Chapter Forty-three: I swear this time I mean it

23.3K 524 46
                                    


A/n: I know I told you that I will inform you nalang sa last chapter ng story pero I made up my mind already. So I have decided. I won't make a book 2 for Out Of My League, instead I will continue this story with the plot na, *ehem* subaybayan nalang natin. Kaya ayan. Mapapahaba pa po ng bongga ito.

Brace yourselves for the major turn of events ha? At wag niyo po akong i-Hate sa mga gagawin ko. Jusko. Matagal na kasi yung plot sa utak ko and I'm pushing it. Nakokonsensiya ako pero pasensiyahan na lang po tayo. For the meantime, enjoy this update. Enjoy these scenes. Hahaha.

Dennise's POV

Ilang buwan na ring nanliligaw si Alyssa sa'kin. Everyday, I thank God na ginigising pa rin niya ako para makita ang babaeng 'to.

Matagal-tagal na rin pala.

It's already December at ang lamig na ng simoy ng hangin. Feel na feel ko pa rin yung lamig at comfort na binibigay ng kumot ko. Ayoko pa talagang bumangon pero may naramdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Nakapikit pa ako pero napangiti na ako dahil alam ko na kung sino.

"Good Morning, beautiful." She greeted me.

"Hey. Good Morning." Nakapikit pa rin ako.

"Come on. Get up." Malambing niyang sabi sa'kin at hinihila ako patayo pero I pulled her back na dahilan ng pagtumba niya sa kama ko. "Tabi ka sa'kin please." I murmured. She giggled. "But breakfast is already served, baby." Inayos niya ang pagkakahiga sa bed. Niyakap ko siya agad ng mahigpit at siniksik ang mukha ko sa kanyang dibdib. Dahil nga sa malamig ay inayos rin niya ang kumot para sa aming dalawa. "Call me that again." Nakangiti na ako sakanya.

Ang aga aga tapos pinapangiti at pinapakilig na ko ng taong 'to! Ano ba yaaaan!

"I love you, baby." She whispered on my ear na dahilan naman ng pagkakiliti ko ng kaunti. Damang-dama ko ang init ng hininga niya. I smiled wider. She kissed my forehead at tumayo na. Hinila niya ako kaya napatayo na rin ako tsaka ako tinutulak papasok ng banyo. "Do what you have to do na. Naghihintay na sila sa baba." Utos nito sa'kin pero I stopped her by holding on to the door. Humarap ako sakanya. "Wait. Kiss mo muna ako." Sabi ko sakanya.

"Ayoko nga. Dika pa nagmumumog e." Biro nito. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"So, paano na lang kung wala na akong ngipin at amoy di na maintindihan 'tong hininga ko? Hindi mo na 'ko hahalikan kahit kailan?" Tampong tanong ko sakanya. Nagulat naman ako ng bigla niya kong hapitin palapit sakanya. Niyakap niya ang isa niyang kamay sa bewang ko at ang isa naman ay hinawak niya sa pisngi ko and she kissed me. She was also moving and I responded to her kisses. It was passionate but sweet. We parted to catch our breath.

"Who cares about teeth and breath?" She asked. "Ako. Kaya magmumumog na ako at ng makakain na." Sabi ko sakanya. Pero hindi pa rin niya ako pinapakawalan sa yakap niya sa'kin. "Hindi naman mabaho hininga mo ha. Kiss mo na lang ulit ako." She even winked at me.

Hinampas ko siya sa braso at napatawa. "Baliw. Alam kong mahal mo ko masyado at ganon din naman ako sa'yo pero Valdez, may klase pa po tayo mamaya kaya pakawalan mo na ako sa yakap mo at ng makapag-ready na ako ha?" She did what I told her.

"Bumaba ka nalang mamaya ha?" I nodded at pumasok na sa loob.

Ng matapos na ako ay sumunod na ako sa kusina at tumabi kay Ly. May kakaiba sa kinikilos ng mga teammates namin ngayon. Nagbubulungan sila at pasimpleng lilingon sa direksyon namin ni Alyssa tapos mag-uusap usap ulit. Nagtataka man ay hinayaan ko nalang sila. Si Alyssa naman ay hindi na rin masyado umiimik. Parang may iniisip siya na kung ano.

"What are you thinking?" I asked her.

"You." She simply answered na dahilan naman ng pagbatok ko sakanya. "Seryoso nga kasi, Ly." Pangungulit ko pa. Tumawa lang siya.

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon