Class Suspension Special

23.9K 723 109
                                    

Ikatlong araw na ng class suspension.

Lahat na ata ng pwedeng pagkaabalahan sa bahay, nagawa ko na. Natapos ko yung mga assignments ko. Nalinis ko yung kwarto ko-himala, kung tatanungin niyo ako. Natulungan ko na si Mama sa experimental cupcakes niya na maayos namang na-execute.

Nagawa ko na halos lahat.

Maliban sa bisitahin si King.

At dahil nami-miss ko na siya, nagpaalam ako kay Mama na pupunta ako sa bahay ng boyfriend ko. Pinagpadala niya ako ng cupcakes at sinabihang huwag magpagabi tapos tinitigan ako nang nakakatakot na titig na si Mama lang ang nakakagawa saka niya ako itinulak palabas ng bahay.

Hindi ko sinabi kay King na pupunta ako sa kanila. Si Tita Brenda na lang ang tinext ko. Siya na rin ang nagbukas ng gate para sa 'kin.

"Si Kristen po?" tanong ko sabay abot ng bag ng cupcakes.

"Ayon, mahimbing ang tulog. Dapat lang. Magdamag niya kaming pinuyat." Kumuha si Tita ng cupcake at kumagat dito. Nanlaki ang mata niya. "Ang sarap naman nito! You should teach me how to make one."

Dumiretso kami sa kusina. Pasimple naman akong sumulyap sa sala nila. "Si Mama po gumawa niyan. Assistant lang ako."

'Di nakalusot kay Tita Brenda yung pasimple na 'yon. "He's in his room."

Alam kong namumula yung mukha ko base sa pagpipigil ni Tita sa tawa niya. "Busy po ba siya?"

"Nag-aaral. But I'm sure he'll make time for you." Napansin kong nag-ayos ng dalawang tasa ng hot chocolate si Tita. Nilagay niya iyon sa tray kasama ng dalawang cupcake na dala ko. "Dalhan mo na rin siya ng snack. He needs the break anyway."

Pinipigilan kong makita ni Tita yung excitement ko sa pagpunta sa kwarto ni King. Maingat ko ring kinuha yung tray at umakyat. Pagkatapat ko sa pinto niyang nakabukas, tumigil muna ako at pinagmasdan siya.

Nakatungo si King at sobrang absorbed sa ginagawa niya. Kung titingnan, ang linis ng kwarto niya maliban lang talaga doon sa study table kung saan nagkalat lahat ng reference materials niya. Grabe 'tong taong 'to. Tatlong araw na bakasyon, ginugol lahat sa pag-aaral. Dapat na ba akong magselos?

Napangiti ako sa thought na iyon kasi alam ko naman yung sagot.

At dahil ayaw ko nang sayangin ang limited kong oras para makasama si King, kumatok ako sa pinto.

Para siyang walang narinig.

Mukhang dapat na ata akong magselos talaga.

Nilakasan ko yung pagkatok ko. It got his attention. Umupo siya nang tuwid at humarap sa akin. Bakas ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Parang hindi pa ata siya makapaniwala kasi kumunot pa yung noo niya.

Tumawa ako at tila naalis siya sa trance niya kasi tumayo siya at kinuha yung bitbit ko. "Anong ginagawa mo rito?"

"Dinadalhan ka ng snack."

Saglit siyang tumingin sa tray bago bumalik sa mukha ko. Nagtataka pa ata rin siya kung bakit may diyosa sa harap niya. Ang hirap maging maganda. Pero siyempre, imagination ko na 'yon.

Hindi ko na hinintay na imbitahan niya ako papasok, dumiretso ako't naupo sa binakante niya. Isang tingin ko pa lang sa notes, nahilo na ako sa mga medical terminologies na nabasa ko. Inisip ko ang lahat ng naaalala ko sa Biology na inaral namin nung high school pero walang bumabalik kundi yung mitochondria. It's the powerhouse of the cell. Grabe, ang talino ko na.

Lumapit si King at medyo isinandal yung pwet niya sa konting bakanteng space sa lamesa niya. Naka-cross arms siya at nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba masaya't nandito ako?" paglalambing ko.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon