Liar 4: Puissance

82.2K 2.1K 527
                                    

“Dear Light,

PS: Oo, kaunahan ang PS ko kaya huwag kang kumontra. Haha. Kapag binabasa mo itong mga nakasulat sa diary na ito, makikita mo kung gaano kaganda ang isang Empress Gloom Smith. Joke. Basta, kapag binabasa mo ito, baka... ahm, nasa ibang lugar na ako, in other words baka... deds na me, oppps. Huwag kang iiyak, babatukan ka ng espirito ko. Isipin mo na lang, nauna lang ako magpahinga, kukunin din kita. Bwahahaha. Pero eto, seryoso, don’t blame yourself, and live happily. Read every pages, according to what you feel. Light, I’ll always love you, and our family.

Nagmamahal ang pinakamagandang kakambal mo,
Gloom. ♥”

Nakakulong ako ngayon sa isang madilim at tahimik na kwarto, habang nakaupo sa kama. Malapit ako sa lampshade, kaya’t nababasa ko ang sulat kamay na diary ng kakambal ko. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa kauna-unahang page noon. Kahit kailan talaga tss.

Maraming beses ko na itong nabasa, subalit ang epekto nito sa’kin katulad pa rin noong unang pagkakataon na mapasakamay ko ito. Noong bumalik ang mga ala-ala ko, at naalala ko ang sinabi niyang diary bago siya mawalan ng buhay, hinanap ko agad ito, at nagtagumapay akong makamit ito.

Binabasa ko ang diary na ito  according to what I’m feeling kagaya ng sinabi ni ate Gloom sa unang pahina. Napangiti na lamang ako ng mapait, habang may tumutulong luha galing sa mata, at napahawak na lamang ako ng mahigpit sa diary. Ang diary na ito, ang nakakapag-comfort sa’kin sa ganitong sitwasyon, sa sitwasyon ng matinding kalungkutan at galit.

Uncle Peter... just fucking died. Damn it.

Ate Gloom knows me the best. Kaya niya siguro ginawa ang diary na ito, bago pa man siya mawalan ng buhay. She’s always ready, kaya nakapag-iwan pa siya ng bagay na makakapag-pakalma sa’kin.

Nitong nakaraang taon, I’m really planning for a bloody revenge, pero tuwing nababasa ko ang diary niya, nawawala ang iniisip kong iyon, at gumagaan ang pakiramdam ko. Si ate Gloom lamang ang may kakayahan na pasunurin ako sa mga kagustuhan niya... siya lamang. She controls me, and I love it. Hindi ko kasi nakikita ito biglang manipulation, ngunit nakikita ko iyon bilang isang guide.

Ngayong gustong gusto kong bumalik sa pilipinas, at patayin lahat ng may sala, pinipigilan ko ang sarili ko, kaya binabasa ko ulit ang diary na iniwan niya sa’kin.

Uncle Peter just died, and I feel lost again, and again. Yes, they lied to me, but it doesn’t affect nor erase the fact, that they raised and protected me. Nakakatanga na lang kasi iyong nangyayari, yes, I’m powerful but I feel helpless.

Bakit hindi na lang kaya ako iyong mamatay talaga? Bakit palagi na lamang iyong mga taong nakapaligid at nag-proprotekta sa’kin ang nagbubuwis ng sarili nilang hinga para sa’kin? Nakakapanghina. They are afraid of me, they see me as an evil demon but ironically, I’m just a mere lost person seeking for justice.

It’s been one year since na-coma si tito, umaasa ako ma-susurvive niya iyon, na magigising pa ulit siya, at sa pag-gising niya maayos na ang lahat at nagawa ko na ang dapat kong gawin. Pero sa isang iglap, nawala lahat iyon, gumuho lahat ng pangarap na iyon.

I just can’t believe it myself, that he already died. Hindi matanggap ng sistema, utak at puso ko iyong ibinalita sa’kin kanina. Parang isang bangungot nanaman na hindi ako magising gising. I was dumbfounded when I heard that news. One moment, I just suddenly want to go back and kill them all, yet I’m here calming myself down. Alam ko sa sarili ko kapag bumalik ako, mas marami ang mamatay, mas marami ang mapapahamak, kaya’t naghihintay ako ng tamang pagkakataon at tamang panahon. At alam ko rin sa sarili ko na malapit na iyon.

Patuloy lamang ang pagpatak ng luha ko at hinayahaan ko ang mga ito. I feel so pathetic for crying in the corner, pero siguro naman kahit ngayong gabi lamang pwede ulit akong maging mahina, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kong maging malakas.

Liars CatastropheМесто, где живут истории. Откройте их для себя