Special Chapter: New Beginnings

31.7K 569 88
                                    


Alyssa's POV

Hindi ako mapakali dahil sa kaba. Palakad-lakad lang ako sa labas ng delivery room at pinagpapawisan.

"Geez, Ly! Will you please relax?" Sabi ni Ara.

"Relax?! Dude! Nasa loob ng delivery room yung asawa ko habang pinapanganak yung panganay namin! At ayaw nila akong papasukin! Paano ako magrerelax?!" Bulyaw ko kay Ara. Okay, alam kong OA 'yon pero paano ba naman kasi! If it's Dennise we're talking here, hindi uso sa'kin ang relax.

"E ikaw kasi, late ka ng isa't kalahating oras. Naku! Kung narinig mo lang yung sigaw ni Dennise nung manganganak na siya tapos wala ka, sigurado ako maiihi ka sa pantalon mo." Nakangiting sabi ni Ella sa'kin. Mas lalo pa akong kinabahan sa sinabi niya.

E paano ba naman kasi, bumalik akong office kanina para may tapusing mahalagang papers pagkatapos tumawag sila sa'kin na manganganak na nga yung asawa ko. Narinig ko yung sigaw ni Den sa kabilang linya na dahilan para mapatakbo ako palabas ng opisina. "Valdez! Nasaan ka na! Lagot ka talaga sa'kin! Manganganak na akoooo!!" Sigaw niya kanina.

"Muntik na nga akong maihi kanina e! Tawag palang yun ha!" Sabi ko at tumawa si Ella.

She's having a normal delivery, yun lang ang alam ko sa puntong ito. "Anak, umupo ka nga muna. Magiging okay lang si Den at ang baby niyo. Easy ka lang." Mahinahong sabi ni Mama sa'kin. Nandito rin kasi sila. Kumpleto ang buong pamilya namin ni Dennise.

"May pupuntahan lang po ako." Paalam ko sa mga magulang namin at hinanap ang Chapel sa hospital.

Lumuhod ako sa pinakaharap na upuan at nagsimulang magdasal. "Lord, wag niyo po sanang pababayaan ang mag-ina ko. Sana po okay lang sila. Sana po malusog yung magiging baby namin ni Den at sana po maging maayos ang lahat sa panganganak niya. Mahal na mahal ko po sila. Hindi ko po kaya kung may mangyaring kung ano. Promise po, aalagaan ko po sila ng mabuti." Sabi ko at mahinahon oang nagdasal.

Alam kong mahal ako ng Panginoon. Kaming dalawa ni Den. Alam kong ito ang ginusto niya at ito ang plano niya para sa aming dalawa. Sabihin man ng iba na malaking kasalanan ang ginawa namin ni Den na relasyon at pagpapakasal, bakit hindi humadlang ang Panginoon?

Everything, that is happening to us today, at this very hour, very minute, very second and at this very moment was already planned. Everything that is to happen in our lives, whether good or bad was already foretold. By who? By Him.

That's why everything happens for a reason, His plans are better than ours. And I thank Him everyday for planning this kind of story for Den and I. I can never think of any alternative story for the both of us.

We have that free will, yes. And in the eyes of the majority this might be immoral. But nowadays, ano na nga ba ang depinisyon ng mga tao sa "immoral"? Sometimes, it doesn't actually make sense. Nagmahal ka lang naman tapos immoral ka na agad.

Bumalik na ako sa labas ng delivery room. Umupo ako sa may gilid ng pintuan at naghintay.

Ang tagal naman. Ano na kayang nangyayari sa loob? Ayos na kaya si Den? Makalipas ang ilan pang sandali ay may lumabas ng Doctor mula sa loob. Agad akong tumayo at hinarap siya.

Agad niya akong nilapitan at nginitian dahil kilala na nila ako sa hospital na 'to. Dito rin kasi nagtatrabaho si Dennise bilang resident doctor kaya naman alam nilang lahat ang relasyon namin.

"Doc. Anong balita? Kumusta po ang mag-ina ko?" Tanong ko sa babae sa harapan ko.

"Alyssa. Congratulations. Ligtas ang mag-ina mo. A healthy baby boy. Nakatulog na si Dra. Valdez, ililipat nalang siya sa private room and pwede mo ng tingnan ang anak niyo sa nursery." She tapped my shoulder. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha sa tuwa dahil sa nalaman.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon