Liar 22: Console You

56.8K 1.6K 311
                                    

Princess Light's POV

One week later...

Isang linggo na ang nakalipas subalit pakiramdam ko kahapon ko lamang naranasan ang lahat ng bigat at sakit. Patuloy pa ding magulo ang mga pangyayari at patuloy ko pa din itong hindi matantsa. Minsan hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga bagay bagay. Natutulala na lamang ako, at nawawalan ng pag-asa.

Gustong-gusto ko nang matapos ito, ngunit parang walang katapusang daan ang tinatahak ko, at hindi ako maaring umalis dahil hindi ko alam kung paano ako makakatakas o kung may paroroonan pa ba ako. Masyadong nakakatakot at walang kasiguraduhan ang mga nagaganap, pero kailangan kong magpakatatag.

Isang linggo ako nanahimik, nag-iisip at pilit na binabangon ang sarili mula sa muling pagkakalugmok. Gayunpaman, mukhang wala itong epekto dahil hanggang ngayon ay parang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa araw araw kong pagkakatulala at pagiging tuliro.

"Princess." Agad akong napalingon sa lalaking tumawag sa akin. Hindi ko man lamang siya matingnan ng diretso sa mata, kaya't mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kaniya. Natahimik siya dahil sa inasta ko, at pinakiramdaman ako.

"Ilang araw ka nang ganiyan, maayos pa ba ang lagay mo?" Malumanay at maingat na tanong niya, at saka ko naramdaman ang presensiya niya na umupo sa katabi ko. Napahalukipkip na lamang ako at hindi sinagot ang tanong niya.

"I already apologize, Princess. So does, Dos. Iyon pa rin ba ang issue mo ngayon?" Kalmado ang pagkakatanong niya sa akin, at inaantay ang sagot ko, ngunit kagaya kanina ay wala siyang natanggap kung hindi ang tunog ng paghinga ko.

"Sorry, demon. Nagbarilan kami ni Dos noong nakaraan dahil nadala ako sa iniisip kong nag-traydor ang kakambal niya at ang nasa isip ko ay nagtraydor din siya. Akala ko ayos lamang ang magiging pakisamahan namin, subalit biglang uminit ang ulo ko noong tingnan ko siya ng mataman." Muling paliwanag niya. Hindi ko alam kung ilang ulit ko na iyong narinig, at hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang marinig.

Noong nakaraan, habang pinapakalma ako ni Kurt mula sa pag-iyak ay may narinig kaming putukan ng baril sa loob ng masyon, at noong tumungo kami doon ay nadatnan ko si Skyler at Takashi na nagbabarilan.

Hindi ko alam pero sa pagkakatanda ko sumabog ang galit at hinanakit ko ng pagkakataong iyon at sinigawan sila. Inis na inis ako noon, dahil kami kami na nga lang ang kailangan magtulungan, may balak pa silang magpatayan at sa mismong loob pa ng teritoryo ko.

I got mad so I took the immediate action. Mabilis ko silang tinutukan ng baril noon at mabilis na pinatigil. Noong matigil sila ay dali dali ko silang binigwasan na dalawa at laking pasasalamat ko noong hindi sila nanlaban. Halos mag-dilim ang paningin ko sa mga oras na iyon, hindi ko na malayan na bubog sarado na silang dalawa dahil sa pinaggagawa ko.

After my sudden outburst, I did not talk to anyone, kahit si Kurt o si Kuya Thunder pa. Nagkulong ako sa kwarto at pilit na inisip kung saan nag-ugat ang lahat ng mga maling nangyayari ngayon, ngunit sa lahat ng naisip ko, tanging ang muling pagkikita at pagsasama lamang namin ni Gab Gab ang naging simula ng lahat.

Hindi matanggap ng puso ko ang iniisip ko, kaya't halos mabaliw ako sa mga sariling isipin. Hanggang ngayon pilit na prinoproseso ng utak ko ang kaisipang iyon.

Nangyari ang lahat ng mga magulo at hindi inaasahang mga bagay noong magpatangay ako kay Gab Gab papunta sa resort ni Mr. Aquiñas, dahil sa desisyon ko na pairalin ang nararamdaman ko kaya nagkanda-mali mali ang lahat. Lumiko ang daan na sana ay diretso lamang, at nagkaroon ng lamat ang pinong krystal na aking pinahahalagahan. Sa madaling salita, dahil sa isang maling galaw ko ay naapektuhan ang lahat at ang kinalabasan noon ay isang napakagulong sitwasyon.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now