Liar 14: Tension

73.9K 2.1K 412
                                    

Perseus Kurt's POV

"That bitch?" Riyah said laughingly. "Well, she's now in the prison of the white walls, sleeping like there's no tomorrow." Seryosong banggit niya na nakapagdala ng kakaibang kaba sa aming lahat.

Nanatili kaming tahimik, wala man lamang nagtangkang magsalita dahil sa takot nila kay Riyah. Kahit ako kinakabahan. Hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin ako, at naguluhan din ako sa mga huling katagang binaggit niya.

White walls? Coffin ba ang ibig sabihin noon? Sleeping like there's no tomorrow? Ibig sabihin ba patay na si Cassidee? Kung ganoon nga ang nangyari, paano at kailan? Ang gulo. Sobrang gulo hindi mo talaga alam ang tumatakbo sa isip niya, dahil hindi mo makikita iyon sa mga mata niya, ganoon din sa mga kilos niya. Mabibigla ka na lamang na ganoon na pala ang nangyayari.

"W-Wait... Let me decode a little, what you want to say." Finally Dos broke the intimidating silence that was covering the atmosphere. Pero, dahil ata sa ginawa niya, nakaramdam naman ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam dahil sa mga titig ni Riyah sa amin.

"Go on." She retorted.

"White walls? It's really impossible that she's now buried six feet underground, even though I can't exactly read your mind or even know what you're planning, I'm sure you won't kill her that easy." He remarked, his voice full of curiosity at the same time seriousness.

"Why would I waste waste my time killing her easily? She deserves to perish, that's out of the question. But, I want her to suffer." Napakamatalim ng binitiwan niyang mga salita, napaka-seryoso din ng dating na papapaatras ka na lamang bigla sa kinatatayuan mo. Nakakatakot.

"Uno... are you saying that you confine her?" Biglang pagsasalita ni Trevor. Natigilan ako sa salitang ginamit niya... 'confine' hindi iyon basta basta paglilimit ng isang tao, iba ang ibig sabihin nito sa apocalypse.

"Yes." Nakakabinging katahimikan agad ang muling bumalot sa buong paligid dahil sa napaka-seryosong sagot ni Riyah. Makikita mo talaga sa mga mata niya ngayon ang matinding galit. Hindi mo man mababasa ang mga plano niya, makikita mo naman sa eksaktong pagkakataong ito ang pang-gagalaiti niya kay Cassidee.

Ginawa na din niya ang isang bagay na hindi mo aakalaing gagawin niya. Ang ibig lamang noon, isang mortal na kaaway na talaga ng Apocalypse si Cassidee. Na kahit anino niya, hindi pwedeng mahagip si Riyah, dahil kamatayan ang kahaharapin niya.

Confine... Nakakulong ngayon si Cassidee sa isang laboratory. It's either, she will be the 'rat' for our experiments, o kaya naman mananatili siya doong hindi ginagalaw ngunit, sapilitang patutulugin. Kapag iyong pangalawang pamimilian ang iuutos ng reyna, tuturukan si Cassidee ng isang especialized na drugs, upang manatili siyang walang malay kahit pwede na siyang magising.

Maalin man sa dalawang pamimilian... Napakalupit ng sasapitin niya. Magiging parang walang kwentang laruan ka ng mga espesyalista o buhay ka nga, ituturing ka namang patay. Mas matindi pa iyon sa tunay na kamatayan. Si Riyah... she's really cruel.

"You mean..." Biglang pagsasalita ni Tiara. "Gagawin mo siyang laboratory 'rat'?" Hindi makapaniwalang dugtong pa nito. Nakatitig siya ng masinsinan kay Riyah, subalit isang ngisi lamang ang sinagot niya kay Tiara.

"As for now?" Banggit ni Riyah. "Hindi ko siya gagawing 'human guinea pig' for our laboratory, ngunit sa away at sa gusto niya, mananatili siyang nakakulong doon habang mahimbing na natutulog." Pahayag pa niya.

Dahil sa sinabi niya, unti-unting naging klaro sa amin ang lahat. Mukang gagawin niyang hostage si Cassidee. Pero, paano kapag nalaman ng Empire na hawak namin si Cassidee? Mas malaking gulo ang mangyayari.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now