Chapter Twenty-eight: Time Stood Still

21.9K 442 15
                                    

Dennise's POV

"Hoy. Kayong dalawa, naiintindihan naming namiss niyo ang isa't-isa pero pwede ba, maghiwalay nga muna kayo." Nakapamewang na sabi ni Ate Fille samin ni Ly. Nasa sofa kami ngayon at nanonood ng TV. Nakaunan ako sa mga hita ni Ly habang nilalaro niya ang buhok ko. Tapos si Ella naman, nakaupo sa floor habang kumakain ng chips. "Tamaaaaa!" Pagsang-ayon ni Ella sakanya.

I looked at Aly just to see her pouting at Ate Fille while sipping on her MikMik sachet. "Ate naman e! Bumabawi lang po kami sa isa't-isa." Pagtatanggol niya sa samin. "Magkasama na nga kayo sa iisang room o." Sagot naman ni Ate Gretch.

"Magkatabi pa kayong matulog." Patuloy ni Ella.

"Sabay pumasok sa school."

"Sabay kumain ng lunch."

"Laging magkasama sa Mall."

"Laging buddies sa training."

"Kulang nalang sainyo e contrata ng kasal." Bigla namang napaubo si Alyssa sa sinabi ni Marge kaya napatayo ako at hinaplos-haplos ang likod niya. Feeling ko namumula ako. Tawa naman ng tawa ang mga teammates namin sa reaksyon naming dalawa.

"Kasi naman. We're just catching up with our lost times together." I finally said. "Bahala na nga kayo jan." Sabi nila at umalis na sa harapan namin pati na rin si Ella. Leaving the two of us alone sa living room. Doon ko lang napansin na nakapalibot na pala sila samin. "Hey, are you okay?" Tanong ko kay Alyssa na ngayon ay namumula na dahil sa kakaubo dahil dumiretso sa lalamunan niya yung sinisipsip niyang powder milk.

Pati mga mata niya e namumula na rin at naluluha. "I'm --- fine." Putol na sabi niya.

Mukha siyang nakadrugs kaya diko mapigilang tumawa. "Ang rude ha." Sabi niya sakin.

"Mukha kang pusher ng droga e." Sagot ko habang tawa pa rin ng tawa. "Tigil na." Irita niyang sabi sakin pero di pa rin ako tumitigil.

Natigil lang ako sa katatawa dahil nagulantang ang kaluluwa ko ng bigla siyang yumuko ng kaunti at nilapit ang mukha niya sakin. Our faces are just three inches away from each other and I can already feel her warm breath on my face. She's looking at me in the eyes, and to see those beautiful brown eyes this close is too much. I can't breathe. Para akong hubad sa harapan niya at nakikita niya ako mismo kung sino man ako. And once again, I can feel myself drowning because of her.

Bigla siyang ngumiti. Yung tipong maliit lang pero ang sexy tingnan. It showed her little dimples below her lips. I cannot stop myself from looking at those red lips. Napalunok ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

I just sat there, completely frozen. "Pag dika pa sana tumigil hahalikan na kita." She whispered. And damn it! It's too sexy to handle.

Oh my gosh! She's so close. She's sooo close! Don't do anything stupid, Dennise! I kept on reminding myself.

"I-I-----" I can't find my tongue. What the hell is happening to me?!

She giggled and kissed me on my cheeks tsaka bumalik sa pagsipsip ng powder milk na hawak hawak pa niya.

I cannot still find my words. I don't even know if I'm still breathing. I was just staring at her. She just took my breath away. "Kamatis." Sabi niya pero hindi siya tumingin sakin. Diretso lang ang tingin niya sa TV sa harapan. Dun lang ako natauhan at napahawak sa mukha ko.

Ang init ng mga pisngi ko. Ugh! Bakit ba ako namumula?! Hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Aray, Den!" Sabi niya habang hinihimas-himas yung hinampas ko. "Ewan ko sayo!" I stoop up and went straight to our room. Bahala siya sa buhay niya! Nakakaasar! Nakakahiya!

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon