Epilogue

77.4K 1.8K 372
                                    

This chapter is dedicated to all of you! Lahat kayong naging matiyaga sa pagbabasa ng Limerence at sa pagsusuporta sa akin from the start! Maraming maraming salamat. Hindi ko ito magagawa kung wala kayo! Thank you!

PS: May bonus chapter ako! POV ni KING! Mas maganda kung babasahin niyo muna iyon bago ito. Haha. Click the external link (or go to my profile, naka-link iyon 'don)!

Epilogue

Nine pm na. Kailangan ko nang umuwi kundi magsasara na yung LRT. Magji-jeep pa ako para makarating ng Katipunan station. Kaya nagpaalam na ako sa mga classmate ko.

"Guys, uuwi na ako. Sa school na lang natin ituloy 'to. Baka magsara na yung LRT," pagpapaalam ko sa mga ka-grupo ko na hindi gaya ko, malalapit lang ang bahay dito. Inayos ko na yung mga gamit ko. "Ikaw Rio, hindi ka pa sasabay?"

"Susunduin ako eh. Doon ako sa dorm uuwi," paliwanag ni niya.

Isinukbit ko na yung bag ko sa likod ko. "Sige, sige. Una na ako."

"Teka, Sofia!" habol ni Liezel. "Naiwan mo yung cell phone mo. May message ka galing kay Papa Dan!"

Nakilala ng mga classmates ko si Dan Gab noong minsan niya akong bisitahin sa school. Simula noon nagtatag na ata sila ng fans club para kay Dan Gab. Hanggang sa college ba naman, pinagpipiyestahan pa siya ng mga babae. At take note, hindi lang sa UPLB kundi pati sa school ko.

"Kelan ba namin siya uli makikita?" tanong ni Mika na medyo kinikilig pa.

"Oo nga, para gumanda naman ang araw ko," sabi naman ni Jelly.

"Mahiya naman kayo sa mga balat ninyo," si Jonna na nakasama ko mula high school hanggang college. "Sige na Sofia, umuwi ka na. 'Wag mo ng pansinin ang mga 'to. Inaantok lang yang mga yan. Alam naman ng lahat na sa 'kin si Dan."

Napailing lang ako sa kanila. Ang kukulit ng mga 'to. Ang tanging nasa tamang pag-iisip na lang ata sa grupo na 'to ay ako at si Janiene na tahimik lang kaming pinagmamasdan at tinatawanan ang kahibangan ng mga classmate ko.

"O sige na, aalis na ako," paalam ko uli noong nakuha ko na yung cellphone ko kay Liezel.

Pumara ako ng jeep at doon ko binasa yung message niya na apat na oras na simula noong na-send ito sa akin.

Sofia, nasan ka?

Daig pa nanay ko kung magtanong. Agad akong nag-reply. SLR. Nasa jeep pauwi. Bakit?

Tagal namang magreply. Bakit ngayon ka pa lang uuwi galing Marikina? Ang layo-layo niyan sa bahay mo, basa ko.

Paano mo naman nalaman na nasa Marikina ako?

I have my sources.

Sources ka diyan. Pinindot ko yung send button pero wala na pala akong load kaya hindi na nag-send yung message na iyon. Hindi naman siguro importante yung dahilan kung bakit niya ako tinext kaya kapag nasa bahay ko na lang siya rereplyan.

Bumaba ako sa Katipunan station at bumili ng ticket hanggang Recto station. Pagod na pagod akong umupo at isinandal ang ulo ko sa bakal na hawakan sa gilid. Maghapon akong nasa bahay nina Liezel. At sa maghapon na 'yon, isang senaryo lang ang maya't mayang naglalaro sa isip ko at ito ay yung encounter ko kay King kaninang umaga. Sa dinami-dami ng araw na pwede ko siyang makita, ngayon pa. Nakakatuwa ang chance. O destiny ba ito?

Don't get me wrong. Okay na ako. Nakausad na ako sa buhay ko. Pero meron pa ring parte na laging magmamahal kay King. At mukhang nagulat yung parte na iyon kaninang umaga noong bigla niyang nakita si King. That would explain the almost-hyperventilating episode kanina. Tama, iyon nga.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon