Liar 35: Selfish Decisions

37.6K 1K 111
                                    

35: Selfish Decisions

Princess Light's POV

Tahimik akong nag-iisip sa isang malaking silid kung saan ako lamang ang tao. Napapalibutan ako nang napakaraming surveillance monitors na mula sa iba't-ibang lugar ngunit hindi ko man lamang iyon napansin o hindi ko man lamang naibaling doon ang atensyon ko.

Napabuntong hininga ako nang malalim at saka napahilot sa sintido ko. Hindi ko alam kung tama pa ba ang mga desisyon ko. Basta ang alam ko lamang ngayon kinakain ako ng emosyon, kinakain ako ng galit, kinakain ako ng sakit...

Wala sa mga naunang plano ko ang tumugma sa mga gusto ko. Lahat naglaho nang isang iglap dahil sa isang pangyayari.

Justice. Napakalapit na noon sa mga kamay ko, napakalapit ko nang makamtan iyon. Ngunit dahil sa isang sitwasyon ay nabasura lahat nang pagsisikap ko at pati na ang mga plano ko.

Pagpapatawad? Magagawa ko pa ba iyon? Ang mga rebelasyon matatapos pa ba? Napakadami ko nang kinaharap. Hindi ko na alam kung sino ang nagsisinungaling sa hindi. Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko sa hindi. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa ba ang mga pagsubok o mamatay na lamang ako nang walang nagagawa para sa kakambal ko.

Iyong mga nalaman ko kaya totoo pa? Iyong mga nakuha ko kayang ebidensya laban sa Empire pawang katotohanan? Hindi ko maiwasan na maisip na baka lahat ng pinaniniwalaan ko ngayon ay isang patibong nanaman, isang malaking kasinungalingan nanaman.

Kailan ba malalagay sa tahimik ang buhay ko? Hanggang kailan ba ako maloloko?

Kasal nga kami ng lalaking mahal na mahal ko ngunit hindi namin makamtan-kamtan ang tahimik na buhay. Araw araw kong tinitiis ang gulong ito. Gabi gabi akong nagpapanggap na isang malakas na pinuno, ngunit sa totoo lamang...

...pagod na pagod na pagod na ako.

Nakaramdam ko ng tila pagpihit sa aking dibdib. Ang mga emosyon na pilit kong itinatago ay unti-unting umuusbong sa loob ko. Natatakot ako na baka ito na ang tuluyang kumontrol sa akin at makagawa ako nang mga bagay na habang buhay kong pagsisisihan.

Takot. Sakit. Galit. Naghalo halo iyon sa damdamin ko, hinihigit ako noon patungo sa mundo kung saan ikukulong ako nang hindi na nasisikatan ng kahit anong ilaw.

Gulong gulo na ako. Parang umiikot ang mundo ko ng literal, parang kinakapos na ako nang hininga at kahit may mga tao sa paligid ko ay hindi naman ako nakikita. Marami akong gustong gawin sa mga kalaban ko. Gusto kong dumanak ang dugo nila sa mga kamay ko. Iyon ang nangingibabaw sa akin ngayon.

Masakit. Sobrang sakit na kahit anong gawin mo parang wala pa ding pagusad. Na akala mo ang layo layo nang narating mo pero ang totoo nandoon ka lamang sa isang pusisyon, hindi gumagalaw, hindi umaabante at ang tanging ginagawa mo lamang ay paasahin ang sarili mo na umaandar ka patungo sa rurok kung nasaan ang hinahangad mo.

Kung lahat ay umayon sa plano ko. Kung ang lahat ay maayos ngayon, siguro tapos na ang lahat ng ito. Ipapaubaya ko na sana ang lahat sa hatol ng teritoryo at nakatataas dahil ang paniniwala ko ay wala silang kinikiligan sa mga lumalabag sa kanilang kagustuhan subalit mali. May kinakampihan pa din sila. May trinatrato pa din silang mas espisyal. Mas may nangingibabaw pa din.

Ganoon naman sa mundong ito. Walang patas. Walang kapayapaan. At higit sa lahat lulunudin ka dito ng kasinungalingan.

Kumawala ako sa mga isipin ko noong may marinig akong sigawan sa earpice na nasa tainga ko. Agad kong kinonek iyon sa kumokontak sa akin.

"North Battle reporting. Riyah—"

"Uno." Pagtatama ko sa malamig na boses. Narinig ko agad ang pagtikhim sa kabilang linya at pakiramdam ko ay kinabahan siya nang todo dahil doon.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now