Liar 11: No Escape

64.3K 1.8K 339
                                    

Nanatili akong nakatitig ng diretso sa taong nasa tapat ng elevator, kalmado lamang ang tingin ko sa kaniya, noong una ay hindi ata niya ako napansin dahil kay Gab Gab siya nakatingin, pero matapos ang ilang segundo, nakita ko ang unti-unting pagdapo ng pansin niya sa akin.

"Kurt?" Hindi mapigilang bigkas ko sa pangalan niya na may halong pagtataka.

"The one and only, Riyah." He said while smiling at me. Pagkatapos ay binaling nanaman niya ang tingin kay Gab na mayroong mapang-asar na tingin at ngiti sa labi. Hindi ko alam kung ako lamang ba o talagang parang pinpatay na ni Kurt si Gab sa utak niya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Kurt noong makalabas na ako sa elevator, kaya naman lumabas na din si Gab.

"Ms. Rivera, meet me at my office." Walang kagana ganang banggit ni Gab at saka kami iniwan ni Kurt. Napataas naman ang kilay ko noong makita ko ang likod niyang naglalakad papalayo sa amin.

"I have to tell you something." Kurt said in a low tone na parang umiiwas siya na baka may makarinig sa amin. Patungo kami ngayon ni Kurt sa naka-ready na office ko dito. Pinahanda ko na iyon noon pa, dahil kasama iyon sa kasunduan.

"Speak." I murmured.

"Nagtagumpay na si Trevor Castillion sa Espanya, kaya naman si Clio Accardo na ang bahala sa Italya." Pagkarinig na pagkarinig ko noong ibinulong ni Kurt awtomatiko ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa labi ko.

Magaling. Maayos nilang nagagawa ang mga tungkulin nila kahit pa wala silang natatanggap na balita o utos mula sa akin. Hindi ko sila pipiliin na maging kaalyansa ko kung hindi sila ganoon. Kapag nagtuloy tuloy pa ang pagtatagumpay namin, siguradong unti unting babagsak ang Empire sa mga kamay namin.

Hindi na ako nagsalita kay Kurt at tinungo na lamang ang opisinang inihanda para sa akin dito. Alam ko na ang pasikot sikot sa kumpanyang ito dahil nareview ko na ang blueprint nito dati pa. Hindi naman ako sasabak sa kung ano ano, ng walang kaplano plano o kaalam alam.

Ilang sandali lang nakapasok na ako sa napakalaki at napaka-elegante na opisina. Inilibot ko muna ang mga mata ko sa paligid at mukhang sinunod naman nila lahat ang gusto ko.

Ito ang maganda kay Gab, hindi siya naalma sa mga gusto ko. Marahil ay dahil nakokonsensya pa din siya sa nangyari sa kakambal ko, kaya't hindi niya magawang umalma sa mga hinihiling ko. Alam niya ang kasalanan niya.

"Nice, mukhang professional interior designer ang nag-ayos dito ah." Manghang banggit ni Kurt habang pinagmamasadan ang paligid, hindi ko mapigilan mapa-irap dahil sa sinabi niya. State the obvious lagi ang dating niya. Tss.

"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa kung nasaan ang table ko. Napansin ko din agad ang view mula sa likod nung table dahil malaking glass window ang nandodoon.

Umupo na agad ako sa swivel chair at saka marahang pinilantik ang kamay ko sa lamesang napakagara. "Kurt." Tawag ko sa kaniya dahil mukhang masyado siyang nalulunod sa katitingin sa paligid na hindi na niya napansin ang tinanong ko.

Napatikhim siya noong makuha ko ang atensyon niya. "Tsk. Basta, hindi pa din ako kumportable na dito ka magtratrabaho, mabuti na nandito ako. Kahit mag-apply pa akong secretary mo, okay lang." Kibit balikat na banggit niya. Psh.

"Kaya ko ang sarili ko, Kurt." Mahinang banggit ko sa kaniya at saka ko binuksan ang laptop na nakapatong dito sa table.

"Alam ko, alam na alam ko. Halata naman, pero alam mo 'yun, para kasing dapat nandito ako para---" Natigilan si Kurt sa sinasabi niya dahil parang hindi niya alam ang susunod na sasabihin niya, kaya't napa-iling iling na lamang ako. Wala atang matinong dahilan ang lalaking ito kaya ganoon.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now