Chaptet Thirty-One: The Tease

21.5K 467 36
                                    


Alyssa's POV

Pumasok na kami sa loob ni Dennise. Hindi pa rin niya binibitawan ang mga kamay ko at ayaw kong bitawan niya. Gusto ko sanang ganito lang siya. It keeps me sane.

May nakita akong pamilyar na tao sa loob ng Auditorium. It was the Revilla guy. Lumapit siya sa'min at ngumiti ng malapad saming dalawa ni Dennise. And just by looking at him at kung paano niya tingnan si Dennise, sigurado akong may gusto siya dito. "Hi, Den." Bati niya at bumeso sa kay Dennise while hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Hindi ko namamalayang napahigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Napatingin naman sakin si Dennise dahil sa ginawa ko but she gave me a reassuring smile. "Hello." Bati naman ni L.A. sakin. "Uhm. L.A. this is Alyssa. Ly, si L.A., he will be my partner for the pageant." Sabi ni Den.

"Ah. The 'very important person' she's referring to a while ago. Nice to meet you." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya at si Dennise naman ay medyo napayuko at namumula.

"Nice to meet you, too." I smiled pero tumingin ako kay Den na para bang nagtatanong pero iniwas niya ang tingin sakin.

"Besh. Just wait for me nalang sa mga upuan ha." Sabi niya at humalik muna sa pisngi ko bago niya bitiwan ang aking kamay.

"Sure." I answered and watched her walk papunta sa stage.

She walked gracefully on the ramp. Like, she's been doing this all her life already. Naka-simpleng uniform palang siya niyan ha. Paano nalang kaya kung naayusan na siya at lahat-lahat. Siguro hindi na kakayanin ng puso ko. Sasabog na siguro ito sa sobrang lakas at bilis ng tibok.

"Ms. Lazaro, you will stop here." The coordinator instructed her. Pointing at the center of the stage where L.A. is standing. Tumango naman ito while yung balut na kasama naman niya ay sobrang titig na titig kay Dennise. "You have to pose something not a little intimate and not too much intimate, too before kayo umalis sa stage." Sabi niya at napataas ng boses si Dennise. L.A. on the other hand was just shocked na napalaki pa yung mata niya at  hinilamos pa yung kamay niya sa mukha niya.

"What?!" Sabay naming dalawa ni Dennise na sabay. Rinig na rinig ko kasi ang instructions mula sa upuan ko. "Why is that even necessary?!" Tanong ni Den. Si L.A. naman tumango-tango lang. "Bakit nga naman po kailangan 'yon? E pageant lang naman 'to." Sabi niya. For once, I liked him for that. Atleast matino siya.

"Hey, guys. Relax. You just cling sa neck niya. Okay?" Sabi ng coordinator. Dennise, knowing that wala naman siyang magagawa, just nodded in defeat. Lumapit siya kay L.A. at parang nahihiya na hinawak ang kamay niya sa leeg ni L.A. I saw L.A. mouthed something to her. I think it was, "Hey, it's okay." Dennise gave him a small smile.

They're so close!

I just want to punch something right now!

Kumukulo na ang dugo ko. Argh! Ano ba pinapagawa ng coordinator na 'to?! Badtrip na talaga ako ngayon. Gusto ko ng hilahin si Dennise pababa ng stage at ibalik sa dorm. Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit sa ibaba ng stage kung saan nandoon ang coordinator.

I wore my superior look. I made sure that my aura is intimidating, you would just want to curl up in one corner and hide from me. "Will you please remind me why they have to do this?" I said with my emotionless yet authoritative voice. Hindi ko naman yun pipigilan, gusto ko lang malaman ang rason. Nakatingin ako kay Dennise at L.A. na ngayon ay magkahiwalay na.

"It's n----" mataray niyang simula pero nung tumingin siya sakin, parang nalulon niya ang dila niya. Tiningnan ko siya sa mata.

"I-uhhh" sabi niya. Nagblush pa siya T nagkamot ng ulo. "Are you saying something?" Tanong ko ulit.  "Ummm. Ancient Greek kasi yung theme kaya we have to put a little you know." Kinakabahan niyang sagot. I just nodded. Tumingin ulit ako kay Den na ngayon ay nakatingin na rin sakin.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon