Chapter Five: Which is which?

20.2K 449 19
                                    

It has been two weeks since nung First Quarter exam at result na bukas. Medyo nakahinga na rin kami ng maluwag sa mga school works.

At sa mga nakaraang linggo ay mas naging close pa kami ni Dennise sa isa't-isa. We're already inseparable. Lagi na niya kaming kasa-kasama nina Kim. Pati na rin si Ella. Sabay sabay kaming kumakain kapag recess at naghihintayan na matapos ang klase para sabay-sabay kaming mag-lunch.

Tuwing pagkatapos naman ng training ay hinahatid ko si Dennise sa bahay nila. No, hindi kami nagmo-motor. I want her to do what she loves, which is walking kaya pinapark ko pa ang motor ko sa bahay nila ng umaga at naglalakad kasama siya papuntang school. Ganoon din ang scenario pag pauwi na.

-Flashback-

Two days after kami magkaayos ni Dennise, Maaga akong nagising dahil sa naexcite ako biglang pumasok ng school. Ang dahilan kung bakit? Si Dennise. Hindi ko alam kung bakit pero siya ang nasa isip ko para gawin ang bagay na yun.

Naligo na ako at medyo nagbabad pa sa shower. Anong meron? Tanong ko sa sarili ko. Basta naeexcite talaga ako. Nawiweirduhan na rin ako sa mga kinikilos ko. Nababaliw na ata ako. Lagi naman kaming magkasama ni Den pero naeexcite ako palagi na makita siya. Araw-araw iniisip ko kung ano itsura niya.

Kung magpoponytail ba siya?

Naka-lugay ang buhok?

Kinulot ba niya yung buhok niya?

Naka-clip ba siya?

Maganda kaya gising niya?

Lahat ng 'yan biglang pumapasok sa isip ko. Iniisip ko palang na malapit siya sa'kin ay may kung ano nang umiikot sa tiyan ko. Bumibilis rin ang tibok ng puso ko. Nag-aalala na ako. May sakit na yata ako.

Nagbihis na ko at kumain. Mga 6:45 ng umaga ay umalis na ako ng bahay namin. 5 minutes drive lang naman ang bahay nina Den sa bahay kaya maaga pa ko nakarating.
Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang doorbell ng dalawang beses. Shit. Ano kaya sasabihin ni Den nito? O ng mommy niya? Ng Daddy niya? Ang aga-aga pa lang nang-iistorbo na'ko. Para naman akong manliligaw nito e! Ano ba kasi Alyssa! Bakit kailangang sunduin pa?

Ilang sandali pa ay may lumabas na matandang babae. Nakapang-yaya siya na suot. Katulong siguro nila. "Ano yun iha?" Tanong niya

"Ah. Magandang araw ho. Kaibigan po ako ni Den. Nandyan pa po ba siya?" Tanong ko rito ng nakangiti.

"Ay. Oo, iha. Sasabay ka bang pumasok sa kanya? Halika pasok ka." Sabi niya at binuksan ang gate para sa'kin.

"Ano po, umm. Pwede ko po bang ipasok rin po 'tong motor ko? Kukunin ko nalang po sa uwian." Pagpapaalam ko sakanya at sumang-ayon naman siya sa gusto kong mangyari.

Pagkapasok ko sa motor ay pinapasok naman ako ng kasambahay nila sa loob ng bahay. Maganda yung bahay. Kahit na Up and Down ito ay napakasimple at elegante pa ring tingnan. "Anong pangalan mo iha?" Tanong niya sa'kin. "Alyssa po. Ly nalang po." Sabi ko rito.

"Ah. Sige. Tawagin mo nalang akong Nanay Ising ha? Mukhang mapapadalas ka yata rito e." Sabi nito at umalis na para tawagin si Dennise.

Ha? Bakit niya kaya nasabi yun? Tanong ko nalang sa sarili ko.

"Hoy, Ly!" Sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko at nakita ko si Dennise na naka-uniporme na. Nakalugay ang buhok niya ngayon. Dala-dala na rin niya ang bag niya.

"Uy. Andyan ka na pala. Halika na. Baka ma-late pa tayo." Sabi ko sakanya at hinila na siya palabas. "Nay Ising! Alis na po kami ni Den! Salamat po!" Sigaw ko at tumawa naman si Den at Nay Ising sa ginawa ko.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon