Chapter Ten: Watch

16.8K 422 14
                                    

"Ly, pwede ba kitang kausapin?" Biglang sumulpot si Dennise mula sa office ng Publication namin. Mag-isa ako ngayon dito dahil nirereview ko ang mga stories na pinasa ng mga iba't-ibang contributors sa school na last school year pa ibinigay pero this school year pa lang ipa-publish.

"May ginagawa pa ako e." Sagot ko sakanya habang hindi bumibitaw ng tingin sa isang maikling kwento na hindi ko maintindihan kung ano ba ang plot dahil sa iba ang tinatakbo ng isip ko.

Hindi ito sumagot. Umupo siya sa kabilang side ng table at naglagay ng isang C2 at bananaque sa harapan ko. "Kumain ka muna. Di ka pa nagrerecess e." Sabi niya sa kanyang malambing na boses.

"Di pa 'ko gutom." Maikling sagot ko sakanya. Wala ako sa mood magsalita kaya naman mas pinili ko nalang na icheck itong mga submissions. "In case magutom ka." Pagpupumilit ni Dennise. Huminga ako ng malalim at sumagot. "Okay. Thanks."

Hindi naman ako galit sakanya. Wala akong dahilan para magalit. Kung ang rason lamang ay ang hindi niya pagsasabi sa'kin ng panliligaw ni Myco sakanya, hindi naman yun tamang rason dahil simula't sapul pa lamang ay alam ko na hahantong sila sa ganoon.

Halata naman kasi.

Hindi kami nag-iimikan. Kumuha ulit ako ng isa pang literary piece at sinimulang basahin. Lumingon ako sa taong nasa harapan ko ng bigla akong nakarinig ng daliring nagtatap sa ibabaw ng la mesa. Nakita ko si Dennise na nakapatong na ang ulo sa kanyang kamay at nakayuko sa la mesa.

Naiinip na siguro 'to.

"Den." Tawag ko sakanya at agad naman siyang tumingin sa'kin. Naghihintay ng kung ano mang sasabihin ko sakanya. "Time na. Bumalik ka na sa room." Utos ko rito. Walang maririnig na kahit anong emosyon sa boses ko.

"Aaah, pano ka?" Pagdadalawang isip niyang tanong.

"Excused ako."

"E di magpapaexcuse na lang rin ako." Ibinalik ko ang atensyon ko sa binabasa kong kuwento at hindi sumagot sa sinabi niya.

"Okay lang ba sayo?" Tanong niya.

"You don't have to ask me kung ano ba ang dapat mong gawin, Dennise." Napakalamig ng tono ng boses ko. Pagkatapos ng nalaman ko noong isang linggo, ikinuwento ko ang nangyari kay Ella.

Flashback

"Hello?" Sagot ni Ella sa kabilang linya pagkatapos ng ika-apat na ring.

"Nanliligaw na siya, besh." Alam kong maririnig sa boses ko ang lungkot dahil sa balita.

"Ano? May nanliligaw sa'yo?" Napabuntong hininga ako ng napakalalim dahil sa sagot nito. "Ang lalim nun ha." Pagpapatuloy niya.

"Ang slow mo kasi!" Mabilis kong sagot dito. Biglang tumahimik sa kabilang linya, tanda na nag-iisip siya.

"Aaaaaah! Gets ko na!" Sabi nito. Gusto kong tumawa sa kaslow-han niya pero wala talaga ako sa mood. "Oh? Tapos?" Sabi niya ulit.

"Besh naman e! Ang sakit nga kasi!" Pagrereklamo ko. "Ano na gagawin ko?" I sounded desparate.

I need to let go. I know. I have to.

"E di move on! Akala ko ba at the first place alam mo na na mangyayari 'to? And you're ready?" Napapikit ako sa sinabi ni Ella.

Ilang beses ko ng sinasabi yan sa sarili ko wala namang nangyayari!

"Wala namang nangyayari kapag sinasabi ko yun! Walang naitutulong! I mean, kahit ilang beses kong sabihin yun sa huli, nasasaktan pa rin ako. Palagi kong sinasabi na 'Maging masaya lang siya, okay na ko dun' pero tangina besh! Alam ko sa loob ko na totoo yun pero may parte pa rin sakin na nagsasabing, 'Sana ako! Ako nalang sana dahilan ng nararamdaman niya! Sakin nalang sana siya na-inlove! Bwisit na 'Sana' yan besh! Ang sakit!"

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon