Chapter One: Argued

58.6K 709 73
                                    

" Gravity has nothing to do with falling in love."

Sulat ko sa papel kong puro walang kinalaman sa subject namin ang nakalagay. History kasi namin and I'm trying so hard not to fall asleep. Siesta pa naman ang time namin dito at malaHunger Games pa ang sitwasyon ng klase.

Ang pipikit, mamamatay.

Terror si Madam Ventura pero nakakaantok naman siyang magturo kaya nakakainis. Nasa first year high school pa lang ako at isang buwan na ang nakakalipas mula ng magsimula ang klase. Marami na rin akong kilalang mga classmate namin. Halos close ko na nga silang lahat.

"Loving is falling for someone with the uncertainty of being safely caught."

Sulat ko ulit.

I was caught in my own thoughts ng biglang, "Ehem!" Sabi ng isang pamilyar na boses sa tabi ko. Unti-unti akong napatingin sa kung sino man yung nagsalita. "Shit! Wag sana. Wag sana. Wag sana. Please, Lord." Dasal ko nalang sa loob loob ko. Paglingon ko ay para akong binagsakan ng langit at lupa sa malas.

"Ang swerte ko talaga pagdating sa kamalasan." Nasabi ko nalang sa sarili ko.

"What do we have here, Ms. Valdez?" Sabi nito sakin. Ay buset. Nakakatakot talaga to. Kung ganito sana siya nakakatakot  kapag nagkaklase siya e di sana buhay na buhay ako at kung hindi iba-iba yung sinusulat ko sa papel.

"N-nothing, Ma'am." Nauutal kong tugon rito. Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. "Can I see your paper?" Sabi nito.

"This is just nothing, Ma'am." Pagdadahilan ko dito. Ano nalang sasabihin niya pag nakita niya yung mga kadramahan ng pag-iisip ko sa papel na 'to? Medyo nagpapanick na ko mentally. Pero di pa rin niya inalis ang kamay niya sa harapan ko.

"Then it'll be more reasonable for you to let me see what's on the paper. Right, Miss Valdez?" Pagdepensa niya sa demand niyang nakakaloka. Hindi ako sumagot kasi natatakot na ko kung anong sasabihin niya sakin.

"Well?" Pagtatanong niya ulit. Tumango nalang ako at inabot sakanya yung one whole sheet na paper sakanya. Hindi ito nagsasalita. Tinitingnan niya at binabasa ang lahat lahat ng laman nang isinulat kong iyon. Nakita kong tumaas ang kilay nito habang nagbabasa.

Paglipas ng ilang mga sandali ay binalik nito ang papel sa'kin pero hindi na siya mukhang galit. "Are these your ideas, Miss Valdez?" Tanong nito sa'kin.

"Y-yes, Ma'am." Nangangatog na sagot ko sakanya.

"Hmm. Come to my office on your break." Sabi nito at saktong tumunog ang bell.

What the hell! Sabi ko sa sarili ko at mas lalo pa akong kinabahan. Ano bang gulo ang pinasok ko dito? Diyos ko! Patawarin niyo po ako.

Nagdismiss na si Ma'am ng klase at sumunod ako sakanya papuntang office niya.

Pumasok ako at medyo nakahinga ng maluwag ng mapansing hindi naman mukhang katayan ng bata itong office niya. Mukha naman siyang normal.  Exaggerated lang talaga ang imagination ko kaya ganon.

"Have a seat, Alyssa." Sabi nito sa'kin.

Wow. For the first time in forever tinawag niya ko sa first name ko. Umupo naman ako tulad ng sinabi niya.

"Ah, Ma'am. Bakit niyo po ako pinapunta dito? Sorry po sa ginawa ko kanina." Sabi ko sakanya para naman mabawasan yung kaba ko at kasalanan ko. Feeling ko malapit na kong pugutan ng ulo dito.

Ngumiti ito sa'kin at nagulat ako.

Pusang kinalbo! Marunong palang ngumiti 'tong matandang 'to e! Akala ko naman pinagbagsakan na siya ng lahat ng hindi maganda sa mundo.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon