Chapter Twenty-two: Eliazo

21.3K 416 12
                                    

Dennise's POV

"Dennise, 'nak. Gising na. May pasok na kayo today." Niyugyog ako ni Mommy pero mahina lang. I groaned. Anong oras na ba? Nakakatamad bumangon.

"Five more minutes, Mom." Sagot ko sakanya. Nagulat nalang ako dahil may nag-land na unan sa mukha ko. "Mom!" Saway ko sakanya. Tumatawa siya at nakapamewang sa harapan ko. Nang kukunin na naman niya yung isa ko pang unan at akmang ibabato ay bumangon na ako. "Wait! Okay okay. I'm awake now." Pigil ko sakanya habang natatawa na rin dahil sa kakulitan niya.

"Go get yourself cleaned up sleepy head. Sino nalang gigising sayo kapag nagdodorm ka na sa Ateneo? Ikaw talaga." Sermon ni Mommy sakin. Nagkibit balikat ako. "Kaya nga po may tinatawag na alarm clock e."

Tulog mantika raw kasi ako sabi nila. Yung tipong tutulugan ko talaga yung alarm clock at kailangan ng mahabang pasensiya para gisingin ako. Buti nga nagigising pa nila ako e.

Nag-ayos na rin ako ng sarili ko at bumaba na sa kusina. Alas sais y'media palang ng umaga at may klase ako ng 8:00. Kaso nga baka matraffic na naman ako kaya mas maganda na yung maaga. Wala pa naman kaming trainings ngayong araw. They let us enjoy our first day muna.

Dinaanan ko na rin si Ella sa bahay nila para sabay na kaming pumasok. Pareho naman kasi kami ng first period kaya okay lang. "Nakapag-ayos ka na ba ng mga gamit mo para sa dorm?" Tanong niya.

Tumango naman ako. "Kagabi lang. Ikaw?"

"Oo rin."

Lilipat na kami sa Eliazo Dorm sa Ateneo today after our class. We will have kasi early trainings and it will be easier na rin para sa'min na mag-ready kapag nasa iisang dormitory nalang daw kami. Which is very convenient naman.

"Paano 'yan? You'll be under the same roof ni Alyssa." Mahahalata naman ang pag-aalala sa boses ni Ella. I smiled. "It's okay, besh. Hindi lang naman siya ang tao doon, so maybe I'll survive naman." I assured her.

"I'll be there lang kapag gusto mo ng kausap. Pero mas maganda kapag may pagkain ka rin." Pahabol pa niya. Ayos na sana e. Siningit pa yung pagkain. So, I just thanked her for being there for me and said yes.

After a few more minutes ay nakarating na rin kami sa school. Sabay kaming naglakad sa hallways ng new 'Sanctuary' namin.

Naninibago pa rin ako.

Everything in this place is making me nervous. Parang feeling ko nako-confine ako sa isang lugar. Hindi ako makahinga ng maayos. Butterflies are all over my stomach.

"What the heck is happening doon?" Nagtataka si Ella habang nakatingin sa mga nagkukumpolang mga tao sa labas ng assigned room namin. Parang nagkakagulo yata sila. "Oo nga no? First day surprises?" Hula ko naman.

"Ha? Meron bang ganoon?"

"Who knows?" I shrugged.

Habang palapit kami ng palapit ay mas nakikita ko kung ano yung pinagkakagulohan nila. Or 'Sino' rather. "Tangina. Si Alyssa ba yan?" Gulat na gulat na tanong ni Ella. Sa tangkad kasi ni Ly, she's towering over the crowd na nakapalibot sakanya. "Bakit yan pinagkakagulohan?" Tanong ulit ni Ella.

"I have no idea." Mahina kong sagot. I'm still amazed sa kung ano ang nangyayari. Halos mga babae lahat ang pumapalibot sakanya. "Ly!" Tawag ni Ella sakanya.

Lumingon siya agad sa amin and waved her hand. She flashed her melting smile and hushed 'Excuse me' to the people surrounding her. She made her way to us and inhaled deeply. "Grabe. I don't know what's happening." Sabi niya and rubbed the back of her neck.

"I was about to ask you that question." Sabi naman ni Ella. "Bakit ka pinagkakaguluhan doon?"

Natawa naman bigla si Alyssa. "I don't know! Ang alam ko lang, nakaupo lang ako doon sa may upuan diyan tapos bigla may isa-isa ng lumalapit sa'kin na nagpapa-picture hanggang sa dumami na ng ganyan." She shrugged like it's not actually a big deal. Gusto ko sanang tanungin kung ayos lang ba siya but I stopped myself.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon