Chapter Eleven: Overflow

16.4K 389 19
                                    

"Hoy, Myco!" Tawag ko sa ungas na manliligaw ni Dennise.

"Kapag itong best friend ko hindi nakauwi ng buo sa bahay nila babalatan kita ng buhay! Naiintindihan mo ba?" Pagbabanta ko sakanya. Napalunok naman siya sa sinabi ko.

Buong araw ay magkasama kami ni Dennise sa loob ng office ng staff ng Publication namin. Tinulungan niya ako sa pagrereview sa mga stories. Doon ko na rin pinag-isipan na dapat umakto nalang ako na not too sweet and not too cold sakanya. Parang isang normal na magkaibigan lang.

Doon ko rin nalaman na after two weeks ng pagdating ni Myco dito sa Pilipinas kasama ng kanyang pamilya ay tsaka siya umamin ng feelings niya kay Dennise. Alam na rin ito nina Tito Mike at Tita Arlene.

Ayon sa kanila ay bata pa raw sina Dennise para sa isang relasyon ngunit kung doon masaya ang kanilang anak ay susuportahan nila ito.

Parents na nga lang ni Dennise, sinusuportahan na siya sa mga bagay na gusto niya, ako pa kaya na best friend niya? Go with the flow nalang ako.

"O-oo naman, A-Alyssa. Diko papabayaan 'to no. Mahal ko kaya 'to." Pautal-utal na sagot ni Mokong sa'kin. Natawa naman 'tong tatlo ko pang kasama, si Ella, Kim, at Ara sa sagot ni Myco. "Takot sayo, Ly." Natatawang bulong ni Ara sa'kin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tumingin ako kay Dennise at umiiling lang rin ito habang nakangiti.

"Ang landi mo, Myco. Wag mong sabihin. Gawin mo." Sabi ko sakanya. Tumango lang siya sa'kin. Natapos na kasi ang training namin sa Volleyball at pauwi na kami.

Kinuha ni Myco ang mga gamit na dala-dala ni Dennise at binuhat ito. "Mauna na kami ha." Paalam ni Myco sa'min. "Okay. Bye." Sagot ko rito. Lumapit si Dennise at hinalikan ako sa pisngi tsaka kumaway ng paalis na sila.

Ngumiti nalang ako.

Mabalatan ko nga sana siya ng buhay ng wala ng istorbo. Sabi ko sa isip ko.

Nagulat naman ako ng bigla akong itulak ni Ella. "Hoy, Ly! Ano yun? Nakamove on ka na agad?! Wow ha! Ang bilis!" Pumalakpak pa siya ng mabagal.

"Ah, besh. Hindi." Nahihiya kong sagot sakanya. "Ha?" Tanong naman nung dalawa sa'kin.

"Hindi pa ko nakamove on! Di pa ko makalet go!" Sabi ko sakanila. Magsasalita na sana si Ella ng pigilan ko siya. "Hep! Oo na, Oo na! Alam ko na yang sasabihin mo. 'Tanga ka, Ly.' Tama ba?" Sabi ko kay Ella at tumango lang ito.

Napabuntong hininga nalang ako. "Bakit ba ayaw mo mag-move on ha?" Tanong ni Kim sa'kin

"Hindi naman sa ayaw ko, Kim. Nahihirapan lang talaga ako. Tsaka, paano ako makakapag-move on kung nandyan siya palagi? Kailangan ko siyang layuan kung sakali, at ang hirap hirap nun. Pareho lang kaming nasasaktan." Paliwanag ko sakanya at tsaka nagsimulang maglakad papunta sa waiting shed. Hihintayin pa kasi namin yung sundo ni Ella bago kami umuwi

"Lahat ng bagay na worth it sa huli, mahirap talaga sa umpisa." Sabat naman ni Ara. "Tamaaaaa!" Pagsang-ayon ni Ella.

"Sorry, guys. Pero, nahihirapan talaga ako sa ngayon."

"We understand. In time siguro, besh." Ngumiti sila sa'kin. Ang swerte ko talaga't nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad nila. Nasabi ko nalang sa isip ko.

"Alam ko na ang dapat mong gawin!" Napatingin ako kay Kim. Nakangiti ito ng pagkalaki-laki. Kalokohan na naman ba 'to?

"Ano?" Tanong ko sakanya.

Tumingin siya sa dalawa ko pang kasama at nagtaas baba ng kilay. Ngumiti naman si Ella at Ara na parang naiintindihan nila ang sinasabi ni Kim. "Hoy! Ano yan? Parang ayoko ng iniisip niyo e." Sabi ko sa kanila.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon