Chapter 17: Happily Ever After

72.2K 1K 75
                                    



Chapter 17: Happily Ever After



So far so good.



Iyan ang nasa isip ko noong makaabot kami sa scene two. Kaso pagdating ng scene three, sinimulan na ni Dan Gab ang kamalasan...



Sa scene three kung saan magpapaalam na si Maurice (aka papa ni Belle), ang instruction ay "hug tightly then leave without looking back". Iyon ang nakasulat sa script. Pero yung ungas na Dan Gab na iyon, pagdating sa di kalayuan, tumigil sa paglalakad at lumingon sa akin.



"Belle?"



"Yes, Papa?" Ano pa bang gagawin ko kundi mag-adlib?



Tumakbo siya papalapit sa akin tapos niyakap niya uli ako, "I love you."



Aba nga naman!



Imbis na magwala ako-- na gusto ko talagang gawin-- tinuloy ko ang pag-arte, "I love you too, Papa."



Tapos umalis na siya at nagdrama na ako dahil hindi daw ako kuntento sa buhay ko sa village na iyon at gusto ko daw ng adveture, etcetera, etcetera.



Yung mga sumunod na scenes ay dumaloy naman accordingly. Wala nang nangyari uli na katulad nung kay Dan Gab na total spur of the moment. Humanda siya sa akin mamaya kapag tapos na ito...



Susunod na scene na nagkaroon ng kaguluhan, nung change costume na. Ang daming kaek-ekan nung gown ni Belle kaya hindi ako nakalabas ng stage on time. Kinailangan pang mag-adlib nina King para lang matakluban yung butas. Nako! Buti na lang hindi nahingi ng kopya ng script yung judges!



At ayan na nga, lumabas na ako, naka-gown na at lahat, at nakita ko ang mukha ni King na nagulat "because of how much beautiful the girl in front of him is," sabi ng script. Either nabighani talaga si King sa itsura ko ngayon o magaling lang talaga siyang umarte. Siguro yung nahuli yung tama. Imposible namang yung una, diba?



Nag-bow siya na gentleman-like para ayain akong sumayaw. Tapos nag-curtsy ako as a sign na tinatanggap ko yung alok niya. At ngayon, isinasa-entablado namin ang pinakakilalang scene mula sa Beauty and the Beast.



Nagsimula nang tumugtog si Inna. Instrumental, tulad ng napag-usapan. Sa puntong ito ay naka-off na yung lapel namin para walang unnecessary sounds sa "magical" moment na ito.



And magical it was. Sa loob ng entabladong iyon, noong ginabayan niya na akong sumayaw, hindi ko na naramdamang may nanonood sa amin. Feeling ko kaming dalawa na lang ang naroon. Lalo na noong nagkonekta yung mga mata namin. Oo, corny. Panis na yung linya pero iyon talaga ang naramdaman ko.



"Kinakabahan ka pa ba?" Nabalik ako sa kasaluluyan noong bumulong siya sa akin.



"Hindi na masyado. Ayos na ako. Nasanay na sa harap ng audience pero syempre andoon pa din yung takot na magkamali ako."



"Wag kang mag-alala. Ang galing mo nga, kahit walang practice nakaya mo eh."



"Hmm." Ano pang masasabi ko? Ngayon lang ako pinuri ni King, edi magpapakalunod na ako 'di ba?



Natapos din yung background music tapos naganap na yung balcony scene. Yung kaisa-isang scene na na-practice namin ni King...





"NO!"



Nasa may aisle ako ngayon at gumagawa ng eskandalo. Joke lang. Nasa aisle ako ngayon at ine-execute na namin ang second to the last scene. Sa puntong ito, masyado ko nang na-absorb yung role ko bilang si Belle kaya medyo hindi na ako nahiya sa audience na ngayon ay nakapaligid sa akin.



Sina King at Josh ay nasa stage at naglalaban. Tumigil sila nung narinig nila ako.



"Gaston, don't!"



At syempre, hindi naman doon lang titigil ang fight scene nila, 'di ba? Nagtuloy-tuloy lang iyon dahil, "Beast fights Gaston after hearing her voice and giving him new life."



Nag-iinit na yung labanan hanggan sa kunin ni Beast yung dagger ni Gaston at tinapat sa dibdib niya. Nasa may edge na sila nung stage non. Isasaksak na sana niya iyon kaso natauhan siya (hindi katulad ni Gaston na tunay na beast deep down) noong narinig niya yung mga pleading cries ni Gaston.



Eh parang ewan si Beast nung nakita si Belle binitawan yung dagger tapos iniwanan lang si Gaston na nakahilata sa sahig. So anong mangyayari? Syempre kukunin ni Gaston yung dagger tapos sasaksakin si Beast.



Isang malakas na growl ang pinakawalan ni Beast sa sobrang sakit. Dahil sa impact ng pagbagsak niya kasama na din ng weight niya, natabig niya si Gaston na na-out of balance kaya nalaglag siya. "And that's the last of him."



Nasa sahig si Beast at hinahabol na ang hininga niya. "Belle hovers over him, touches his face lightly and tries to hold back her tears."



"You came back," mahinang sabi ni King.



Nasabi ko na nga kanina na masyado na akong na-absorb sa role ko. Sa moment na ito, hinayaan ko na talagang yakapin yung role ko bilang si Belle na nasasaktang sobra dahil sa mawawala na sa kanya yung pinakamamahal niya. Yayakapin ko yung role ko kasama si King kahit na saglit lang ito.



"Of course I came back. I couldn't let them... Oh this is all my fault. If only I'd gotten here sooner..."



"Maybe... it's better... this way,"
hinihingal niyang sagot.



Pinilit kong tumawa pero halatang pilit lang talaga iyon. "Don't talk like that. You'll be all right. We're together now. Everything's going to be fine. You'll see."



Hinaplos niya yung mukha ko. "At least... I got to see you... one last time." Pinatong ko yung kamay na nakadampi sa pisngi ko at ipinikit ko yung mga mata ko.



Pero napadilat ako noong unti-unti nang nadulas yung kamay niya. Sa moment na iyon, may pumasok na alaala sa isip ko...



"Mahal... mahal... ko.. kayo... Ikaw... Kantahan... mo... ako."



Umupo ako sa kama ni Lola, hinawakan ang kamay niya. Alam kong hindi ako ang pinakamagaling na singer sa buong mundo. Alam kong sintonado ang boses ko. Pero kinantahan ko si Lola...



It's okay. It's okay. It's okay.
Seasons are changing
And waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I'll be the one




At kinuha na ni Lola ang huling hininga niya. Umiiyak na ako pero tinuloy ko pa yung kanta.



I will never let you fall

I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven





Unconsciously, tumulo na lahat ng luha ko. Alam kong delayed yung reaction ko. Umiiyak lang ako doon at hindi ko sinusundan yung script.



"No, no!" Niyakap ko siya "Please! Please! Please don't leave me! I..." tumigil ako at pinakalma ko muna yung sarili ko, "I love you!"



Suddenly, binalot si King ng enchantment (aka choreography). Yung choreography ay gamit yung different colors ng cloth tapos nakapalibot sa kanya para taklob na taklob siya habang tinatanggal niya yung maskara niya.



Ako naman, sa tear-stricken state ko, syempre naguguluhan lang yung itsura. Yung itsurang parang naliligaw. Hindi ko alam kung paano ko nagawa yung itsurang iyon pero basta ginawa ko iyon.



Tapos nawala na yung enchantment at naiwan si King na mag-isa doon. Nakatalikod siya sa akin tapos humarap siya...



Oo, nakita ko na kanina si King. Pero nagulat pa din ako sa mukha niya noong humarap siya sa akin. Siguro dahil sa lights, dahil sa ambience, o dahil sa emosyong nilalabas ko ngayon, pero...



May linya pa ako sa script eh. Ngunit nakalimutan ko na. Hindi ko namalayan na nai-skip ko na yung mga dapat kong sabihin.



Tumakbo ako. Hindi gaanong kalayuan yung distance naming dalawa pero tumakbo ako. Tapos hinalikan ko siya.



Hinalikan ko siya!



Teka lang! Mali! Hindi dapat lips to lips! Dapat nakaharang yung thumb niya sa labi ko! Kaya nga STAGE KISS diba?



Naging stiff yung tayo ni King sa tabi ko. Pero tinuloy niya yung acting.



Teka lang, bakit niya tinuloy! 'Di ba dapat tapos na?!



Waahh!!!



At last, after 1 month, natapos na din. Nagkaroon kami ng moment na nagtinginan sa mata, na wala din sa script. Sa moment na iyon, alam ko na madaming tanong yung dumadaan sa isip niya. Kaya nag-blush ako noon. Pero hindi niya iyon nakita, buti na lang. Kasi kinuha na ni Mrs. Potts yung atensyon niya.



And they lived happily ever after...





Naka-upo lang ako sa audience pagkatapos ng presentation namin. Hindi ko na napanood ng ayos yung mga sumunod na sections kasi may bumabagabag sa isip ko:



First kiss ko iyon... sa lips.



Bakit hindi hinarang ni King 'yung hinlalaki niya? Kasalanan niya 'tong lahat!



Kaso, ako 'yung hindi sumunod sa script kaya ako yung may kasalanan...



Ganon pala ang feeling na mahalikan sa lips...



Awkward ba? Baka masyadong sagabal yung ilong ko...



Teka lang! Dapat naiinis ako diba?! Kasalanan nga kasi ni King!





Awarding na. Sinabi yung 3rd place. Hindi kami.



2nd place. Hindi rin kami.



So, first place or champion lang. Cross fingers.



Nawala ang kaguluhan sa isip ko noong tinawag yung section namin bilang winner. Kahit si King naitulak na sa likuran ng isip ko. Ang saya ko! Pagkatapos ng ilang linggong paghahanda, natawag din yung pangalan namin! Ang sarap ng feeling na matawag yung section ninyo!



Pinapapunta ako ng mga classmates ko sa harap pero humindi ako at pinapunta ko si Angela sa stage. Hindi naman sa ayaw ko, pero mas deserve din nila yun dahil sa hard work nila.



Hindi na uli pumasok si King sa isip ko noong time na iyon. Dito na lang uli...



"Since you are the champions," sabi ni Mrs. Saragosa over the mic, "you know the drill."



Ang "drill" na sinasabi ni Mrs. Saragosa ay yung kami ang maglilinis ng auditorium. Lahat ng kalat, maging nung ibang sections, kami maglilinis. Pero okay lang, kami naman ang nanalo eh... hindi sa pinagmamayabang ko.



Pero itong mga classmates ko, imbis na maglinis, busy na busy sa picture-picture.



"Oy, Sofia! Tara! Pi-picturan ka muna namin!" sigaw ni Jonna. Hihindi sana ako kaso hinila na niya yung kamay ko. "Ayan, solo muna."



Edi naki-ride on na lang ako. Binibigayan nila ko ng posing tapos ginagawa ko lang. Tapos tinawag nila si Dan Gab.



"Papa! Samahan mo yung anak mo!"



Katulad sa mga solo shots, yung mga kaklase pa din namin yung nagsa-suggest ng posing. Yung mga tipong magkatabi lang tapos ngiti-ngiti. Tapos sinira ni Dan Gab.



"Ganito gusto kong posing," umupo siya sa gilid ng stage tapos hinila ako. "Diyan ka sa likod ko, tapos yakapin mo ako."



"Ano ka?! Ulol! Hindi ko gagawin iyon. Tsaka Papa kita. May ganon bang posing ang mag-ama?"



"Oo! Hindi ka ba nakakakita ng posing sa mga studio? Tsaka Papa mo nga ako kaya nga dapat mahal mo ako."



"Oh, sige na, may punto doon si Dan!" kantsaw ni Aldrin.



"Oo nga," pinagtulungan na ng mga classmates ko.



Wala na akong magagawa kung ganon. Lumuhod ako sa likod ni Dan Gab tapos ibinalot ko yung kamay ko sa leeg niya. "Humanda ka sa akin," bulong ko.



"Okay, smile!"



"Patingin!" sabi ni Dan Gab. Tapos tinignan yung camera. "Sofia! Hindi ka naman nakangiti eh! Ulet! Ulitin natin yan!"



Edi inulit namin. Hanggang sa makuha niya yung gusto niyang ngiti ko.



Tapos sinuggest nila na si Josh (Gaston) naman daw. Tapos si Josh kasama si King. Yung mga pose na parang pangtelenobela ang dating.



Napunta sa puntong kami na lang ni King. Una nakamask muna siya, mga 3 shots. Tapos yung iba, mukha na lang niya. Kung ano-anong pose yung pinagawa sa amin. Yung pang telenobela talaga. Yung nasa likod ko siya, tapos nakayakap siya tapos yung baba niya nasa balikat ko. Tapos may pose na ganon tapos nakatingin kami sa isa't isa. Meron naman sa camera. Basta, ang dami! At habang pinapagawa sa amin iyon, syempre, yung pakiramdam ko, parang malalaglag na yung puso ko mula sa ribcage ko.



Bakit ganito si King? Diba dapat naaasar na siya sa kakulitan ng classmates namin? Teka! Baka naman hindi ito si King!



At last, natapos na din yung picture taking. Pero hindi doon natapos yung torture ngayong araw.



Huli akong umakyat sa section namin kasi kinausap pa ako ni Mrs. Saragosa tungkol doon sa compilation ng mga pictures at script, basta, report tungkol sa production. Mula sa preparations hanggang sa main event. Buti na lang pala kumuha kami ng madaming pictures pagkatapos namin.



Paakyat ako ng hagdan at madaming ibang sections yung bumababa dahil nagpapalit na sila ng damit sa CR. Natutuwa ako sa school namin kasi sa bawat competition na nagaganap, hindi nagkakapikunan sa kung sino man ang nananalo. Kaya yung mga nakakasalubong ko panay congratulations ang bati.



May mga nagsabi na ang ganda daw ng production namin. Na pinasalamatan ko naman.



Nakakadala daw yung facial expressions ko. Na pinasalamatan ko din.



Pinag-a-artista na ako ng iba. Tapos tinaggihan ko. Kahit hindi naman sila nagaalok. Tsaka wala akong face na ihaharap kapag naging artista ako.



Pero ang pinakatumama talaga sa akin eh yung comment na: "Grabe, Sofia! Nakakabilib yung kissing scene niyo! Parang totoo!" mahinang ngiti na lang ang naisagot ko doon.



Kung alam niyo lang...



Parang malaking kalbaryo tuloy yung pag-akyat ko ng room.



Sa room, ang gulo ng mga classmates ko. May mga hang-over pa ata sa pagkapanalo namin.



Kung saan-saan panay flash ng camera. Kaya hindi na ako magugulat kung may pangit akong mukha sa Facebook. Yung mga tipong makanganga pa ako. O kaya kung anong expression ko. O kaya yung blurred tapos mukha akong ewan.



Yung green board parang ginahasa. Ang daming nakasulat sa iba't ibang kulay ng chalk. "Congratulations!", "Champion kami!" May mga messages pa. Basta, ang gulo!



Yung mga classmates ko parito-parini. May nagbibihis, nagpipicture, nagkukwentuhan... Kapag itong mga ito, inakyat ng principal sa sobrang ingay, lagot kaming lahat...



Sa gitna ng pandemonium sa loob ng classroom, nakita ko si King. Nagtama yung tingin namin. Hindi ko maalis yung tingin ko kahit gusto ko. There's something in the way he looks at me that just draws me in... Narinig ko sa isip ko. Parang may narinig akong ganong lyrics eh. Nag-blush ako. Lagi naman eh. Lalapit na sana ako para kausapin siya tungkol sa nangyari kanina pero...



"DIREK! Congrats!" inakbayan ako ni Dan Gab. Hinayaan ko na lang siya na akbayan ako imbis na itabig yung kamay niya sa braso ko. Nakaramdam na rin kasi ako ng pagkaduwag. Siguro yung pagsingit ni Dan Gab ay isang sign.



Hindi ko na uli nakita si King noong araw na iyon. Nakahinga na ako ng maluwag. Pero hindi ko pa rin mapigilan na makaramdam ng disappointment. Kasi sa pagitan ng lahat, ni hindi man lang ako nilapitan ni King para mapag-usapan yung nagyari kanina sa auditorium. Wala bang epekto sa kanya? Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito?



• • • • • • • • • • • • •

to be continued...



Author's Note: Okay, special chapter for a special day... Hoho... Sana nagustuhan ninyo yung ka-cornyhan. Haha.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon