhang sinamantala ni Polly 'yong sitwasyon ni Aera." Kumunot ang noo ni Bart. Now, he was curious. "Minamaltrato? Ano'ng ibig mong sabihin?" Nilagyan niya ng dry ice ang baso ni Allan. "Nalaman ko, si Polly 'yong nagbayad ng hospital bill ni Aera dahil kulang 'yong pera ni Aera. Kaya hayun, since nawalan na ng trabaho dahil nagka-amnesia, inobliga siya ni Polly na magtrabaho sa parlor, milk tea shop at saka sa car wash. Para makabayad sa utang." Napaisip si Bart. Alam niyang nag-iipon si Aera at hinati nila ang laman ng joint bank account nila noong naghiwalay sila kaya imposibleng wala itong pera na puwedeng ipambayad sa hospital bill nito. Ano ang nangyari at nawalan ng pera ang babae? "Ano'ng pagmamaltrato roon? Kung walang pambayad si Aera, dapat lang naman na bayaran niya sa serbisyo 'yong utang niya kung iyon lang ang paraan para makabayad siya." Matapos salinan ang baso ni Allan ay sinalinan uli ni Bart ang sa kanya. "Bukod kasi sa ino-overworked ni Polly si Aera, nire-require pa niya si Aera na mag-car wash nang naka-sando at maiksing shorts para dumami ang customer. Hayun nga. Pinagkakaguluhan na 'yong car wash ni Polly ngayon. Ang daming lalaking nagpapalinis ng kotse nila. Libre silip kasi sa car wash girl. Pati mga tambay, nag-e-enjoy sa view. Halatang ayaw ni Aera pero mukhang wala naman siyang magawa kundi sundin 'yong employer niyang hilaw." Hindi naituloy ni Bart ang pagdadala ng baso sa bibig. Mabilis na nag-flash sa isip niya ang hitsura ni Aera habang nakasuot ng tight sando na labas ang cleavage at micro-mini shorts na labas ang kuyukot. Nagkukuskos ito ng kotse at tumutuwad-tuwad habang ang lalaking customers ay siyang-siya sa view. Kusang nag-igtingan ang mga bagang ni Bart. Alam niyang matagal nang mainit ang dugo ni Polly kay Aera dahil pinagseselosan nito ang babae. Napakasama ni Polly para gawin iyon sa isang helpless na babaeng walang pera at walang maalala. Then he realized, why would he care? Kung maltratuhin man ni Polly si Aera at silip-silipan ng lalaking customers ang babae? Hindi na niya mahal si Aera. She was only a part of his past now and he hated her. Uminom si Bart ng alak at kalmadong inilapag ang baso sa mesa. "That's business strategy." Nakatitig lang sa kanya si Allan habang sumisimsim ng alak pero nakikita niya sa mga mata nito ang pagkalibang na para bang sinasabing nagpapanggap lang siyang hindi apektado. Minsan na siyang naparambol noong may isang lalaking nambastos kay Aera. Kaya naman hindi nakagawian ni Aera na magsuot ng provocative clothes. Ayaw kasi nitong mapagnasaan ng mga manyakis dahil alam na mapapaaway siya. "That's her fault for not saving money and not getting an accident insurance," dagdag ni Bart at baka sakaling alam rin ni Allan kung bakit walang pera ang babae. "'Sabi ni Polly, ipinautang raw ni Aera 'yong ipon sa best friend niya." "Kay Maris?" Tumango si Allan. "'Tapos 'di na raw ma-contact 'yon. Hindi na raw nagpaparamdam. Sinubukan nilang hanapin sa Facebook pero hindi nagre-reply." Matagal na siyang walang communication kay Maris. Simula nang maghiwalay sila ni Aera ay hindi na niya nakausap pa ito. "So, she's indeed penniless. Basically, she has lost her money, her job, her only friend, and her memory. Pati 'yong ipinalit niya sa akin, nauna nang nawala." "Masaya ka ba sa nangyayari sa kanya ngayon?" parang nanunubok na tanong ni Allan. Ngumiti si Bart. "Of course. Sa tingin mo, makikidalamhati ako sa nangyayari sa kanya? Kung minamalas siya ngayon, maybe it's because she's done something bad in the past. Karma is a bitch, perhaps?" Halatang hindi agree si Allan sa isinagot niya. "Why? Do you pity her? Kung kay Demi ba nangyari 'yon, maaawa ka?" Nakipag-break si Demi kay Allan isang linggo bago ang kasal ng mga ito. Saksi siya sa pait na dinanas ng kaibigan. "Oo," sagot ng kaibigan niya. "What?" "Kasi may pinagsamahan kami ni Demi. Minahal ko siya nang matagal. Minahal din naman niya ako. 'Yon nga lang, hindi kami para sa isa't-isa pero tanggap ko na 'yon. At saka napatawad ko na siya sa ginawa niya." "That's it. Napatawad mo na kasi si Demi. Ako, hindi pa. Hindi ko pa kayang patawarin si Aera. I still hate her. And I don't think I could forgive her anytime soon. I'd probably hate her forever." Bumuntong-hininga si Allan. "Alam mo no'ng una kong nakita si Aera sa milk tea shop, nakita ko sa mga mata niya 'yong... ano'ng tawag do'n? Helplessness? Oo, helplessness. 'Yong helplessness na hindi ko nakita sa kanya kahit kailan. Siguro dahil walong taon 'yong alaalang nawala sa kanya, nawala na rin 'yong maturity na na-develop niya sa nakalipas na taon. Para na lang siyang eighteen uli. 'Yong panahong kailangan pa niya ang tita niya at ikaw. Kaya siguro gano'n 'yong hitsura niya. Mukha siyang basang-sisiw na nangangailangan ng tulong dahil wala siyang makapitan ni isa. Wala na 'yong tita niya, wala ka na. 'Tapos si Polly, halatang sinasamantala 'yong kahinaan niya." Hindi alam ni Bart kung bakit kailangang bumigat ang dibdib niya sa narinig. Naalala niya noong namatay ang nanay niya. Napakasakit na mawalan ng ina at nag-iisang pamilya pero dahil naroon si Aera, hindi niya naramdaman ang maging mag-isa sa buhay. Kung wala ito sa buhay niya nang mga panahong iyon, baka naging basang-sisiw rin siya, helpless and alone. Sinalubong ni Bart ang tingin ni Allan matapos sairin ang laman ng baso. Kung makatingin ito ay para bang may hinihintay na marinig mula sa kanya. "What?" tanong niya. "Do you expect me to help her?" Hindi sumagot si Allan. Nagbuga lang ito ng munting tawa na para bang na-realize ding ang awkward ng ipinapahiwatig nitong gustong mangyari. "There must be a purpose why it's happening to her," he said coldly. "Let her deal with it." "POLLLLLY!" patiling tawag ni Aera sa beking nakaupo sa counter ng beauty salon. Hawak ang dalawang makapal na photo albums ay tinakbo niya ang papunta roon mula sa bahay niya. Off ni Aera nang araw na iyon kaya nagkaroon siya ng time para mabulatlat ang lahat ng mga gamit sa bahay na posibleng makatulong sa pagbabalik ng mga alaala niya. Sa pinakasulok ng maliit na bodega sa ilalim ng hagdan ay natagpuan niya ang isang box at nakita niya roon ang photo albums na puno ng mga larawan nila ni Bart. Naroon ang lahat ng printed memories nila sa nakalipas na pitong taon. Iyak siya nang iyak kanina habang tinitingnan ang bawat picture. Hindi na niya maalala ang ninety percent ng pictures na naroon pero damang-dama niya kung gaano sila naging kasaya ni Bart. Pagkatapos niyang mag-emote ay hinalughog niya uli ang bahay para hanapin ang photo album nila ng lalaking ipinalit niya kay Bart pero wala siyang nakita. Ni isang printed picture ay wala ito sa mga gamit niya. Kaya naman nakabuo siya ng isang hinala. Napahawak si Polly sa ulong puno ng nakabilot na foil. Mukhang nagpalagay ng highlights ang bakla. "Napa'no ka?" bulyaw nito sa kanya. "Tingnan mo." Ibinigay niya kay Polly ang photo albums na binuklat naman nito sa counter. Nakita niya ang pag-usok ng ilong ni Polly habang binubuklat ang pages. Matalim ang tingin nito nang ibalik sa kanya. "Ba't pinapakita mo sa 'kin ang mga 'to? Gusto mong sunugin ko ang mga 'to?" Mabilis na binawi ni Aera ang photo albums at niyakap ang mga iyon. "Gusto ko lang ipakita sa 'yo na mahal na mahal ko si Bart. Kasi alam kong ang tamad-tamad kong mag-compile ng pictures pero ginawa ko para sa kanya." Nag-twitch ang lips ni Polly. "O? Eh, ano ngayon? Mahal na mahal mo pero ipinagpalit mo naman sa iba bandang huli." "Hindi ko minahal 'yong lalaking 'yon. Kung sino man 'yon." "Paano mo nasabi?" nakaalagwa ang kilay na tanong ng beki. "Eh, wala ka ngang maalala?" "Wala akong ginawang photo album para sa aming dalawa ng lalaking 'yon. Kung mahal ko siya, gumawa sana ako ng photo album gaya ng paggawa ko para sa aming dalawa ni Bart. At saka ni isang picture niya, wala sa bahay ko." "Malamang," sabad ni Carrie na papalapit sa kanila, "nasa phone mo lang, ses. Hindi mo na-print. Kasi nakakatamad nang mag-print ng pics ngayon. Lahat nasa gallery na lang ng phone at saka sa photo albums sa Facebook." "At saka," dagdag ni Polly, "sa laptop na hindi mo mabuksan-buksan. Malamang punong-puno 'yon ng pictures ng pagtataksil mo. Baka nga may sex video pa kayo doon." Napahugot ng hininga si Aera, manghang-mangha sa lumabas sa bibig ng bakla. "Shut up!" "Ikaw ang mag-shut up!" singhal ni Polly. "Gusto mo pa ngayong i-deny ang kataksilan mo. Ikaw mismo ang umamin kay Bart na nagtaksil ka." Mabuti na lang at walang customer nang mga oras na iyon at ang iba pang beauticians maliban kina Carrie at Susie kaya walang nakakarinig sa pinagsasabi ni Polly. "Malakas ang pakiramdam ko na hindi talaga nawala 'yong feelings ko para kay Bart. Kahit wala akong maalala, nararamdaman ko. Mahal ko siya noon at mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Hindi talaga ako nagbago." "Ano'ng gusto mong palabasin?" mataray na tanong ni Polly. "Hindi kaya... hiniwalayan ko lang si Bart dahil may mabigat akong dahilan? Hindi dahil may mahal na akong iba o dahil hindi ko na siya mahal?" Narinig ni Aera ang ginawang pagsinghap ng baklang makeup artist at hairdresser na si Susie na may heavy fake lashes at pink pixie hair pero mukha pa ring lalaki dahil borta. Tumayo ito mula sa couch at lumapit sa kanila. "Are you saying..." maarteng tanong ni Susie, "na nagpanggap ka lang na may mahal nang iba para palayuin si Bart?" Sunud-sunod ang ginawang pagtango ni Aera. "Gano'n na nga! Baka kinailangan ko lang siyang layuan kahit ayaw ko. At 'yong lalaking 'yon, baka ginamit ko lang din siya para layuan ako ni Bart. Para magalit siya sa 'kin. Para 'di na niya ako habulin o pagtangkaang balikan. Kaya nawala rin agad 'yong lalaking 'yon sa buhay ko." Huminto sa harap niya si Susie habang nanlalaki ang mga mata. "'Tapos ang dahilan kung bakit mo hiniwalayan si Bart was because inutusan ka ng lolo ni Bart na layuan ang apo niya kapalit ng ten million pesos!" Napatanga si Aera sa sinabi nito. "Huh?" "Jusko!" Natutop ni Carrie ang bibig. "Parang napanood ko na 'yan sa mga teleserye! Pero nasaan 'yong ten million pesos na tseke? Bakit wala kang kapera-pera? Hindi kaya, pinunit mo 'yon? 'Tapos sinabi mo, 'hindi ko kailangan ng ten million pesos n'yo! Hindi mabibili ng pera ang pagkatao ko. Lalayuan ko na lang ang apo n'yo dahil ayokong mapabilang sa matapobreng pamilyang ito!' Sabay walk-out." Nagharap sina Susie at Carrie at nagdikit ang mga palad, mukhang tuwang-tuwa sa istoryang naisip ng mga ito. Napakamot na lang ng ulo si Aera. "Eh," sabad ni Polly na halatang uminit lalo ang ulo, "kung pag-uuntugin ko ang mga ulo n'yo? Tigilan n'yo 'yang kalokohan n'yo. Lalo ka na, Aera. Umamin ka, binentahan ka ni Boy Taga ng shabu, 'no? Nakita ko kayo kahapon sa harap ng tindahan na magkausap." "Hindi, 'no!" pag-deny niya. "Nagtanong lang siya ng oras kahit wala naman akong suot na relo o cellphone na hawak. Maniwala ka, Polly. Imposible talagang nawala 'yong feelings ko para kay Bart. Kaya malamang totoo 'yong hinala kong may mabigat akong dahilan kung bakit kailangan ko siyang hiwalayan. Pinalabas ko lang na may iba na 'kong mahal para layuan niya 'ko." Lumabas si Polly sa counter at hinarap si Aera. "Feeling mo lang 'yon. Nararamdaman mo na mahal mo si Bart ngayon kasi 'yon 'yong huli mong naaalala. Kasi nga nawala 'yong memory mo. Ibig sabihin, hindi nag-e-exist sa isip mo 'yong boylet na ipinalit mo sa kanya kaya wala kang feelings doon sa lalaking 'yon. Therefore, naturalmente, si Bart pa rin ang mahal mo ngayon. So, kapag nakaalala ka na, mawawala na uli 'yong nararamdaman mo para kay Bart. Gets?" Naiintindihan ni Aera ang logic ng sinabi ni Polly pero parang ayaw tanggapin ng isip niya. "Hahanap ako ng ebidensiyang tama ang hinala ko." Nag-roll eyes si Polly. "Imbes na maghanap ka ng ebidensiya ng sinasabi mo, bumalik ka na lang sa ospital at ipatingin mo uli 'yang ulo mo. Kasi baka hindi na lang 'yong memory mo ang nasira, baka pati buong utak mo na nagkatama." Lumabas na si Aera sa beauty salon at hindi na nakipagtalo pa kay Polly pero determinado siyang alamin ang misteryo ng pakikipaghiwalay niya kay Bart.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now