Chapter 19: Walang Iba

78.9K 1K 160
                                    

Chapter 19: Walang Iba

Bakit ba kasi nag-volunteer pa ako na magdala nito?

Nasa gate pa lang feeling ko mahihiwalay na yung braso ko sa katawan ko. Ang bigat pala nito. Ikaw ba naman magdala ng dalawang galon ng pintura, kung hindi ka umangal ewan ko na lang. Nakakabad trip din yung si manong guard kasi humingi na ako ng tulong kanina ayaw pa akong tulungan. May araw ka rin sa ‘kin, manong guard…

Sinisimulan ko nang isulat yung last will and testament ko sa utak ko ng may biglang kumuha ng hawak ko. SALAMAT! Sabi na nga ba may puso din si manong guard eh.

“Ako na magbibitbit nito, Sofia. Mukhang babagsak ka na sa lupa kapag nagtuloy-tuloy ka pa sa paglalakad,” sabi ni Dan Gab at naglakad na siya papunta sa Hall.

Ako naman, hindi makagalaw sa pwesto ko. Tinignan ko lang si Dan Gab na sobrang daming dala. May backpack, yung gitara niya, yung mga lumang CD na naka-assign sa kanyang dalhin tsaka yung dalawang galon ng pintura. Bumalik tuloy sa isip ko yung pag-uusap namin ni Mama noong nakaraang gabi…

Umalis si Papa tsaka si Kuya para manood ng liga sa may barangay. Naiwan kami ni Mama sa sala. Nililinisan niya ako ng kuko sa paa habang nakikinig siya sa palabas na teleserye sa TV.

“Ma,” panimula ko. Matagal ko na din kasing gustong itanong sa kanya ito eh. “Nung nakilala niyo ba si Papa, alam niyo na siya na yung para sa inyo?”

Napatigil naman siya sa paglilinis ng kuko ko at tumingin siya sa akin. “At bakit naman bigla mo atang naitanong?”

Nagkibit-balikat ako. “Wala lang. Gusto ko lang malaman. At saka girl bonding time natin ito. Hindi ba iyon ang ginagawa kapag girl bonding time?”

Natuwa si Mama sa sinabi ko. “Kami ng Papa mo… Bata pa lang kami magkakilala na. Pumasok kami sa parehong school noong elementary. Tapos noong nag-high school kami, nagkaiba kami ng school. Pero pagdating ng third year lumipat siya sa school namin. Alam mo ba kung bakit? Na-kick out siya sa school. Hindi magandang halimbawa para sa inyong mga bata, iyang Papa niyo. Masyadong bayolente iyan noon. Hindi makontrol ang init ng ulo. Mayaman naman ang lolo at lola mo kaya nagawang ilipat sa school namin ng walang masyadong problema. Noong mga panahong iyon, iyon lagi ang naisip ko, na sinuhulan nila ang school para makapasok sa honor’s class ang Papa niyo. Pero mali pala ako.

“Matalino naman talaga siya at sabi ng school aksaya lang kung hindi gagamitin yung talino niya. Kaya nakipagkasundo na lang na i-counsel si George. Araw-araw nasa Guidance Office siya. Alam ko, kasi member ako ng Peer Counseling Group. Nasa office ako every Friday. Kapag kinakausap siya ng counselor, hindi siya nakiki-cooperate. Two months na siya sa counseling, wala pa ding progress.  Isang beses, noong lumabas yung counselor, sumilip uli ako sa pinto. Hinding hindi ko makakalimutan yung unang sinabi niya sa kin. ‘Ano? Ngayon ka lang nakakita ng gwapo?’ Medyo, naasar ako sa kayabangan niya. Ang sinagot ko? ‘Akala ko bayolente ka lang. Hindi ko alam nagda-drugs ka din pala. Wala sa katinuan yang utak mo’

"Simula noon, lagi na akong hinahabol ng Papa mo. Niligawan niya ako pero hindi ko siya sinagot kasi may iba akong gusto noong mga panahong iyon. Pero kahit alam iyon ng Papa mo, hindi pa din siya sumuko. Nagkahiwalay din kami noong nag-college kami at 7 years after, nagkita uli kami. Sa wakas, pumayag din ako na mag-date kami ang pilit niya kasi. Noong natapos yung gabing iyon,na-realize ko na ibang tao na siya. Ang sarap niyang kasama. At napasaya niya ako. Noong tumagal kami, napaisip ako at nanghinayang sa mga panahon namin na nasayang. Na kaya ko din pala siyang mahalin. Hindi ko lang binigyan ng chance yung sarili ko na gawin iyon.”

LimerenceWhere stories live. Discover now