Chapter Twenty-Three: Tensyonado

20.5K 416 9
                                    

Third Person's POV

"O sige na. Mag-ayos na kayo ng mga gamit niyo sa rooms niyo. Pagkatapos e bumaba na kayo kasi naghanda kami ng kaunting salu-salo para sa team." Bilin sakanila ng team captain nila. Si Dennise naman ay hindi pa rin mapakali sa kinatatayuan niya. Hindi niya lubos maisip na sa dinami-dami ng pwede niyang kasama sa loob ng isang room e si Alyssa pa talaga na hindi pa niya ayos.

Si Alyssa naman ay nagwawala na rin internally. Pinilit niya ang sarili niya na wag nalang magpakita ng reaksyon sa balitang dumating sa kanila kahit na ang totoo ay gusto na niyang iuntog ang sarili niya sa pader ng paulit-ulit. Si Dennise talaga?! Nagmomove on yung tao tapos si Dennise ang ibibigay sa'kin?! Nagtatalo na lahat ng meron sa sistema niya. Parang gusto niyang magsaya dahil yung taong "mahal" niya, kung mahal pa ba niya ang kasama niya sa loob ng kwarto. Pero gusto rin niyang mainis dahil mas mapapalapit pa si Dennise sakanya. "Hindi pa ba sapat na nasa iisang team na kami, nasa iisang school, classmate sa iisang subject? Idadagdag pa talaga ang sa iisang room?!" Pagrereklamo ng buong katauhan niya.

She built walls sa pagkatao niya, yung kasing tibay at kasing tayog ng Great Wall of China dahil na rin sa heartbreak na natamo niya kay Dennise.

But she admitted to herself that she had second thoughts rin nung mabasa niya ang sulat na binigay sakanya ni Den. She felt her first built walls crumbling down with those printed words. She felt weak, vulnerable, she felt happy again. Naisip niya noon, 'What if kahit friendship nalang namin ni Dennise ang maibalik?' Namimiss na rin kasi niya ang kasungitan ng babaeng yun. Yung pagiging makulit niya, yung pagiging sweet niya. Yung pagtawag niya sakanya ng 'Besh'. Yung mga maliliit na bagay niya sakanya noon para makapaglambing. Namimiss na niya yung masaya pa silang dalawa ni Den. Namimiss na niya yung wala pang komplikasyon sa pagitan nilang dalawa. Yung masaya siya kahit nasasaktan siya na may kasamang iba si Dennise.

Namimiss na niya ang buong Dennise Lazaro.

Then she realized, it was impossible.

It is impossible to take the friendship back without the deeper feelings coming along. Alam niyang kapag nakipag-kaibigan ulit siya kay Den, mamahalin niya pa rin siya ng higit pa sa pagiging kaibigan lang. Kaya naman she built her walls again. Taller and cannot be penetrated. A more secured system kung ihahalintulad mo sa mga Private accounts. Sinisigurado niya na hindi na makakapasok pa si Dennise. 

She knows her weakness well enough.

"Si Gretch nalang ang magtuturo kung saan yung mga rooms niyo ha. Eto yung mga susi niyo." Binigyan na ni Dzi ng tig-iisang susi ang bawat rookie nila. Pagkatapos ay umakyat na sila sa taas para mag-ayos ng mga gamit pero hindi muna sumabay si Dennise.  Hindi kasi niya alam kung makakagalaw siya ng maayos sa loob ng kwarto habang nandoon din si Alyssa. Baka mairita pa yung tao sakanya.

"Den bakit di ka pa umaakyat?" Tanong ni Fille. Umupo si Dennise sa may couch at tinabihan naman siya ni Fille. "Mamaya nalang muna, Ate. Pagod pa ako e." Pagdadahilan naman niya. Tiningnan lang siya ni Fille sa mata. Parang nagtatanong pero hindi sigurado. Kaya naman minabuti na ni Dennise na magtanong sa katabi niya. "Anong ibig sabihin ng mga tingin na yan, Ate Fille?" Lumayo siya ng kaunti at tiningnan rin si Fille. Naghihintay ng sagot.

"Bakit parang ilag kayo ni Alyssa sa isa't-isa?" Pang-uusisa ng kasama niya.

"Hala? Di naman po." Pag-ilag ni Dennise sa tanong. Pero hindi sumagot si Fille, tinitingnan lang niya si Dennise na para bang naghihintay pa ng ibang sagot. "Ah, di po kasi kami close masyado e." Sagot ulit ni Dennise.

"Paano nangyari 'yon? E diba magkaklase kayo nung High School?" tanong ulit niya. "Ah, ganoon po talaga. Sige na, Ate. Mag-aayos pa ko ng mga gamit ko." Paalam niya at tumayo na. "Akala ko ba pagod ka pa?" Usisa ulit ni Fille. Sa loob loob ni Den, ay naloloka na siya. Dios ko! Shumoshowbiz na talaga itong mga teammates ko! Sigaw niya sa utak niya.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon