Chapter 36: Wonderstruck

56.1K 848 77
                                    

Chapter 36: Wonderstruck 

Hindi pa din ako makapaniwala sa "transformation" na ginawa sa akin. Mula sa pagiging isang katulong naging Cinderella ako. Isang childhood dream come true.

Hindi pa ako napasok sa hotel. Pinagmamasdan ko pa din yung itsura ko sa glass paneling sa labas. Yung buhok ko naka up-do, inspired sa buhok ni Taylor Swift sa music video ni sa Love Story. Gustong gusto ko kasi yung gano’ng hairstyle. Kahit na ang tagal nitong ginawa kasi ang haba ng buhok ko at halos mabali na ang leeg ko sa sobrang ngalay, masaya ako sa resulta.

Yung make-up, natuwa din ako. Dahil na-emphasize yung mata ko. "Smokey eyes" sabi ni Inna noong sumakay ako sa kotse nila kanina. Lipstick, konti lang. Gusto ko kapag kumakain ako mamaya hindi ko na poproblemahin na lasang ewan yung pagkain nila.

At yung dress. Nasuot ko na siya sa fitting room pero hindi ko pa din mapigilan i-admire iyon. Royal blue yung kulay nito, tube top at knee-length lang para hindi ako magmukhang pandak sabi ni Mama. Yung skirt part ay naka-baloon at ang articulate ng design niya sa laylayan. Shoes? Platform peep toe pump. See trough siya at may details na silver.  3 inches. Hanggang doon lang ang limit ko.

"Tama na ang titig, pumasok na tayo," aya ni Inna. Naka-purple spaghetti strap gown siya. Knee length din.

"Nasabi ko na ba sa'yo na ang ganda mo ngayon?” Tinuro ko yung corsage niya. Hindi naman required na may ganoon pero bilib talaga ako sa creativity ni Inna. “Nice touch.”

"Huwag mo akong linyahan ng ganyan," hinila niya ako papasok.

Tumawa ako. "Nakakatibo. Haha."

They really overdid this thing. Well given na hotel yung ginanapan ng event, engrande na talaga yung itsura niya, but still... At nasa lobby pa lang kami sa puntong 'to. May entrance pa kasing nalalaman.

Pinapila kami sa labas ng ballroom, sa tabi ng destined partner ko, isang junior. Ganoon kasi yung arrangement para makapag-mingle ang juniors at seniors, which is the point dahil JS Prom nga, hindi ba?

Ang tagal bago kami pumasok sa loob kaya hindi pa nagsisimla yung ceremony ang sakit na agad ng paa ko. At hindi nakakatulong yung heels.

Naglakad kami sa red carpet papasok ng ballroom. At yung ballroom ay... wow. Hindi ako makabuo ng mga salitang makakapaglarawan sa mga nakikita ko ngayon. Para talaga akong nasa fairytale. Yung dance floor, ayos naman siguro yung laki. May mga abstract paintings sa dingding. Kapag tumingala ka, ang engrande din ng chandelier nila.. Parang onion na pinalibutan ng French fries sa gilid. Imagine niyo iyon na engrande ang dating. Kulay gold yung ilaw niya kaya nagmukhang gold din yung loob ng kwarto.

Umupo kami sa destined table namin at hinintay na matapos yung entrance. Sampung tao sa bawat round table. May mga utensils na dito at may flower arrangement sa gitna.

Pagkatapos ng entrance ay nagsimula na yung opening ceremonies.

“Ladies and gentlemen! Good evening! Welcome to the 2011 Junior-Senior Promenade!” bati nung babaeng emcee.

LimerenceWhere stories live. Discover now