Chapter 2: Chi

99K 1.3K 233
                                    

Chapter 2: Chi

“Kunin mo na yung itlog,” sabi niya. I glared at him. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Anong ibig sabihin ng smirk niya na iyon? Sasabotahihin niya ba ang project namin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah. At saka project namin iyon. Siguro naman gusto niyang makapasa dito. Religion naman ito. Values. Ano ba naman yan Lord, tulungan niyo naman ako dito oh!

“Kunin mo na.” Inulit niya. May tono ng pagkairita ang boses niya kaya kinuha ko na yung itlog kesa naman mag-away kami dito, di ba?

“King and Sofia is the last pair. Ngayon, baka may nagtataka sa inyo kung bakit ko ipinapagawa sa inyo ito. Dahil gusto kong matuto kayong magtiwala sa kapwa ninyo. Ang activity na ito ay para sa buong buwan ng July. Kailangan ninyong dalhin ang itlog sa school araw-araw. Ngayon naman, pangalanan niyo ang itlog ninyo. I’ll give you five minutes to do that.”

“Puti.” sabi ni King.

“Ha?”

“Puti na lang ang ipangalan natin.”

“Ano ito, aso? Kung anong kulay siyang pangalan? Wala pa atang isang segundo mong inisip iyang pangalan eh. Ibahin natin, iba!”

Hindi na niya ako ulit tinignan. Parang ipinapahiwatig niya na ako na lang ang bahala. Pero paano na iyan, kailangan naming magkasundo ni King para lang dito. Napaka-arogante talaga.

Wala na akong magagawa. Ako na ang kailangang mag-adjust. Mukhang mahirap gibain ang pader ng lalaking ito. Napabuntong-hininga na lang ako. “King, baka naman gusto mo ng pangalan na medyo inisip ng matanda?”

“Chi.”

“Chi?” nagtatakang tanong ko.

“Short for chicken.”

Napasinghal ako. Ang childish din naman kasi ng naisip niyang pangalan. Kinagat ko na lang ang labi ko para hindi ako matahin ng masama nitong bata, este, lalaking ito.

“Okay. Chi.” Halos mamula na ang mukha ko sa sobrang pagpigil na tumawa. Pero di ko lang talaga mapigilan. Napahalakhak ako. Malakas. As in. Napatingin tuloy sa akin ang buong klase.

“What’s so funny, Sofia?” tanong ni Sir.

“Ah, eh, Sir, nagpatawa lang po itong si King.”

Ayan na naman ang evil glare ni King. Alam niya sigurong siya ang pinagtatawanan ko. Pero di na niya ako pinansin pagkatapos noon.

Salitan ang pag-aalaga sa itlog, ay may pangalan na nga pala. Si Chi. Salitan ang pag-aalaga namin kay Chi. Si King na ang nag-volunteer na mauna sa aming dalawa.

Uwian na. Inaayos ko ang bag ko habang sinasabihan si King. “Nako King, sinasabi ko sa’yo. Isang araw pa lang satin si Chi. Ikaw ang unang mag-uuwi niyan. Alagaan mo iyan ah, kundi, talagang matatamaan ka sa akin!”

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon