Liar 41: The Last Ride

42.4K 1.1K 378
                                    

The Last Ride
Princess Light's POV

Natawa na lamang ako noong katahimikan ang mamayani matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Napatindi ang pagkakayukom ng kamao ko at saka tuluyang nag-igting ang aking mga panga.

Ang paghinga ko ay mas lumalim kaysa kanina, at nakaramdam ako nang matinding panginginig sa aking buong katawan. Nararamdaman ko sa aking lalamunan ang pagkakalapat doon ng patalim na hawak mismo ng kakambal ko.

"Sumuko ka na. Kamatayan mo na lamang ang kulang sa labanang ito." Madiing wika ni Catherine Servilla na animo'y pikon na pikon sa bigla kong pagtawa. Isang ngisi ang hinandog ko sa kaniya, kaya naman nakaramdam ako ng mahapding sensasyon sa may leeg ko dahil sa patalim doon.

Muli kong tiningnan ang sariling repleksyon—hindi, hindi ko repleksyon ito. Ito mismo ang kakambal ko. May nararamdaman akong kakaibang koneksyon sa kaniya. Nasisigurado kong napakamalapit niya sa puso ko.

Marahan kong inangat ang aking kamay papunta sa matalas na bahagi ng espada. Tila kumislap pa iyon sa mga mata ko dahil sa linis noon. Tiningnan ko sa mata si Ate Gloom, ngunit wala akong mabasang kahit anong ekspresyon sa kaniya. Nakatitig lamang siya sa akin.

Ang kabog sa puso ko ay walang kapantay, at nagsimula nanaman manlabo ang mga mata ko dahil sa tubig na namumuo doon. Is she really alive? Siya ba talaga ito? Patuloy at paulit ulit na tanong ng isip ko. Hanggang ngayon parang panaginip pa din.

May isang paraan para malaman kung nanaginip ba ako o hindi. Ang kamay kong pinapakiramdaman ang kinis ng talim ng espada, ay bigla ko na lamang inihawak doon ng madiin. At inalis ang patalim na iyon sa leeg ko.

Matinding sakit ang naramdaman ko, isang pahiwatig na gising ako, at hindi ito basta panaginip lamang. Napatawa ako ng peke dahil doon. "Totoo, pala talaga. Hindi panaginip." Parang isang biro na saad ko, kahit sa katotohanan ay namamangha ako sa mga nangyayari ngayon. Biruin mo nga naman, hindi pala talaga susugod ang mga Servilla ng walang laban.

They've used my mother, father, and my grandfather just to pin down. Matalino. Nagawa nila. Sa buong panahong ito, nililimitahan ko pa ang kilos ko. Nililimitahan ko pa ang mga ginagawa ko. Tinatantiya ko pa sila, at sa kung hanggang saan ang kaya nilang gawin. Pero walang kwenta pala ang ginawa ko, dahil mas matindi pa sa sukdulan ang magagawa nila.

Ngayong nasa harapan ko na ang pinagsimulan ng lahat, marahil ay imbis na mas lalo akong masadlak sa paglilimita sa aking sarili, ay nakawala na ako sa lahat ng rehas na kanilang itinali sa akin, dahil sa wakas... Natapos na ang paghihirap ko sa napakadaming taon.

"You..." Malamig na simula ko.

Nakatingin ako sa kamay kong may hiwa habang umaagos doon ang dugo. Hindi ko na maramdaman ang hapdi doon, ang nararamdaman ko na lamang ay ang gaan ng loob, na nawala na sa aking dibdib.

Hindi ko akalain na silang nagbigay ng pasakit sa buong buhay ko, ay sila ding magtatanggal noon. Mali... Hindi nila tinggal pero naglagay sila ng bagay na maari kong magamit para ako na mismo ang magtanggal noon.

Mula sa pagkakaluhod at itinayo ko ang aking sarili. Dahan dahan kong itinaas ang aking mukha para magkatapatan kami ng hitsura ni Gloom. "Gloom Smith." Mabagal at seryosong pahayag ko.

Nakita ko ang pag-atras ng mga paa niya dahil doon. "You... You've never been my weakness." Nakangiting saad ko. Ngiti? Ngiting mala anghel? Mali. Kabaliktaran. Ang ngiting sumisilay ngayon sa aking pisngi, ay ang pinakamapaglarong ngiti na inalay ko sa isang tao.

Agad kong nilingon si Catherine at nakita kong may baril na siyang hawak at nakatutok na iyon sa akin. Pakiramdam ko ay kating kati na siyang iputok iyon mismo sa ulo ko. Kasunod kong tiningnan ang anak niyang si Cassidee Servilla, ang galit at walang katumbas na inggit sa mga mata niya ay basang basa ko. Bumababa ang tingin ko sa kaniya at doon ko nakita ang umbok sa kaniyang tiyan. Napangisi na lamang ako.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now