Chapter 15

193 6 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

SINIPAT-SIPAT ni Aera ang sarili sa harap ng salamin habang nakasuot ng red two-piece swimsuit. Niyon lang talaga niya napagtuunang inspeksiyunin ang pagbabagong nangyari sa sariling katawan sa nakalipas na taon. Pakiramdam niya ay mas lumaki ang boobs niya kaysa sa naalala niya at ang baywang niya ay mukhang nadagdagan ng one inch pero flat pa rin ang tiyan niya. Parang mas bumilog din ang balakang niya. Mas kuminis din ang skin niya. Naniniwala na siya na "hot" nga siya gaya ng sinasabi ng audience niya sa car wash shop nitong nakaraan. Kaya tama siguro ang mga beki nang sabihing imposibleng hindi maakit sa katawang iyon si Bart kung makikita siyang suot ang skimpy bikini na ibinigay ni Susie. Nag-meeting sila nang umuwi siya sa bahay niya three days ago. Tuloy ay pinlano nila kung paano niya aakitin si Bart. Limang araw niyang pinaghandaan ito. Sa loob ng limang araw ay ikinundisyon niya nang husto ang sarili sa nakatakdang gawin. Sinunod niya ang suggestion ni Susie na manood siya ng sexy films para makakuha ng idea. Gayahin niya raw ang galaw ng mapang-akit na mga babae sa mga palabas. Ang bilin ni Carrie, kung kinakabahan daw siya ay sumimsim siya ng kaunting alak para magkalakas loob at hindi siya mahiya sa gagawin. Inihanda na rin ni Aera ang sarili kung sakaling may maganap sa pagitan nila ni Bart. Kahit hindi niya maalala ay alam niyang may namagitan na sa kanila sa mga nakalipas na taon kaya hindi siya dapat magpakipot pa. Naniniwala siyang mahal pa rin niya si Bart kahit wala siyang maalala. Kaya napagdesisyunan niyang gawin ang lahat para bumalik ang feelings nito para sa kanya. Sukdulang akitin niya ang lalaki ay gagawin niya para pabalikin siya sa buhay nito. At sa pagkakataong iyon, hinding-hindi na niya pakakawalan pa si Bart kahit ano at sino pa ang magpalayo sa kanilang dalawa. Nasa swimming pool si Bart nang mga oras na iyon. Pero bago ito pumunta roon ay inutusan siya nitong maghatid ng wine sa pool. Umakyat kaagad siya sa kuwarto niya para isuot ang swimsuit at masimulan na ang kanyang plano. Pagbaba ni Aera ay uminom muna siya ng wine bago maghatid sa pool. Nasarapan siya kaya nakadalawang salin siya. Nang sa tingin niya ay kumalma na ang nerves niya ay lumabas na siya. Naabutan niya si Bart na kasalukuyang lumalangoy. Inilapag ni Aera sa gilid ng pool ang hawak na tray na may dalang wine bottle at glass at pinanood ang paggalaw ng muscles ni Bart habang lumalangoy. Mukhang hindi lang lakas ng loob ang ibinigay sa kanya ng alak, pinag-init din yata siya nito. Siya dapat ang mang-aakit pero parang siya ang naaakit sa lalaki. Nang tumayo si Bart sa pool ay lumapit ito sa edge kung saan niya inilapag ang wine. Kumunot ang noo nito nang tingalain siya at tapunan ng tingin ang suot niyang bathroom robe. "Can I join you?" Miski siya ay nagulat sa kung paano lumabas mula sa bibig niya ang mga salitang iyon. Hindi alam ni Aera na kaya pala niyang magsalita in a sultry voice. Halatang hindi inaasahan ni Bart ang sinabi niya. Pati siguro kung paano niya sinabi ang mga salitang iyon. Dinampot nito ang bukas na wine bottle at sinalinan ang baso. "Of course not. Pinayagan lang kitang sumabay sa 'kin sa pagkain, pati sa paglangoy, sasabay ka na rin? Matulog ka na. Bukas tayo magtutuos. Iinspeksiyunin ko uli bukas 'yong mga ginawa mo nang limang araw na wala ako rito. Sisimulan mo na rin ang magtanim bukas." Dinala ni Bart sa bibig ang wine glass pero natigil ito sa pag-inom dahil naghubad si Aera ng roba at tumambad dito ang suot niyang skimpy red bikini. Naiwang nakabuka ang bibig ng lalaki habang hinahagod ng tingin ang kabuuan niya. Lihim na nasiyahan si Aera sa nakitang reaksiyon ng lalaki. Nagsimula siyang bumaba sa steps ng pool. Hindi na nakaimik si Bart na nanatiling nakatanga sa kanya. Imbes na lumangoy ay lumapit siya rito at tumigil sa harapan nito. "Kaya lang..." sabi ni Aera sa mapang-akit na tinig, "hindi ko na pala maalala kung paano lumangoy. Puwede mo ba akong turuan?" "Huh?" Parang nasa trance pa rin si Bart habang nakatitig sa kanya. Lumunok ito nang mas ilapit pa ni Aera ang sarili rito. Ang bilin ni Susie ay sagpangin agad niya si Bart kapag hindi ito lumayo pagkatapos niyang lumapit nang husto sa lalaki. Pero gusto niyang gayahin ang ginawa ng sexy star sa napanood niyang classic rated-R film. Inilubog niya ang sarili sa tubig at nang umangat ay basa na ang mukha at buhok niyang hinawi niya papunta sa likod. Mas sexy nga naman kasing tingnan ang babae kapag basang-basa. Mukhang effective naman ang ginawa ni Aera dahil parang gusto nang tumulo ng laway ni Bart. Nang kumapit siya sa mga balikat nito ay bahagyang nanlaki ang mga mata ng lalaki. Unti-unting inilapit ni Aera ang mga labi kay Bart hanggang sa dumikit iyon sa mga labi nito. She took time sipping on his lips. Ganoon kasi ang napanood niya. Teasing kiss lang. Parang nananakam. Ang lalaki sa pelikula ay hindi nakapagpigil at kinuyumos ng halik ang mga labi ng babae. Nag-give in ito sa temptation. Ine-expect niyang ganoon din ang gagawin ni Bart nang maramdaman niya ang paghawak nito sa mga balikat niya. Pero nabigla na lang siya nang ilayo siya nito sa sarili. Bilog na bilog ang mga mata ni Bart nang masalubong niya. "D-did you drink my wine?" "Huh?" Nalasahan ba nito ang alak sa mga labi niya? "W-who told you to drink my wine?" "Ah..." "Next time... 'wag mong gagalawin 'yong mga alak ko. Naiintindihan mo ba?" Nalilito man ay tumango na lang si Aera. Dali-daling umahon sa tubig si Bart at ni hindi man lang ito lumingon nang lumakad nang mabilis papasok sa mansiyon. Bumagsak ang mga balikat ni Aera nang ma-realize kung ano ang nangyari. Hindi siya nagtagumpay sa pang-aakit kay Bart. IBINAGSAK ni Bart ang katawan sa black couch sa living room ng kanyang penthouse at nagpakawala ng marahas na paghinga. Ang balak niya ay magdamag siyang magpapakaligaya sa labas kaya pumunta siya sa isang bar para makakilala ng willing na babaeng tutugon sa pangangailangan niya. Pero wala siyang naramdamang init nang makipaghalikan siya sa isang babaeng lumapit sa kanya. She knew that woman. She was a fashion model and she was undeniably hot. He wondered why he didn't feel anything when they kissed. While Aera only grazed her lips on his and he was immediately on fire. Actually, the moment she took off her robe that night, he instantly felt a stir in his groin. Hindi alam ni Bart kung ano ang mayroon si Aera na wala ang babaeng nakilala niya kanina. O mga babaeng nakilala niya sa loob ng isang taon. Bakit hindi siya nagkainteres sa kahit sinong babae? Naisip niyang nawalan lang siya ng gana sa mga babae at pakikipagrelasyon nang dahil sa sugat sa puso niya. Pero ngayon, na-realize niyang mukhang walang ibang babae ang kayang magpainit sa kanya kundi ang ex-girlfriend lang. It was absurd. He must have a psychological problem. Tama, na-trauma siguro siya kaya hindi normal ang nangyayari sa kanya. Why would he still desire the woman who hurt him? Alam ni Bart na lasing lang si Aera kaya nagawa iyon. Kaya umakto na lang siyang parang walang nangyari at hindi iyon big deal sa kanya. Ayaw niyang isipin ng babae na naapektuhan siya nang husto sa ginawa nito. Pumikit siya at muling pumasok sa isip ang pagdidikit ng mga labi nila ni Aera. If he did not immediately come to his senses that night, he would have probably smashed his lips against hers. He groaned in frustration. "I hate you all the more now, Aera." Parang gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagpapatira sa babae sa bahay na iyon. Maybe he should not sleep there every weekend anymore. Pupunta na lang siya para tingnan ang progress ng ginagawa nitong pagmamantini sa mansiyon. Tumunog ang cellphone ni Bart kaya dinukot niya ang cellphone mula sa loob ng coat. Si Samantha ang tumatawag. Nagpadala ito ng text message sa kanya kanina para sabihing umuwi na ito galing Roma at nag-reply lang siya ng "talk to you later." "Did you miss me that much para tawagan ako nang hatinggabi?" biro niya. "I can't sleep due to jet lag, so I had time to wonder what you have been doing since you ran away from our wedding." Wala siyang balak sabihin kay Samantha na pinatira niya sa bahay na binili niya ang babaeng dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila nito. Sigurado kasing pagtatawanan siya ng fiancée. "Nothing special." "How's Aera doing?" "Bakit sa 'kin mo tinatanong?" "Because I ran into your cousin earlier at the airport. Dave said I should be guarding my fiancé from now on before he starts doing crazier things." That son of a bitch. Baka nakakalimutan ni Dave na pinayuhan siya nitong makipagtanan na sa ex niya. "What could be crazier than getting yourself involved with your ex, who recently ruined our wedding? Kaya nagka-idea ako na it's probably about Aera." "I don't have anything to do with her." Just a few days ago, binuhay lang naman ng babaeng iyon ang matagal nang natutulog niyang pagnanasa. "Okay. I'm attending a wedding on Saturday. I want you to escort me para mawala 'yong growing suspiscion ng mga tao na naghiwalay na tayo." "So, you still intend to marry me?" "If you won't come back to Aera, I guess we have no choice but to get married real soon." He snorted. "You really enjoy teasing me about her." "I'm enjoying stating a huge possibility." "She cheated on me, Sam. When are you going to get that?" Bumuntong-hininga ito. "Fine. See you on Saturday." HABANG nakalublob sa bathtub ay muling tiningnan ni Aera ang pictures na pinagse-send nina Susie at Carrie sa group chat nila. Kuha ang mga iyon sa kasal na dinaluhan ni Bart kasama si Samantha kahapon. Kaya hindi pumunta at natulog doon ang lalaki ay dahil kasama pala nito ang fiancée. Napaluha siya kahapon nang makita ang mga larawang nakuha ng mga beki mula sa Instagram ni Samantha. Para kasing ang sweet ng dalawa. Nakaakbay pa si Bart sa babae. May kuha pang halos magkadikit ang mga mukha ng engaged couple habang kapwa nakangiti. Nagseselos siya. Kahit alam niyang pamilya lang ng dalawa ang nag-engage sa mga ito, masakit pa rin para kay Aera na makita si Bart na may kadikit na ibang babae. Mabigat pa rin ang loob niya nang malamang mukhang matutuloy pa rin ang kasal na iyon at tuluyan nang mawawala sa kanya si Bart. Ang sabi ng mga beki ay kailangan na niyang mag-double time sa pang-aakit sa lalaki. Kung hindi naakit si Bart sa ginawa niya sa pool, dapat na siyang maging mas aggressive. Kaya ngayon—ayon sa suggestion ni Susie—ay naroon si Aera sa bathtub sa loob ng master's bedroom, totally naked, at ang tanging takip sa katawan ay mga bula ng shower gel na ibinuhos niya sa tubig. Ang bilin ni Carrie, kung kinakailangang mag-bold siya nang tuluyan ay gawin niya. Tutal naman ay nakita na ni Bart ang katawan niya kaya hindi na niya kailangan pang itago. Pero dahil kinakabahan si Aera sa nakatakdang gawin ay kumuha uli siya ng wine at uminom habang nakababad sa bathtub. Sa mga oras na iyon ay alam niyang parating na si Bart dahil nabasa niya ang text message nito kanina. Nagpasak siya ng earphone sa mga tainga at pumikit habang ini-internalize ang pagiging isang mapang-akit na Eba. Sisiguraduhin niyang kakagat na si "Adan" sa mansanas niya sa pagkakataong iyon. Napapitlag na lang si Aera nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at bumungad si Bart na halatang nabigla nang makita siya roon. "A-ano'ng ginagawa mo riyan?" Narinig ni Aera ang sinabi ni Bart dahil wala namang tunog ang earphone na suot niya. Props lang iyon para may dahilan siya kung bakit hindi niya narinig ang pagdating ng lalaki. Inalis niya ang earphones. "Bart!" "I said, ano'ng ginagawa mo sa banyo ko?" "Nakikigamit ng bathtub... kasi hindi ko naman alam na darating ka," maang-maangan niya. Sinadya niyang hindi mag-reply sa text message nito kanina para kunwari ay hindi niya nabasa. Nahalata kaagad ni Aera ang uneasiness ni Bart. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at itinuon ang mga mata sa wall tiles ng banyo. "Nag-text ako sa 'yo kanina na darating ako." "Hindi pa ako nagtingin ng cellphone mula pa kanina. Akala ko, hindi ka na darating kasi hindi ka dumating kahapon." Tinapunan nito ng tingin ang wine glass na nakalapag sa gilid ng bathtub. "I've told you not to touch my wine." "Ang damot mo naman. Parang wine lang. Eh, 'di, ibawas mo na lang sa suweldo ko." Mukhang natukso si Bart na ibaba ang tingin sa bandang dibdib niya pero mabilis ding nag-iwas ng tingin. Nahuli niya ang ginawang paglunok nito. Lihim na nagdiwang si Aera dahil halatang naapektuhan ang lalaki sa idea na wala siyang anumang saplot sa ilalim ng tubig at mga bulang iyon. "You should be working at this hour, and yet you're drinking wine in my bathtub without my permission." "Nagre-relax lang naman kahit sandali." "Puwede kang mag-relax pero hindi sa oras ng trabaho. Sa gabi, pagkatapos ng trabaho mo, doon ka dapat nagre-relax." "Paano pa ako makakapag-relax kung pagod na pagod ako pagkatapos ng trabaho ko kaya palakda na agad ako. Tulog na agad ako." "Then do your relaxation on your rest day, which is tomorrow, right?" Nagpakawala ng frustrated sigh si Bart at hindi na itinuloy ang sinasabi. "Now, get off my bathtub and—" "Okay," putol ni Aera sa sinasabi nito at umaktong tatayo mula sa bathtub. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ng lalaki. Mabilis na tumalikod si Bart bago pa man siya makatayo nang tuluyan. Hindi ganoon ang ine-expect ni Aera. Kahit paano ay umasa siyang matutukso itong suyurin ng tingin ang kahubdan niya hanggang sa matukso na ito nang tuluyan at ang susunod na kaganapan ay rated SPG na. Nag-groan si Bart at humakbang na palabas ng banyo. Bagsak ang mga balikat na idinikit uli ni Aera ang likod sa gilid ng bathtub. Failed na naman ang misyon niya. MALUNGKOT na pinanood ni Aera si Bart sa ginagawa nitong pag-iimpeksiyon ng ginawa niyang paglilinis sa garden at pagtatabas at pagkokorte ng mga bush. Mga limang oras yata itong nagkulong sa kuwarto pagkatapos niyang lumabas mula sa banyo roon. Nagalit yata sa ginawa niya kaya ang tagal bago siya hinarap. Hindi naakit sa kanya si Bart. Namali siguro siya ng basa sa reaksiyon nito kanina. Nailang lang yata ito kaya ganoon. O baka naalibadbaran. Wala na ba talaga siyang epekto rito? Mukhang mali si Susie nang sabihing the best way to a man's heart is through his groin. Wala na siyang epekto sa groin ni Bart. Kailangan na niyang tigilan ang kalokohang ito bago pa siya palayasin ng lalaki. Iisip na lang siya ng ibang paraan para mahulog uli ang loob nito sa kanya. Iyong hindi niya kailangang maghubad. Nang tumingin sa kanya si Bart ay nakita niya ang pagdududa sa mga mata nito. Marahas ang ginawa nitong pagbuga ng hangin at lumapit sa kanya. Mukhang pagagalitan na naman siya ng lalaki. Hindi ba nito nagustuhan ang ginawa niyang pagkorte sa bush na sinisipat nito kanina? Naningkit ang mga mata ni Bart at humakbang ito palapit sa kanya. Napaatras si Aera dahil pakiramdam niya ay sinusugod siya ng lalaki. Hindi ito huminto hanggang sa maramdaman na lang niya sa likod ang haligi ng patio. Wala na siyang uurungan. Itinukod ni Bart ang kamay sa carved pillar at niyuko siya. "I don't think I should disregard my hunch." "Huh?" "Inaakit mo ba 'ko?" Natigilan si Aera. Nahalata na nito ang ginagawa niya? "Hindi mo lang ginawa 'yong pag-join sa 'kin sa pool at paggamit ng bathtub ko dahil nakainom ka. Sinadya mo 'yon. Tama ba 'ko?" Hindi nakaimik si Aera. Magde-deny pa ba siya kung halata naman ang ginagawa niya? Nagbuga uli ng hangin si Bart. Nag-smirk ito. "I knew it." Napayuko na lang siya dahil sa pagkapahiya. "Why would you do that? Sa tingin mo ba ganoon pa rin ako kagago para maakit pa rin sa 'yo despite what you did to me?" Tumingala si Aera at nasalubong niya ang galit sa mga mata nito. "Gusto kong bumalik ka sa buhay ko." "What?" Halatang hindi makapaniwala si Bart sa sinabi niya. Pagkatapos mamangha ay nagtatatawa ito. "Do you think I'm a fool? Sa tingin mo, tatanggapin uli kita sa buhay ko?" Natameme si Aera. Alam niyang maliit ang tyansang balikan siya ni Bart pero ang sakit palang marinig mismo rito na wala siyang kapag-a-pag-asa. "Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob, Aera. Pagkatapos ng ginawa mo, iniisip mong babalik pa rin ako sa 'yo." "Dahil hindi ako nag-cheat sa 'yo, Bart. 'Di ba sinabi ko na sa 'yo 'yong tungkol kay Mark? Hindi totoong nagkaroon kami ng affair." "Did you really trust that jerk? What if he's just feeding you with lies? What if he's just trying to mess with your memory?" "Bakit niya gagawin 'yon?" "Bakit hindi? The fact that you're telling me that you two lied to me and pretended to have an affair means he could very well lie to anyone, lalo na sa isang babaeng walang maalala." Sa totoo lang, kaya nag-hesitate si Aera na sabihin sa iba ang pagkawala ng mga alaala niya ay dahil nangangamba rin siyang baka may magsamantala sa kondisyon niya. Kahit sino nga naman ay paniniwalaan niya, at this point. "Pero paano kung totoo 'yong sinabi niya?" "Halimbawa ngang totoo 'yong sinabi sa 'yo ng lalaking 'yon, it doesn't erase the fact that you still chose to drive me away and leave me. Kahit pa totoong inutusan o tinakot ka ng pamilya ko para layuan ako. If you really did love me, hindi mo ako makakayang mawala sa buhay mo. Dahil kung ako halimbawa ang utusan o takutin ng pamilya ko, hindi kita iiwan. Sila ang iiwan ko para sa 'yo." Parang gustong maluha ni Aera sa sinabi ni Bart at sa nakikita niya sa mga mata nito. May contempt sa mga iyon pero kitang-kita niya ang intense pain. "You better stop doing this, Aera. Stop trying to seduce me and assuming that you can make me want to take you back in my life. Kung ayaw mong paalisin kita sa bahay na 'to, just stick to your job." Iyon lang at iniwan na siya ni Bart. Pinakawalan ni Aera ang pinipigilang mga luha. Nasasaktan siya, hindi dahil sa matalim na mga salitang ipinukol sa kanya nito, kundi dahil nasaktan pala talaga niya nang husto ni Bart at mukhang napakalaki ng naging epekto niyon sa lalaki para maging ganoon katigas ito. Nasaan na iyong sweet at forgiving na lalaking nakilala niya? Mukhang binago niya si Bart.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now