Chapter Two: Publication

24.8K 510 26
                                    


"Dude! Talo ka sa argument! Hahahaha!" Pang- aasar nina Ara at Kim sa akin. Tanggap ko ang pagkatalo ko kay Dennise pero naiinis pa rin ako.

First time 'to!

Marami akong gustong sabihin sa'kanya kanina. Pero hindi ko masabi sabi kasi ang gulo na ng isip ko. Una, dahil humahanga ako sa confidence niya. Witty rin siya, and she has a very good articulation. Pangalawa, I don't know kung ano pa ba ang paniniwala ko dahil parang nakumbinsi niya ako sa concept niya ng forever. It is cliché but she's right.

Damn right. She used God. Pagmamaktol ko sa isip.

I can't believe na tinalo ako ng isang transferee! Simula ata nagkaisip ako, sa eskwelahan na 'to, dito na 'ko natutong makipag-debate ng kung anek anek at lagi akong panalo. Ngayon lang talaga!

"Nakita mo sana hitsura mo kanina! Hahahaha! Di ka kasi nag-recess, pati tuloy dila mo kinain mo na." Pang-aalaska pa ni Kim.

"Shut it." I snapped. Tumahimik sila pero tatawa tawa pa rin sila.

Tapos na ang mga klase namin at papunta na kami ngayon sa room kung saan gaganapin ang screening para makasali sa publication.

Hindi naman talaga sasali 'tong dalawa 'kong kasama dahil di naman sila mahilig sa mga ganito. Sa Volleyball team raw sila magtra-try out mamayang hapon.

"Hoy, Ly! Sige na kasi. Sumali ka na sa try out mamaya!" Pangungumbinsi ni Ara pero di ko siya pinansin.

"Woah. Andami nila." Sabi ko ng makitang punong-puno na ang classroom at marami pang walang may upuan.

"I never thought this school has a lot of geeks. And what I mean by 'a lot' is 'A LOOOOT'!" sabi ni Kim na gulat na gulat din sa number ng mga estudyanteng naghihintay.

Pinakiusapan ko sina Ara at Kim na i-guide ang iba sa kabilang room para maaccomodate silang lahat at pumayag naman sila. Madaling natapos ang pag-aayos ng mga batch sa mga room dahil nakipag-coordinate agad ang mga sasali sa dalawa 'kong kasama.

They're the popular ones.

Di 'ko rin alam kung paano nangyari na sikat na sila(naisali pa ako). Kapag naman nag-uusap usap kami about sa standings namin sa school, e lagi nilang sinasabi na ako nga raw ang dahilan kung bakit naging popular sila. Marami raw akong nakuhang atensyon. MapaBabae man o Lalaki.

But I didn't care, so I shrugged it off.

Limang minuto na lang ay magsisimula na ang screening ng may nakita akong papalapit sa rooms kung nasaan kami.

"Dude. Si Den yun diba?" Sabi ni Ara sa'kin. "O tapos?" Sagot ko.

"Wag mong sabihing may Bad Blood ka na agad kay, Ms. Lazaro, Ly?" Sabi ni Ara pero di ko siya pinansin.

Hindi ko alam pero I'm threatened. Isa lang ang goal ko ngayong high school, ang grumaduate bilang isang Valedictorian, but to think na back to zero kaming lahat sa gradings, malaki ang chance niyang maging Honor student rin.

She has the capabilities to dominate and beat me.

Diko namalayang nasa tabi na pala namin siya dahil sa iniisip ko.

"Den." Pagrecognize ni Ara sakanya at kumaway pa siya. "Hi." Sabi nito ng nakangiti. "Ano ginagawa mo dito? Magi-screening ka rin ba?" Tanong ni Ara.

"Oh. Um, yeah. Oo sana. Susubukan ko lang." Parang nahihiyang tugon niya sa mga tanong ni Ara. Ngumiti naman sina Kim at inalalayan siya papasok sa room katapat namin. "Dito ka na lang, Den. Puno na kasi yung two rooms."pagpapaliwanag ni Kim sakanya.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon