Liar 46: But Always

40.2K 862 130
                                    

46: But Always
Lian Analiz's POV

"Woohooo! Tara tara tara dali!" Halos magkanda tumba tumba na si Alyx para lamang makadaan patungo doon sa dancer floor nitong bar. Hindi namin siya pinigilan ni Shana o kahit sino sa amin dahil kilala namin ang bruhang iyan, kahit pa itali namin iyan, hindi na mapipigilan.

"Let's dance!" Masayang sambit naman ni Vianca na tipsy na dahil sa kaiinom. Napailing-iling na lamang ako noong sundan nito si Alyx patungo sa sayawan. Kanina pa kami nandito sa bar, kaya hindi na talaga ako magtatakha na malalakas na ang tama nila.

Ang dami kasing inorder na malalakas na inumin. Masyadong tinutuo iyong sinabi nilang magpapakalasing at magpapakasaya sila ngayong gabi. Tahimik ako dito sa isang tabi katabi ko si Incess at si Annicka. Bagsak na si Annicka, kanina pa naghihilik habang nakahiga sa may sofa dito.

Napakaingay ng paligid pero ang himbing ng tulog nang isang ito. Si Shana naman ay patuloy pa din sa paglagok habang nakangisi. Nagiging madaldal na nga din katunayan na tinatamaan na ng inumin.

"Lian!" Biglang sigaw ni Shana. Hindi ko siya masyadong marinig dahil sobrang lakas talaga noong musika idagdag mo pa na halos kumakabog ang puso ko dahil sa lakas ng vibration mula sa sound system dito.

"Lian, tara sundan na natin sina Vianca. Let's rock the dance floor!" Lumapit na siya sa akin at isinigaw na niya iyon sa tabi ko. Natawa na lamang ako, may pagkalasing na din talaga. Hindi din ako nag-aalala kay Shana kasi kahit medyo wala iyan sa wisyo, alam niya kung anong nagyayari. Talagang nagiging madaldal lamang.

Si Alyx naman kapag nalalasing masyadong nagiging mapang-akit at matabil ang dila. Napailing-iling na lamang ako. Tsk tsk tsk. Sakit sa ulo ni Alyx kapag nalalasing. Bahala na si Thon Thon mag-asikaso sa kaniya. Naghatid na ako ng mensahe sa mga lalaki kung nasaan kami at kung pupunta sila o hindi, sila na ang bahala.

Itinaboy ko na lamang si Shana na nagyayayang sumayaw. Hindi ako makaalis dahil binabantayan ko si Annicka at Incess. Si Incess kasi tahimik lamang at patuloy na umiinom. Hindi ko nga alam kung saan nakuha nang isang ito ang tibay. Sa sobrang lakas noong inumin namin hindi pa din tumba at higit sa lahat tuloy tuloy pa din.

"Incess tama na iyan." Sabi ko na lamang at kukunin ko sana iyong hawak niya, subalit bigla niya akong sinamaan ng tingin. Sa sandaling iyon napalunok at nagtaasan ang balahibo ko sa braso.

Nakakatakot. Matagal na kaming takot sa kaniya pero mas kumabog yata ang dibdib ko ngayon. Sobrang nagsusumigaw ang awtoridad sa kaniyang awra ngayon. Siguro kaya walang mga lalaking lumalapit sa lugar namin ay dahil sa kaniya, talagang kakabahan ka kasi, para kasing may masamang hangin sa paligid.

Noong una hindi ko ganoong ramdam iyon. Medyo may tama na din kasi ako, pakiramdam ko nga namumula na ako ngayon dahil sobrang init ng pakiramdam ko. Napa-iwas na lamang ako ng tingin at hindi nagpatuloy nanaman siya sa pag-inom.

Ilang sandali pa biglang umupo si Annicka mula sa pagkakahiga. "Oy, Lian." Lasing nga talaga ang isang ito, parang nakikipaglokohan sa akin. Agad siyang yumakap sa braso ko at saka nagsalita. "Lian, ang saya saya saya ko." Magsisimula nanaman si Annicka. I face palmed mentally.

"Alam mo bang sobrang pinangarap ko ito?" Nagsimula nanaman siyang ngumawa. Pang-ilan na nga ba ito? Hindi ko na mabilang. Noong una antig na antig pa ako sa sinasabi niya, pero ngayon naririndi na ako.

"Huhuhu. Ang makapagsaya kasama kayo, na walang inaalala. Ang bumalik iyong cold pero sweet na si Incess, ang maging payapa nang muli ang lahat. Sobrang saya ko talaga." And she goes on and on about the sufferings and how we overcame all of it. Umiiyak pa si Annicka. Palahaw na.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now