3

3.6K 112 1
                                    

#TBMG2WhenISeeYouAgain

TATLO

Nasa kitchen area na ngayon sila Hayley at Kiel. Nakaupo sa kanang upuan si Hayley habang nakapalumbaba ang dalawang kamay nito na nakapatong ang magkabilang siko sa mesa. Nakangiting pinagmamasdan si Kiel na kasalukuyan namang kinakain ang inihanda nitong spaghetti para sa bata. Nakaupo naman ang bata sa kaliwang upuan na nasa tapat niya. Napaka-cute talaga para sa kanya ng batang ito. Pangarap kasi nito na magkaroon ng anak someday na kasing cute syempre ni Kiel.

Napahinto si Kiel sa pagkain at tiningnan si Hayley. Natawa naman ng bahagya si Hayley dahil puro dungis ng sauce ng spaghetti ang mukha nito. Pupunasan niya sana ng tissue ang mukha nito pero hindi na lamang niya tinuloy kasi hindi pa naman ito tapos kumain. Mamaya na lang kapag natapos ito.

"Ahm... Ms. Hayley..." pagtawag ni Kiel kay Hayley. Nagkakilala at nagkausap na rin sila kanina habang nagpreprepare siya ng spaghetti. Ewan ba ni Hayley kung bakit ganyan ang tawag sa kanya ni Kiel. Iniinsist nga niya kanina na Ate na lang ang itawag nito sa kanya pero mukhang hindi naman nakikinig at Ms. Hayley pa rin ang tawag sa kanya kaya pinabayaan na lamang niya. Natatawa nga siya kasi bata pa lang, napaka-pormal na kung magsalita at makipag-usap na rin.

"Uhmm..." sagot ni Hayley sa bata.

"Ah... Ms Hayley... You know my mommy right?" tanong nito.

Nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Hayley dahil sa pagtataka.

"Ahm... No, Why did you ask?" tanong ni Hayley. Nagtataka siya bakit bigla nitong na-brought up ang mommy nito.

Nalungkot ang mukha ni Kiel at napabuntong-hininga. "I thought you know her..." sabi ni Kiel sa malungkot na boses.

Bahagya ring nalungkot si Hayley. Nahawa sa pagiging malungkot ngayon ni Kiel.

"Oh Kiel... Don't be sad... And why did you ask me if I know your Mommy?" tanong ni Hayley sa bata.

"Ahm... Because I thought you know her and you see her..." sabi ni Kiel.

"Err.... Where is your Mommy anyway? Dapat kasama niyo siya ngayon dahil family day niyo di ba?" tanong ni Hayley.

Lalong nalungkot si Kiel. "Yes... It's our family day but mommy, isn't here... Daddy said to me that she's in heaven now and she's looking and guiding at me there... Daddy said also that she saw me everyday but why me? I didn't see her?" sabi nito at muling napabuntong-hininga. "Nakikita ko lang po lagi ay 'yung picture niya pero hindi ko pa rin siya nakikita in person since birth I think..." sabi pa ni Kiel. Napayuko ito. "I want to see my mommy... I want to hug her tightly like there's no tomorrow... Kahit na po hindi ko pa siya nakikita... In my heart, I felt that I miss her and I love her...." Sabi ni Kiel.

Bahagyang nagulat si Hayley sa mga narinig kay Kiel. 'Ibig sabihin... Wala na itong mommy? Ibig sabihin ay... patay na ang mommy niya?' tanong na sabi nito sa isipan. Hindi siya makapaniwala. Kaya pala napapansin niya sa batang ito na hindi lubos 'yung saya na makikita sa mga mata nito. Parang may kulang. 'Yun pala ay hindi kumpleto ang saya na nararamdaman nito. Natural lang talaga sa isang bata na maghanap ng isang ina na magmamahal sa kanya lalo na kung hindi pa niya ito nararamdaman. Oo nga at may daddy ito at sa palagay naman niya ay halos lahat naman ay ibinibigay nito at ibinubuhos ang buong atensyon at pagmamahal rito pero iba pa rin kasi ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina. Magkaiba kasi ang pagmamahal ng isang ina sa pagmamahal na meron ang isang ama para sa anak.

Hinawakan ni Hayley ang kaliwang kamay ni Kiel at pinisil ito ng bahagya. Ningitian niya ito.

"Don't worry Kiel... Kung nasaan man ngayon ang mommy mo... Hinihiling rin nun na magkita din kayo... Kung nasaan man siya, pinagmamasdan ka niya kahit saan ka magpunta at nagiging masaya siya kapag masaya ka kaya huwag kang malulungkot parati kasi malulungkot rin siya kapag nakita ka niyang malungkot rin... Ok?" sabi ni Hayley.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin