Liar 33: Survival & Beginning

60.8K 1.2K 181
                                    

33: Survival and The Beginning
Annicka Hera's POV

Nang sinabi ni Tiara ang hudyat ay agad akong tumakbo papalayo sa kanila. Kumakabog nanaman ang dibdib ko dahil maliban sa naulan ay may pagka-madilim ang lugar at hindi mo alam kung anong nag-hihintay sa iyo. Ngunit isa ang pinaka sigurado kong kakaharapin namin at iyon ay ang isang matinding...

...panganib.

Hindi nabiro ang mga nangyayari ngayon. Matapos mabunyag ang lahat lahat ng sikretong itinatago namin ay hindi na ako kampante sa pupuwedeng mangyari. Lahat ay walang kasiguraduhan ngayon, lahat nang maaring mangyari ay nasa kamay na ng Apocalypse.

At hindi sila ordinaryo, kakaiba at mautak sila. Noong iligtas ko noon si Incess ay trinato nila ako nang maayos, wala silang ibang ipinakita kung hindi ang pagpapasalamat sa ginawa ko noon. Subalit, ibang usapan ngayon dahil itanggi ko man o hindi bawat isa sa kanila tila nag-aapoy ang mga mata.

Para silang mga tigre na handang handa kainin ang iniintay nilang pakay. At sa pagkakakilala ko kay Incess hindi siya pipili ng mga miyembro nila ng hindi papasa sa kaniyang lebel. Kaya naman wala kaming ginagawa ngayon kung hindi ang tumakbo...

Ang tumakbo para sa mga buhay namin.

Kada tapak ko sa lupa at nagiging maputik ito. Nahihirapan akong tumakbo dahil doon. Hindi ko din ganoong maaninag ang paligid dahil sa patak ng tubig sa mukha ko at sa dilim.

Habang patuloy at walang tigil sa pagtakbo ay pinakiramdaman ko ang paligid. Wala na sila. Wala na akong kasama. Lalo akong nakaramdam ng takot at kaba dahil sa naisip ko. Mag-solo na lamang ako sa tinahak kong daan.

Kada puno ng niyog ay iniiwasan ko. Nararamdaman ko din ang pagbagal nang pagtakbo dahil sa tila lumulubog na lupang tinatapakan ko dahil sa pag-ulan. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob kahit pa kakatuwang pakiramdam ang aking nararamdaman. Nag-dire-diretso lamang ako.

"Ah!" Nagulat ako at napasigaw noong bigla na lamang kumulog at kumidlat. Nadapat din ako dahil doon. Nakaramdam ako ng kirot sa aking tuhod, dahil sa nangyari. Napaungol ako nang kaunti, ngunit lakas loob akong tumayong muli dahil pakiramdam ko kalag tumigil ako kahit ilang segundo ay makakasunod na agad ang humahabol sa akin.

Noong makatindig ako at handa na sanang magpatuloy muli ay natanggal ang suot kong sapatos sa aking kaliwang paa. Agad akong lumuhod at hinanap iyon, subalit may narinig akong kaluskos at dahil sa bugso ng damdamin ay dali-dali akong tumakbo kahit nakayapak.

Ang bilis ng tibok ng puso ko noong magsimula akong tumakbo ay mas lalong dumomble. Hirap na hirap ko ding maaninag ang lugar dahil sa dilim dito. Pero hindi ako tumigil, tumakbo lamang ako nang tumakbo. Paminsan minsan ay nababangga ako sa puno dahil hindi ko na iyon naiiwasan ay hindi ko na inaalintana.

Nag-dire-diretso lamang ako umaasang may maaninag na kahit anong ilaw na hindi nag-mumula sa kalangitan. Ang isang paa ko ay nanakit na dahil kanina ay parang may matilos na bato akong natapakan kaya't pakiramdam ko hindi na lamang putik, buhangin at tubig ang dumadaloy doon kung hindi pati dugo ay nagsisimula na ding tumulo.

Ramdam na ramdam ko ang hapdi doon kanina, subalit sa bawat pagtapak ko sa daan at sa mabilis na kilos ko sa pagtakbo ay unti-unti itong namamanhid.

Nakaramdam ako na para bang may bumara sa aking lalamunan. Hanggang sa hindi ko napansin na marahan na palang pumapatak ang mga luha sa aking mata na siyang mas nagpapalano ng daan maliban sa patak ng ulan.

Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong, subalit alam kong kung gagawin ko iyon ay imbis na tulong ang dumating sa akin ay kapahamakan lamang ang magiging hatid noon.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now