Liar 28: Choose You

71.9K 1.7K 355
                                    

28: Choose You
Princess Light's POV

Naalipungatan ako mula sa pagtulog noong maramdaman ko ang sikat ng araw sa balat ko, ngunit hindi iyon ang mismong dahilan kung bakit ako nagising. Nagising ako dahil ramdam na ramdam ko ang dalawang matang nagmamasid sa akin nang mataman.

That gaze was so familiar. Hinding hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na iyan. Naging manhid man ako noon, kabisado ko na ang tingin na ito ngayon. Nakapikit man ako, masasabi kong nakangisi siya habang pinagmamasdan ako. Katulad ng lagi niyang ginagawa.

"Stop staring." Kunwari ay naiinis na banggit ko at saka ako tumalikod sa kaniya. Instead of hearing his protest, I heard his soft and gentle chuckle. I could already feel the good day ahead of me, because of that. It was giving me energy and positive vibes. All the dark clouds and heavy feelings, yesterday was all gone. I could only think of...

"He's with me. He is, indeed."

He's making me feel nervous, overwhelmed and calm all at the same time. It was just his chuckle that I have heard, but everything seemed to be complete and alright. That's his charm, that's his effect on me, that's him—the one that my heart long for. And finally, he's here beside me.

"Light." He called mellowly as he embraced me from the back. Unconsciously, my lips formed into a smile. "Light." Muling tawag niya sa akin, kaya naman sumuko na ako sa pagmamatigas at humarap sa kaniya kahit nakakulong pa ako sa braso niya.

Noong makuha na niya ang gusto niya, I felt his lips touched my forehead. "Still sleepy, dummie?" Malumanay na tanong niya. Tumango naman ako ng marahan dahil doon. Ilang minuto din siyang walang imik matapos akong tanungin noon.

Tahimik lamang kami. Isang katahimikan na nakakagaan ng pakiramdam, iyong tipong alam mong kahit napakadilim ng kahapon mo, alam mong may sisikat pa ding araw kapag natapos na ang lahat ng pinagdadaanan mo. Payapang katahimikan at kumportableng katahimikan. Iyon ang ipinaramdam niya sa akin.

I know that I should not be acting like this. Especially now that, there's a crisis ahead of us. There's still a hell we need to surpass, but sometimes... This is what I want, this is what I wish for because this is the only thing that's giving me strength and peace of mind... And perhaps, a genuine happiness.

Nawala ako sa iniisip ko noong unti-unti kong maramdaman ang pagkalas niya mula sa pagkakayakap. I don't want to let go, but... "Sleep some more, I'm going to cook something for you, so stay put." Napamulat agad ako noong sabihin niya iyon.

Pagkamulat na pagkamulat ko sumalubong agad sa akin ang nakangiti niyang mukha. "I told you to sleep." Kamot ulong sambit niya. Hindi ko maiwasan napangiti noong gawin niya ang pagkakamot niya ng ulo. Parang bata pa din talaga. Tss. He's still the Nathaniel Gabriel Evans, the foolish man for Princess Light Smith... Evans.

"What time is it?" Antok na tanong ko naman. Pakiramdam ko namumula na din ako dahil sa mga iniisip ko. Tsk. Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking ito? Umagang umaga, kung ano-ano tuloy pumapasok sa isip ko.

"It's already 12 noon, Uno." Nanlaki agad ang mga mata ko dahil doon at parang tuluyan akong nagising mula sa isang mapayapang panaginip kung nasaan ako kanina. Napahaba—tsk. Hindi pala, madaling araw na din naman kasi kami natulog. Pero kahit ganoon, hindi puwede na mahuli kami, dahil kailangan pa naming kumprontahin ang Improbus.

"Hey, calm down." Saway niya sa akin noong pupunta na sana akong banyo upang maligo. Hinila niya ang kamay ko at saka ako pinaupo sa kama. Agad ko siyang tiningnan ng masama, pahiwatig na huwag niya akong suwayin o pangunahan dahil marami pa akong kailangang gawin.

Ngunit, hindi tulad ng nakasanayan na agad siyang susunod sa gusto ko. Tinaasan pa niya ako ng kilay na para bang hinahamon kaya naman agad ko siyang inambangan ng suntok subalit mabilis pa sa alas kwatro ay napigilan niya iyon. "I love you too, Light." Tatawa tawa pang sambit niya.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now