Chapter Forty-two: Can we dance?

24.2K 461 18
                                    


Alyssa's POV

"Anong magandang iregalo kay Myla?" tanong ko kay Ella sa tabi ko. Nasa rooftop kami ngayon at nagpapahangin lang. "Ewan ko e." Sagot niya.

"Nakabili ka na ba ng ibibigay mo sakanya bukas?" Tanong ko rito. Ako kasi hindi pa talaga.

"Oo naman. Ikaw?"

"Mamaya pa raw e. Sabay na lang daw kami ni Dennise." Paliwanang ko sa kasama ko. "E nasan na nga ba yang Dennise na 'yan? Kaninang umaga pa siya wala ha?" Tanong ni Ella na kanina ko pa din tinatanong sa sarili ko.

"I texted her kanina, ang sabi naman niya she's with her family daw and uuwi daw siya before mag-five para makapunta pa kami sa Mall. Doon na rin kami magdidinner. Sama ka?"

"Libre mo?" Tanong ni Ella na biglang nagliwanag ang mata ng marinig ang salitang dinner. "Oo nalang. Mabait ako ngayon e." sabi ko sakanya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit at hinalikan pa sa pisngi. Sus. Ang clingy talaga ng babaeng 'to kapag pagkain ang usapan e.

"Besh, may itatanong ako sa'yo." Seryosong tanong ni Ella. "Ano 'yon?"

"Kailan mo tatanungin si Dennise na maging girlfriend mo?" napa-isip ako sa sinabi niya. Sa totoo lang kasi ay hindi ko rin alam dahil naka-focus pa rin ako sa kung anong meron kami ngayon. Mahal ko siya, oo, pero di naman ako nagmamadali. Tsaka marami pa kaming iniisip na iba bukod sa love story naming dalawa.

Next week, exam na namin ng sa finals. Tapos yung UAAP pa na wala pa nga sa kalagitnaan. "Besh, hindi ko pa alam e. Andami pa kasing iba na kailangan muna naming tapusin. Pero ngayong tinanong mo, napapaisip na ako. Ayoko na rin namang pakawalan yung babaeng yun. Kaso, mas busy yun sa pag-aaral ngayon." Paliwanag ko kay Ella.

"Sabihin mo sa'kin kung kalian ha?"

"Bakit kailangan may ganyan pa?" Tanong ko sakanya. Binatukan naman niya ako.

"Baliw! Hindi ako papayag na mahuhuli ako sa balita sa mga best friend ko no! Kailangan ako ang unang makaka-alam!" utos nito sa'kin.

"Ayoko nga. Dapat si Dennise muna ang unang makaalam. Siyenpre siya ang sasagot sa'kin no." pang-aasar ko sakanya. Nagulat nalang ako sa sumunod na ginawa ni Ella. Daganan ba naman kasi ako!

"AAAAAAH! Besh! Ang bigat mo! Aliiiiiiiis!" I tried to push her off me kaso sa laki ng katawan ng donyang 'to, e di umuubra yung ginagawa ko. "Hoy, Valdez! Subukan mo lang na hindi ako ang unang makakaalam kung kalian mo siya tatanungin, friendship over na tayo! Maliwanag ba?" banta nito sa'kin habang nakadagan pa rin siya.

"Ipagpapalit mo ako sa petsa, besh? Ang sakit naman ha!" Pagbibiro ko sakanya. "Oo!" I pouted on her answer. "Joke lang. Basta i-promise mo sa'kin na ako ang unang makakaalam." Parang bata niyang pakiusap sa'kin. "Oo na. Oo nalang ako. Baka mamaya mas malala pa dito yung gawin mo sa'kin e. Baka mapatay mo na ako sa susunod. Kawawa naman si Dennise ko niyan." I winked at her at tumawa.

"'Dennise ko' ka diyan! Wala pang sa'yo huy!" Tumayo na siya at tsaka naman ako tinulungan din para makaupo.

Nagkuwentuhan pa kami ng ilang sandal ng may pumarada ng kotse sa harapan ng dorm. Bumaba si Den at swear, alam niyo ba yung sa movies? Yung kapag bumababa sa may kotse yung leading lady ng bida tapos nagkakaroon ng slow motion at wind effect pa? Ganon ang nakita ko. Yung puso ko bigla-bigla nalang tumitibok ng pagkalakas-lakas at bilis. Namamawis bigla yung mga kamay ko. Hindi ko nga alam kung kumukurap pa ako. My gaze was locked on the Goddess from the car.

"Ano ba 'yan. May nagde-daydream na naman." Anrinig kong sabi ni Ella. Nilagay ko ang kamay ko sa mukha niya. I hushed her. "Tumigil ka besh. Kasi kung daydream 'to, ayoko na ulit magising." I whispered. "Love is weird." Ella said at tsaka bumaba na from the rooftop.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon