Liar 31: Flashback II

73.2K 1.6K 472
                                    

31: Flashbacks II
Nathaniel Gabriel's POV

Tingnan ko sa mga mata niya si Light. Umaasang mababasa ko kahit katiting ang tumatakbo ngayon sa isip niya. Ang tatapang ng mga kulay kapeng mata niya, pero hindi doon maikakaila ang pag-aalala. Umiwas ako ng tingin matapos siyang panlambutan ng ekspresyon, hindi ko siya kayang tingnan ng ganoon.

"I'm done arguing with you, Light. Just this once, can't you listen to me?" Mahinang banggit ko sa bawat salita. Hindi naman mahirap tuparin ang ninanais ko talagang matigas lamang siya sa mga ganitong bagay.

"Gab," malumanay na imik niya at saka ko naramdaman ang paglapit niya sa akin. "Kailangan kong gawin ito, kailangan—" Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin noong kumontra na ako ng kusa.

"Oh. I forgot. Kapag nga pala nagdesisyon ka na, wala nang makakabali pa noon, kahit akong asawa mo." Mapait na bigkas ko habang nakatingin ng direkta sa mga mata niya. Hindi ako sumigaw o hindi ko ipinaramdam sa kaniya na galit ako, tanging seryoso at mahina lamang ang pagkakasabi ko.

Dahil doon agad bumakas sa kaniyang ekspresyon ang tila hampas ng katotohanan na nagpasakit panandalian ng kaniyang damdamin. Nakita ko ang unti-unting pamumuo ng tubig sa kaniyang mga mata at agad akong tumalikod sa kaniya.

Ang hirap, makita siyang naiiyak. Hindi pa man tumutulo ang mga luha niya pakiramdam ko ay nadadala na ako. Hindi ako puwedeng magpadala sa kaniya ngayon. Hindi puwede. Kailangan niyang matuto na hindi lahat ng gusto niya ay maaring masunod.

Minsan nakakapagod din na intindihan siya lagi. Sana matutunan din niyang intindihin ang nararamdaman ko.

"Gab-Gab." Parang humahaplos sa aking tainga ang animo'y musika niyang himig, ngunit bago pa man gumuho ang itinayo kong bato upang manindigan sa desisyon ko ay umalis na ako doon at iniwan siyang nakatayo habang nanunubig ang mga mata.

No, Light... No.

PUMANIK ako sa kwarto namin ni Light. May pagka madilim doon dahil sa makakapal na kurtina na siyang sumasalag sa sikat ng araw. Pahapon na din at mamayang gabi na ang pagpupulong namin upang sabihan sa Improbus Ille ang aming plano.

Ngunit, tila hindi doon patungo ang isip ko, dahil naglalakbay ito sa hindi namin mapagkasunduan ngayon ni Light. Masakit para sa akin ang talikuran siya kanina, subalit mas mahapdi sa damdamin ang sumangayon sa disisyon niya.

Umupo ako sa may gilid ng kama at napahilamos sa sariling mukha. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Tahimik na tanong ko sa aking sarili. Gusto ko nang mabuhay ng mapayapa, gusto ko nang magpakalayo layo sa magulong buhay na ito, pero paano? Paano kami makakatakas? Kung kami mismo puno't dulo ng lahat.

Napapikit na lamang ako ng pakadiin-diin. Iniisip kung paano kung normal ang mga buhay namin at hindi kami namulat sa madugo at walang awang mga kaganapan. Siguro... kung nangyari iyon, hindi kami magkakakilala ni Light.

Magiging masaya kaya ako, kung hindi ko nasulyapan ang mga ngiti niya sa buhay ko? Natawa na lamang ako ng marahan sa naiisip ko, isang malaking imposible iyon.

Nakatulala na lamang ako ngayon sa sahig. Walang kahit anong pumapasok sa isipan ko. Hanggang sa napansin ng aking paningin ang mga kamay ko, at gayun din ang aking mga daliri. Walang singsing doon.

Mapait na ngiti agad ang lumitaw sa aking mga labi. Naka'y Light ang singsing namin ngunit hindi pa niya iyon ibinabalik sa akin, simula noong mapagkasunduan naming magpanggap na wala kaming pakialam sa isa't-isa. Mahirap na kasing mabuking kami dahil sa singsing, subalit habang tinitingnan ko na walang palamuti ang palasingsingan ko ay pakiramdam ko may kulang sa akin.

Liars CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon