Chapter Eight: Alone

18.3K 441 38
                                    

It was five o'clock in a Sunday afternoon, I was lying on my bed and absent mindedly looking on the white ceiling.

It has been two days since I left without any notice from Dennise's house but I haven't received any message or call from her.

Akala ko tatawagan niya ko. Akala ko nag-aalala na siya. She must've been so happy right now.

Wala na yata ako sa eksena.

Biglang kumirot ang dibdib ko dahil sa pag-iisip. Naalala ko yung yakap ni Myco sa kanya. Naalala ko yung mga tingin niya kay Myco. Sana ako nalang siya. Sana.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko dahil may tumatawag. Dali-dali ko iyong inabot from my bedside table at di ko mapigilang ngumiti. Tumawag na siya!

Diko na tiningnan yung pangalan tumatawag dahil alam kong si Dennise na iyon. Pagkasagot ko. . .

"Alyssa!" Sigaw ni Ella sa kabilang linya.
I was so disappointed that it wasn't her.

"Grabe, besh! Kung makasigaw ka naman parang bingi yung kausap mo." Pagrereklamo ko dito. "Anong kailangan mo?"

"Parang ayaw mo akong kausap ha? Aaaah! Kaninong tawag ba hinihintay mo?" Sabi nito pero diko nalang siya pinansin.

"Ano nga kailangan mo, besh?"

"Pagbuksan mo ko ng pinto mo! Kanino pa ko kumakatok di mo binubuksan." Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil parang wala naman akong narinig na kumakatok kanina.

Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko, nakita ko nga si Ella sa labas at himala! May dala-dala siyang pagkain.

"Nagkamilagro yata at may dala kang pagkain?" Sabi ko rito habang pumapasol siya sa kwarto ko at umupo sa swivel chair sa may study table ko. "Siyempre, dito ako matutulog. At kailangan marami akong supply dahil nakakatamad bumaba papuntang kitchen niyo."

"Ha? Bakit ka matutulog dito? Anong meron?" Parang di ko naman sila inimbita ha.

"Feel ko lang. Parating na rin si Ara at Kim." Sabi nito at saka humiga sa kama ko. Natahimik lang ako sa gilid ng bed. Walang Dennise.

Namiss siguro nila talaga ang isa't-isa. Grabe naman. Di na ba sila nagsasawa? Di man lang ako maalala ni Dennise. Nakakabadtrip.

Napansin siguro ni Ella ang bigla kong pagtahimik kaya tinap niya ko sa balikat. "Sorry, besh. Di raw pwede si Den e. May importante raw na gagawin."

Importante? Bwisit. So 'tong bonding namin hindi importante?! Kumukulo na ang dugo ko pero pinilit kong wag magpakita ng kahit anong expression. Tumango na lang ako.

Di ko talaga maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. It's hard to sort if you are jealous or you're just freaking furious.

Si Ella naman, binuksan na ang laptop ko at nagsimula ng maghanap ng magandang movie na papanoorin namin mamaya. Bigla namang pumasok si Ara at Kim na may dala-dala ring soft drinks.

"Huy. Teka nga lang. Alam ba ni Papa at Mama na nang-iinvade kayo ng personal space ngayon?" Tanong ko sa mga ito dahil talagang wala akong ideya na pupunta sila ngayon. "Kung diko lang kayo mga best friend pinalayas ko na kayo." Dagdag ko pa pero tumawa lang ang mga ito.

"Ano ba, Ly. Siyempre alam nina Tito. And magse-celebrate tayo ngayon kasi bukas recognition na at first honor ka. This means partyyyyyy!" At tinaas nila ang mga bote ng Coke na para bang wine. Mga ugok talaga 'tong mga 'to. Masakit sila sa bangs.

Ng magseseven na ng gabi, bumaba ako sa kusina para magluto ng pasta na kakainin namin. Sumunod naman ang tatlo sa'kin at ininvade ang kawawa naming refrigerator.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon