Chapter 20

360 8 0
                                    

CHAPTER TWENTY

HABANG pinagmamasdan ni Aera ang façade ng Mt. Carmel Chapel ay naalala niya ang eksena kung saan pumasok sila ni Bart doon. Ang sabi niya sa isip, ang sarap sigurong maikasal doon. Kaya lang ay mukhang hindi na siya maikakasal pa sa lalaking gusto niyang makasama habambuhay. Kaya habang nakatitig si Aera sa altar ng chapel nang araw na iyon, gusto niyang mapaluha. Pinigilan lang niya ang sarili dahil baka magtaka si Bart na noon ay walang kaide-ideya na malapit na niyang iwan ito. "Ate Aera." Ginalaw-galaw ni Dindin ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito. Nang tingnan niya ang bata ay nakatingala ito sa kanya. Si Dindin ang anim na taong gulang na anak ni Tita Sally. Poor child. Mas bata pa ito sa kanya noong nawalan ng ina. Kaya habang nasa Batanes siya ay hindi siya tumatanggi sa tuwing gustong sumama sa kanya ng bata. Gusto niyang ibalik ang ginawang pag-aalaga ng kanyang tiya sa kanya sa anak nito. "Yes, Dindin?" "Bakit kanina ka pa nakatitig sa chapel?" Ngumiti si Aera. "May naalala lang ako." "Good o bad memory?" Hindi niya matukoy kung good o bad nga ang alaalang iyon dahil masaya sila ng araw na iyon pero iyon din ang huling couple trip nila ni Bart. "An old memory," sabi na lang niya. "Pero good po ba o bad?" makulit na tanong nito. Bumuntong-hininga si Aera at ibinalik ang tingin sa harap ng chapel. "Hindi na mahalaga 'yon, Dindin. Ang importante, bumalik na most memories na nawala sa 'kin no'ng nakalipas na mga buwan. Malungkot man o masaya 'yong mga alaala, gusto ko 'yong manatili sa isip ko kahit pa masaktan ako. Kaysa naman hindi ko na talaga maalala 'yong mga panahong nakasama ko 'yong taong mahal ko." Kusang nag-init ang mga mata ni Aera. Hindi niya pa rin alam ang gagawin. Naghahati pa rin ang desisyon niya sa kung hahayaan na lang niyang mawala sa kanya nang tuluyan si Bart o sasabihin niya rito ang totoo kapalit ng pagkasira ng relasyon nito sa pamilya at pagkawala ng magandang buhay na tinatamasa nito. Kagabi lang bumalik sa isip ni Aera ang nangyari noong araw na naaksidente siya. Naiwala niya ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Bart noong first anniversary nila. Gamit ang scooter ay binalikan niya ang mga pinuntahan ng araw na iyon para hanapin ang kuwintas. Una siyang nagpunta sa milk tea shop na binilhan niya ng milk tea pauwi. Dahil sa sobrang pagkataranta sa paghahanap kung saan niya naihulog iyon ay hindi na niya napansin na naiwan niya ang hinubad na helmet sa inalisang lugar. Kaya wala siyang suot sa ulo nang pumunta siya sa sumunod na lugar. On the way to her next destination ay lumuluha na si Aera kaya nanlabo ang paningin niya. Hindi niya napansin ang kotseng paparating kung saan siya muntik nang mabangga. Nakaiwas nga siya sa kotse pero nabangga naman siya sa isang fire hydrant. Kaya pala kahit anong hanap niya sa kuwintas na iyon ay hindi niya makita. Naiwala pala niya iyon. "Mahal na mahal ko siya... ayaw ko siyang mawala sa isip ko. Kahit na habambuhay akong magdusa sa tuwing naaalala ko siya, titiisin ko. Kasi kahit nasaktan ako, naging masaya ako dahil sa kanya." Hindi sumagot si Dindin kaya yumuko siya sa bata. Nakatingala ito sa kanya at halata sa mukha na hindi nakukuha ang sinasabi niya. Ngumiti siya at hinaplos ang ulo nito. "Balang araw, kapag na-in love ka, maiintindihan mo rin 'yong sinabi ko. Malalaman mo na mas mahalaga 'yong kapakanan ng taong mahal mo kaysa sa sarili mong damdamin. Na handa kang magsakripisyo, basta maging mabuti ang kalagayan niya..." Natigilan si Aera nang makita ang anino sa tabi ng kinatatayuan ni Dindin. Napalingon siya at nanlaki ang mga mata nang makita si Bart na nakatayo sa likuran nila.   Humakbang pa palapit ito, nagtatanong ang mga mata habang nakatitig sa kanya. "Hindi ko maintindihan." "B-Bart..." Bakit ito pumunta roon? Nag-panic man sa sudden presence nito ay hindi niya maikakailang miss na miss niya si Bart. "Ipaliwanag mo sa 'kin. Kung mahal mo ang isang tao, bakit kailangan mo siyang iwan? Hindi ba dapat, kahit ano pa'ng mangyari, kahit sino pa ang humadlang, hindi ka bibitiw kung mahal mo 'yong isang tao at alam mong mahal ka rin niya?" Hindi magawang makapagsalita ni Aera. "'Yong mga sinabi mo kay Dindin..." Tinapunan nito ng tingin ang batang nakatingala lang sa kanila. "Iyon ba 'yong dahilan kung bakit for the second time around, iniwan mo naman ako? Did you choose to leave me, because you believed that my life would be better without you? And why did you think so?" Napayuko si Aera. Hindi siya handang sabihin kay Bart ang katotohanan. Ayaw niyang ma-burden ito kapag nalamang malaki ang kasalanan ng ama nito sa pamilya niya. Sinabihan niya si Dindin na pumasok muna sa loob ng simbahan at susunduin na lang ito pagkatapos makipag-usap kay Bart. "Nag-cheat ako sa 'yo," sabi niya kay Bart nang mawala na si Dindin sa paningin niya. "I don't deserve you." Nagbuga ito ng hangin at tumingin sa kanya na para bang napantastikuhan sa sinabi niya. "Naniniwala na 'kong hindi ka nag-cheat sa 'kin. Nakita ko si Mark na pumipisil ng butt cheek ng kapwa niya lalaki." Namilog ang mga mata ni Aera.   "Alam kong bumalik na ang mga alaala mo, Aera. Kaya kung iniisip mong magkaila na hindi mo alam na gay si Mark, 'wag mo nang pagtangkaan pa. I tried to reach out to Maris. Nakausap ko na siya. Sinabi niyang nagpa-psychiatrist ka at marami-rami nang memories ang bumalik sa 'yo nang paunti-unti. Kaya malamang, alam mo na kung bakit mo ako hiniwalayan noon at kinailangan mo pang palabasin na nag-cheat ka." Hindi makapagsalita si Aera dahil sa matinding kaba sa dibdib. "Bart..." Lumarawan ang guilt sa mga mata nito. "Did you hate me after learning that I'm the son of that person who ruin your dad's life and yours, too?" Napanganga si Aera sa pagkabigla. "Alam ko na 'yong tungkol doon. Recently ko lang nalaman. Naiintindihan ko na kung bakit mo 'ko iniwan." "Hindi ako nagalit sa 'yo! Wala kang kasalanan sa ginawa ng daddy mo." "Kung gano'n, bakit kailangan mo kong iwan? I understand that you don't want to see my father. You probably hated him nang malaman mong malaki ang kasalanan niya sa inyo. Ayaw mo sigurong maging parte ng pamilya ng taong siguradong sinisisi mo sa pagkamatay ng daddy mo. Pero kung sinabi mo lang sana sa 'kin—" "Hindi ko sinabi sa 'yo dahil alam kong magagalit ka sa daddy mo. Alam kong kakampihan mo 'ko. Magkakasira kayo. Masisira 'yong magandang tingin mo sa kanya at siya sa 'yo. 'Yong magandang samahan n'yong mag-ama. Alam kong sabik na sabik ka sa ama, sa pamilya na hindi ka nagkaroon noon. Natupad na 'yong pangarap mong yumaman. Kung magkakasira kayong mag-ama, baka i-disown ka niya. Mawawala sa 'yo lahat—yaman, ama, pamilya. Ang saya-saya mo dahil sa pagbabagong nangyari sa buhay mo. Ayokong makasira sa magandang takbo ng buhay mo. Ayokong nang dahil sa 'kin, mawala sa 'yo ang lahat..." Nakita ni Aera ang pamamasa ng mga mata ni Bart. "You've made a wrong decision, Aera. You really think I'd be happy without you? I was only happy because you're with me while I experience those things, this new life. No'ng nawala ka sa 'kin, hindi ako napasaya ng pamilyang hindi ko naman talaga kilala, ng sobra-sobrang yamang 'yon na superficial lang 'yong dalang saya. Na-realize ko, mas masaya ako no'ng ikaw lang ang mayroon ako." Naluha si Aera sa narinig. Hinaplos ni Bart ang pisngi niya. "So I don't mind leaving that family and their wealth for you. Kaya hindi ka dapat makaramdam ng guilt kung ikaw pa ang maging dahilan kung bakit iiwan ko sila at mawawalan ako ng pamilya at yaman. Hindi sila o 'yong yaman nila ang nagparamdam sa 'kin ng real happiness, it was you. Hindi ko sila kailangan, ikaw lang ang kailangan ko. Because I already have everything when I have you." Tuluyan nang napaiyak si Aera. Ikinulong ni Bart ang mukha niya sa mga palad nito.   "So please come back to my life, beb... and don't ever leave me again, please." Yumakap si Aera rito habang patuloy sa pag-iyak. "I'm sorry, Bart..." Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa buhok niya. "I'm sorry, too. Nagalit ako sa 'yo. Sinaktan kita, pinahirapan dahil akala ko, niloko mo 'ko, itinapon. Hindi ko alam na iniwan mo 'ko dahil kapakanan ko pa rin ang iniisip mo. And I'm sorry on behalf of my father. Hindi ko rin siya mapapatawad sa ginawa niya sa daddy mo, sa 'yo. I'd cut ties with him, with them, but I'll make sure he would repent and realize his faults." "Bart..." Ayaw pa rin niyang mawasak nang tuluyan ang koneksiyon nito sa bagong pamilya. Maybe it would take time, pero sana ay magawa niyang magpatawad balang araw para mabuo pa rin ang pagsasama ng mag-ama. Sa tamang panahon, sana ay maghilom ang lahat ng sugat ng kahapon at maging maayos na ang lahat. "I love you, Aera. And I want us to get married as soon as I changed back my surname to my mom's. Ayokong ibigay sa 'yo 'yong apelyidong dala ko ngayon, because it doesn't feel right. But, please, marry me soon. Dito sa simbahang ito. Hindi na sa Switzerland dahil wala tayong budget para doon. Tutal, little Switzerland naman ng 'Pinas 'tong Batanes, 'di ba? Kaya dito na lang tayo magpakasal. Payag ka ba?" Tumango si Aera habang lumuluha. Hindi nito alam na iyon naman talaga ang gusto niya—ang maikasal sa chapel na iyon. "Alam mo namang hindi ako demanding, 'di ba? Kaya kahit saan, okay lang. Basta sa 'yo ako ikakasal." Ngumiti si Bart at buong pananabik na sinakop ang mga labi niya. Natigil lang sila sa paghalik sa isa't isa nang makarinig sila ng hagikhik. Sabay pa silang napatingin sa entrada ng simbahan. Nakatayo roon si Dindin habang nakaturo sa kanila.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridDove le storie prendono vita. Scoprilo ora