Chapter Sixteen: The Letter

17.5K 442 26
                                    

"Aly." Tawag ni Dennise sa'kin mula sa table namin nina Ella.

"Bakit? Tanong ko sakanya. "Ummm, nasa kwarto mo pa ba yung mga damit ko? Natapunan kasi ako ng juice ni Kian." Nahihiya niya tanong.

Nakita ko naman na basa nga ang damit niya hanggang shorts niya. Gaano ba karaming juice ang naitapon ng batang 'yon kay Dennise?

"Ah, Oo. Nandoon pa. Pasok ka nalang." Sabi ko sakanya.

Tumango lang ito at tumalikod. Naglakad na siya papunta sa kwarto ko sa second floor ng bahay namin at pumasok sa pinto.

Pagkasara niya ng pinto ay bumalik na ko sa pakikipag-usap sa mga kasama ko. Ang ganda kasi ng mga kwento ni Myla e. Naaaliw ako.

Dennise's POV

Isang taon rin pala mula noong huli akong makapunta dito.

Ganoon pa rin ang ayos ng lahat. Napangiti ako ng makita ko pa rin sa may study table niya ang litrato naming dalawa. Atleast hindi rin niya tinanggal yun.

Lumapit ako at kinuha ang litrato. Napakalaki ng ngiti ko kasama siya. Parang di ko nararamdaman ang pagod ko. Namimiss ko na si Alyssa.

Sana.

Sana maibalik ko ang lahat sa dati.

Kung kaya ko lang sana.

"I miss you, besh." Bulong ko sa hangin kasabay ng pagpatak ng mga mumunting luha dahil sa pangungulila ko sakanya.

Pero diba wala na? Di na niya ko bestfriend. I ended that friendship.

I ended it without even having second thoughts.

I chose him.

I have to choose him.

I don't want to hurt her.

But I already did hurt her.

I remember that night when she was slowly walking away from us. From Me. I wanted her to look back. Because if she ever will, I swear to God I'd run to her and won't let her go.

I can't lose her. She's my bestfriend.

But she's in love with me and I do not know how to sort that out.

But I should've saved our friendship, right?

That night I asked myself. "What if I needed her more than Myco? Will it still be okay if I tell her she has to take me back?"

But I was blind. I thought that if Myco and I are together nothing will ever matter again. Not the world. Not Alyssa. Not her feelings for me. Not the anger I kindled in our friends' sytems. Just the two of us.

Or maybe it wasn't enough.

Araw-araw nakikita ko siya. Pero diko siya magawang lapitan. Diko siya magawang hawakan.

Araw-araw nakikita ko siyang mag-isa sa ilalim ng punong iyon sa Student's Park. Akala ko noong una dinadama niya ang bawat haplos ng hangin sa mukha niya habang nakatingala siya pero mali ako.

Dahil nakita ko ang pagbuhos ng mga luhang alam kong ako ang dahilan.

Nasasaktan akong makita siyang ganon, pero laging nandiyan si Myco.

Alam kong mahal ko siya.

Sigurado ako doon.

Pero bawat oras na sinasabi niyang layuan ko ang bestfriend ko dahil baka agawin niya ako sakanya, parang unti-unting naglalaho 'yon.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon