Chapter 26: The Feeling Is Mutual

73.2K 1K 188
                                    

Chapter 26: The Feeling Is Mutual

"Tara na Sofia. Labas na tayo," sabi ni Inna noong dismissal namin.

Labas tayo.

Ano ba iyan! Umaalingawngaw na naman yung boses ni King sa tenga ko.

Hanggang ngayon kasi hindi ko pa maintindihan yung mga sinabing iyon ni King. Kasi pagkasabing pagkasabi niya noon, tumigil yung bus sa tapat ng isang fastfood chain. Tapos bumaba na kami para mag-dinner. Ibig sabihin yung sinabi niyang "labas tayo" eh para makakain siya. Somehow na-disappoint ako doon.

"Tapos ka na ba?"

"Ha?"

"Ano ba Pia. Natulala ka nanaman. Isang linggo ka ng ganyan ah."

Nahihiyang ngiti lang yung sinukli ko sa kanya bago ko siya hinila palabas.

"Sofia," kumakatok yung kuya ko sa pintuan. "Gumising ka."

Hindi ko na siya pinansin. Routine na ata namin ito ni Kuya.

"Hoy, gumising ka na. Sige ka bubuhusan uli kita ng tubig."

Hah. Naka-lock na yung pinto ko. Kahit kelan hindi na ako matutulog ng hindi iyon naka-lock. Natuto na ko ng leksyon ko.

Naramdaman kong wala ng tao sa pinto. Ganon talaga ako. Pagdating sa personal space, alam ko kung sino ang nasa kung anong parte ng kwarto ko.

Pabalik na ako sa pagtulog kaso may kumatok na naman sa kwarto ko. Hindi nagsalita kaya hindi ko na pinansin. Pero mas naging makulit yung kumakatok at bumibilis at lumalakas yung katok.

Nairita na ako kaya bigla akong tumayo ng kama tapos binuksan yung pinto hanggang sa dumikit na siya sa dingding.

"Ano-"

Naiwang nakanganga yung bibig ko. Kasi sa tabi ng kuya kong nakakaloka yung ngiti ay nakataas yung kamay ni King na akmang kakatok pa.

Napansin kong dinaanan niya ng tingin yung buong katawan ko. "Good morning, Kulot," sabi niya tapos ngumiti pang abot hanggang tenga. Nakita niya yung blush ko kaya mas naging maningning pa yung ngiti niya.

Nag-panic ako kaya bigla kong sinara yung pintuan sa mukha niya. Tumakbo ako papunta sa dressing mirror ko at humila ng panali sa buhok at sa abot na makakaya kong maisalba ang WAVY kong buhok, tinali ko siya sa isang ponytail tapos tinignan ko sa salamin kung may muta o panis na laway o kung ano mang anik-anik sa mukha ko. Inamoy ko din yun kili-kili ko kahit naman wala akong body odor. Baka mamaya nagkaroon pala ako noon overnight. Iba na ang sigurado.

Nagmadali ako palapit ng pinto kaso along the way tumama pa yung paa ko sa may gilid ng lamesa.

"Aaww..." Hinawakan ko yung paa ko tapos napaupo sa kama.

"Sofia buhay ka pa ba?" katok ni Kuya.

Noong medyo nawala na yung sakit ng paa ko, lumapit na ako ng pinto at binuksan ito.

"Bakit ka nandito?"

Kumunot yung ulo niya. "Anong bakit ako nandito?"

"Anong ginagawa mo dito?" Mas diniinan ko yung tanong.

"Sofia maawa ka naman sa bisita. Kaaga-aga ang sungit mo agad," nagbibiro yung ngiting binigay niya sa akin. Tinarayan ko siya ng tingin kaya tinaas na niya yung kamay niya in surrender. "Doon lang ako sa baba kung may kailangan kayo."

"Magbihis ka na," utos ni King.

"Ha?"

"Nakalimutan mo na ba o tulog ka nung sinabi ko? Diba inaya kitang lumabas tayo?"

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon