Liar 42: Fallen

56.4K 1.2K 394
                                    

Note:

SORRY NGAYON LANG. ANG DAMI KO TALAGANG GINAGAWA NITONG NAKARAAN. SORRY DIN SA LAHAT NG ERRORS AHEAD. MADAMI DAMI DIN. HINDI AKO MAKAPAG-EDIT. TAMBAK TALAGA AKO. :(

Perooo! Omigooshhh! Omchiii~ *happy dance*

Liars Catastrophe won the "TALK OF THE TOWN" sa Wattys 2016. Party~ Haha.

PS: Comment kayo sa reaksyon ninyo sa chapter na 'to! :) Gusto ko talaga malaman ang reaksyon ninyo... Kaya hindi ko na patatagalin pa! Basa naaa. :)

42: After the Fall ( Fallen )
Nathaniel Gabriel's POV

1 month later...

Nararamdaman ko sa puso ko ang matinding bigat at para bang nasa loob pa din noon ang matinding sakit. Napabuntong hininga na lamang ako, at saka tumingala para pagmasdan ang napakaliwanag na kalangitan. Purong asul ito at walang kahit anong ulap na tumataklob sa sikat ng araw. Mahangin din at maginhawa ito sa pakiramdam.

Matinding kabaliktaran ang ipinapakita ng panahon sa aking nadadama. Para bang may nakakulong na matinding lungkot sa puso ko at hindi ko iyon mapakawalan dahil iyon mismo ang kumakapit sa akin sa loob nang isang buwan.

Napakaraming nangyari, napakagulo nang mga naganap, napakasakit pa din tanggapin ng lahat kahit napakadaming araw na ang lumipas. How could I even move on when everything seems like yesterday? Ang hirap kalimutan nang lahat ng nangyari nitong mga nakaraan.

Napatingala na lamang ako sa langit dahil pakiramdam ko may tutulong luha sa mga mata ko kung hindi ko pa gagawin ito. Nagpakawala ako nang maraming malalalim na hininga, at hinayaan ang sarili na kumalma.

Tensyonado pa din ako ngayon kahit tapos na ang lahat. Nangangamba pa din ako kahit nalampasan na namin ang gyera. Higit sa lahat malungkot at nasasaktan pa din ako dahil marami kaming kinaharap na pagsubok na kinailangan naming lampasan. Lahat ng nagawa namin sa laban, may kabayaran.

In every battle, someone would die... It's an inevitable situation.

Hindi porket malakas, makapangyarihan, mautak at matapang ka... malalampasan mo na ang lahat, na mabubuhay ka. Minsan kasi kahit anong laban mo, itutumba ka pa din kung iyon naman ang nakatadhana sa iyo.

Napapikit na lamang ako ng madiin. Hinayaan ko ang sarili kong maramdaman ang lungkot at sakit. Wala namang masamang maramdaman ang mga iyon hindi ba? May buhay na nagbayad, may buhay na nawala... ang hirap tanggapin... ang hirap...

"Pards..." Marahan akong napamulat matapos kong marinig ang isang tinig na tila tumatawag sa akin. Naramdaman ko din ang pagtapik nang isang kamay sa aking balikat dahilan para mapalingon ako sa taong iyon.

"Skyler." Saad ko sa kaniyang ngalan. Tumango na lamang siya sa akin at saka pinagmasdan ang kalangitan.

"Tara doon, nag-iintay sila." Pahayag niya at saka ako muling tinapik at saka nagpamulsa at nagsimula nang maglakad. Pinagmasdan ko ang likod niya. Kahit ngumiti siya, alam kong nararamdaman din niya ang lungkot at poot.

Napa-iling iling na lamang ako at saka nagsimulang maglakad para sundan siya. Kada tapak ko sa berdeng mga damo, ay ang pagkahagip ng mga mata ko sa mga lapida na nakalagay sa damuhan.

Nasa simenteryo kami ngayon dadalaw sa puntod nila.

Hindi ko pa din akalain na sa ganito matatapos ang lahat. Hindi ko pa din matanggap na may magbubuwis ng buhay. Isang buwan na ang lumipas pero ganito pa din ang nararamdaman ko. Marahil ay dahil hindi ko siya naprotektahan... Marahil nagsisisi ako sa mga nagawa ko noon... At marahil... hindi ko pa kaya tanggapin ang lahat.

Liars CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon