Chapter 20: Partners in Crime

73K 959 152
                                    

Chapter 20: Partners in Crime

Si Dan Gab. Nagawa pa niyang magsinungaling sa adviser namin para lang makasama ako ngayon sa themed party. Bumalik tuloy sa isip ko yung sinabi niya sa akin kaninang umaga.

Pupunta ka. Trust me.

 

Pinagplanuhan pala talaga ng lalaking ito ang pagpunta ko.

“So,” sabi niya sabay pinagdikit yung palad niya tapos kiniskis pa, “ngayong hindi ka na kailangan dito sa backstage pumunta na tayo sa labas.”

“Ha? Uuwi na ako.”

“Sofia naman. Aaksayahin mo ba iyan,” dinaan niya yung kamay niya sa harap ko na parang gumuguhit ng vertical line sa hangin, “at uuwi na kaagad? Maawa ka naman sa nag-ayos sa iyo. Siya nga pala, sabihin mo sa akin kung sinong nag-ayos sa iyo. Gusto ko siyang pasalamatan. She did a very good job.”

Compliment ba iyon? Hindi ko alam kung matutuwa ako o maasar. Hindi ko din in-expect yung ginawa ko. I blushed.

“Yihee! Si Sofia kinikilig. Nako, Dan kunin mo na nga iyan! Hindi na namin iyan kailangan dito,” panunukso ni Angela.

Yung mokong naman na nagngangalang Dan ay abot hanggang tenga ang ngiti. In-offer niya sa akin yung braso niya at sinuot yung maskara niya. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko iyon kaso tinulak ako ni Maren palapit kay Dan Gab. Kinuha ko yung in-offer niyang braso tapos tiningnan ko sila ng masama habang naglalakad palabas. Panay hagikgik nila ang narinig ko noong nasa labas na kami.

Hindi pa kami nakakalayo sa backstage pero tumigil na sa paglalakad si Dan Gab. Humarap siya sa’kin tapos hinawakan yung kamay ko na may hawak ng maskara, kinuha ito, at inayos sa mukha ko.

“Para walang makakilala sa’yo. Akin ka lang ngayong gabi.”

Jusko, sa mga linya pa lang nitong lalaking ito, marami nang mga babae ang luluhod sa harap niya. Kelan kaya ako magiging isa sa mga iyon?

Umupo kami sa may kaliwang parte ng hall. Nandoon si Angelo at Josh. Nung nakita nila kaming lumalapit, biglang tumayo si Angelo sa upuan niya. Nilapitan niya ako tapos hinalikan yung kamay ko.

“At sino naman itong magandang binibining pinaunlakan ang imbitasyon ni Dan?” sabi niya habang hawak pa yung kamay ko.

“Nako, Dan, saan mo naman sinundo iyan?” tinapik siya ni Josh sa likod.

“Kaya pala todo pa-pogi ka kanina ah.”

“Gusto niyo nito?” tanong ko habang pinapakita yung nakayukom kong palad.

Natauhan ata sila nung narinig yung boses ko. Nakakatuwa yung mga reaksyon ng mukha nila. Lumaki yung mata ni Angelo tapos si Josh, napanganga. Kulang na lang dumausdos sa sahig yung baba niya.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon