Chapter 40: Goodbyes

61.6K 1K 92
                                    

Chapter 40: Goodbyes

“Sofia! Picture!” tumabi sa akin si Angela at itinaas yung camera para picture-an niya kaming dalawa. “You look great, by the way.” Tapos umalis na siya para magpapicture sa iba.

Graduation day. Ang daming photo bombers sa paligid. Bago pa ako makarating sa Hall, ilang camera na ang kumuha ng litrato ko. Panigurado ang dami kong notification sa Facebook bukas. Ilang batchmates ko din yung lumapit sa akin para papirmahan ito, pirmahan iyan na para akong artista.

Matapos ang ilan pang mga preliminaries, pinapila na kami ng teachers para sa simula ng graduation march. At dahil uso ang Filipino time, hindi agad nag-umpisa iyon. Mga 6:30 pm imbis na 6:00 pm pa nagsimula yung graduation march. Buti na lang at medyo maliit ako kaya nakaupo agad ako sa designated seat ko.

Unang part ng ceremony yung mass. Syempre dahil Catholic school ang pinapasukan ko hindi mawawala ang mass sa mga program namin. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng 30-minute break para makakain na yung mga gutom na tulad ko.

Buti naman this time around, tama sa oras yung simula ng graduation ceremony. Syempre nauna na yung bigayan ng diploma. Mawerte nga dahil 220 lang yung students dito kaya hindi din kami matagal na nakatayo sa riser. Sunod sa bigayan ng diploma ay yung pagbibigay ng award sa mga top students kasama ang valedictorian at salutatorian. Kasama sa top student si King at Inna. Hanggang ngayon nanghihinayang pa din ako kasi konting puntos na lang kasama ako sa top. Kung pinagbutihan ko pa sana sa Math. Pero ayos na ‘yun. What’s done is done.

Sumunod yung award sa mga loyal na nag-aral sa school. Yung tipong simula pa ng Kinder ay nandito na. Kasama ako sa mga ‘yon. May alumni din na nagbigay ng speech tungkol sa pagiging student niya sa school na iyon at yung mga naibahagi ng school sa success niya. Pagkatapos no’n, bumalik kami sa riser para mag-oath taking sa pagkakapasok sa Alumni Assosiation.

Pagkatapos non ay yung pagkanta ng graduation song namin. Dito pa lang sa puntong ito ko tunay na naramdaman na ga-graduate na talaga kami. This is it. Ilang beses namin kinanta itong kanta na ‘to noong nagpa-practice kami pero parang ngayon lang nagsi-sink in yung message nito:

When the going gets a little too tough

And when the games get a little too rough

I’m gonna take the time out and remember...

The people I grew up with and all the pranks we pulled,

Trying to be better always failing to be good,

Sleeping in class and laughing out loud,

Things that wouldn’t make our teachers proud.

Remember the days when life was so much easier

Doing crazy things and acting like a fool

But he-eey, that’s the best about high school!!!

Pero ang mas nakapagpaiyak sa akin sa graduation namin ay noong kinanta na namin yung school song namin. For the last time. Hindi na ako high school student. Aalis na ako sa lugar na ‘to at magsisimula na sa bagong chapter ng buhay ko. Hindi na ito yung uniform na susuotin ko sa future. Hindi na din ako uupo sa mga upuan nila. Pero ang mas nakakalungkot, ang mga kasama ko ngayon, hindi na sila ang makakasama ko sa  mga susunod na araw.

LimerenceWhere stories live. Discover now