25

1.9K 67 3
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

DALAWAMPU'T-LIMA

"HOY!" sigaw na sabi ni Henry sa harapan ni Harold sabay palo pa nito ng kanang palad sa office desk nito. Nagulat naman sa ginawa niya si Harold kaya napatingin ito sa kanya with matching panlalaki pa ng mga mata. "Kanina pa ako nagsasalita 'yun pala para lang akong tanga dahil 'yung kausap ko... Hindi pala nakikinig at nakatulala..." naiinis pa na sabi ni Henry. Isinandal nito ang likurang bahagi ng katawan sa inuupuanng swivel chair habang nakatingin kay Harold na nakaupo naman sa kaliwang upuan na nasa harapan ng kanyang office desk. Nasa loob sila ngayon ng office ni Henry.

Napabuntong-hininga si Harold. "Pasensya ka na..." sabi ni Harold sa kaibigan.

"Ano o sino ba kasi 'yang dahilan ng kasing lalim ng balon mong pag-iisip?" tanong ni Henry.

Umiwas ng tingin si Harold kay Henry. Muli itong napabuntong-hininga.

"Wala..." sabi ni Harold.

"Wala? Sigurado ka?" tanong ni Henry.

Muling napatingin si Harold kay Henry. Napabuntong-hininga ito.

"Wala nga..."

"Sabihin mo na kung sino o ano 'yang iniisip mo..." sabi ni Henry. Hindi siya naniniwala na wala.

Muling napabuntong-hininga si Harold. Umiwas ng tingin kay Henry.

"Si-Si... Gun..." nauutal pa na sabi ni Harold.

Nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Henry sa narinig mula sa kaibigan.

"So... what's about your bestfriend? Bakit mo siya iniisip?" pagtatakang tanong ni Henry.

Muli na namang napabuntong-hininga si Harold. Tumingin na ito kay Henry.

"Ka-kasi... umamin na siya sa akin na... mahal niya ako..." sabi ni Harold na hindi na ikinagulat ni Henry. Matagal na kasi niyang alam na may nararamdaman si Gun para kay Harold.

"Ngayon mo lang nalaman?" bulong na tanong ni Henry.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Harold na hindi narinig ang sinabi ni Henry.

Napailing-iling si Henry at napangiti ng nag-aalangan kay Harold. "Ah... ang sabi ko... Talaga? Umamin na siya na mahal ka niya?..." sabi nito na kunwari ay nagulat sa narinig. "So anong sinagot mo?" tanong pa nito.

"Nung unang beses niya umamin na mahal niya ako... wala akong naging sagot... Gulat pa rin kasi ako nun sa sinabi niya... Pero kahapon... napaamin na ako sa tunay kong nararamdaman para sa kanya... umamin na ako na mahal ko na rin siya..." sabi ni Harold na ikinagulat ni Henry. 'Yun talaga ang nagpagulat sa kanya.

"Talaga? Umamin ka na sa kanya? Mahal mo na siya?" sunod-sunod na tanong ni Henry kay Harold with matching panlalaki ng mga mata. Napangiti ito. "Eh di magkakaroon ka na rin sa wakas ng bagong lovelife..."

"Henry..." sabi kaagad ni Harold na nagpatigil naman kay Henry. Napabuntong-hininga si Harold. "Oo... Umamin na ako sa kanya na mahal ko siya pero sinabi ko kaagad sa kanya na hindi pa rin iyon buo..."

"Dahil hanggang ngayon... Nandyan pa rin siya na naunang pumasok sa puso mo... Ganun ba?" tanong kaagad ni Henry. Napatango si Harold.

"Ewan ko ba Henry... Nung una... sigurado na ako sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog kay Gun... Si Gun kasi iyong tipo ng tao na hindi mahirap kahulugan at mahalin... Pero nung nalaman ko ang lahat mula kay Anton... Na wala naman pala siyang karelasyon at mahal pa rin niya ako... Nagbago ang lahat... Nagbago ang takbo ng tibok ng puso ko..." sabi ni Harold.

"Tsk!Tsk!Tsk! Mahirap nga 'yan..." sabi ni Henry na napapailing-iling pa. "Di ba sinabi ko na sayo na alisin mo na 'yung nauna diyan sa puso mo? So bakit hanggang ngayon nanatili pa rin siya diyan?" tanong pa nito.

"Henry... Hindi naman ganun kadali iyon... Hindi naman katulad taong nangungupahan ng bahay si Anton na kapag hindi nakapagbayad sa tamang oras... kaagad-agad mong mapapaalis... Marami kaming pinagsamahan ni Anton at hindi ganun kadaling alisin at kalimutan kaagad iyon... Lalo na ngayon na medyo madalas na naman kaming magkasama..." sabi ni Harold.

"Oo nga, nabalitaan ko nga at nalaman ko ang mga nangyari..." sabi ni Henry. "Pero Harold... Nasa kasalukuyan ka na at wala na sa nakaraan... Huwag ka ng bumalik doon... Pero nasasayo pa rin naman ang huling desisyon kung gusto mong bumalik sa nakaraan para maipagpatuloy niyong dalawa ni Anton sa kasalukuyan ang ugnayan ninyong dalawa o mas pipiliin mo ang kasalukuyan kung saan si Gun ang magiging kasama mo at bubuo ng mga bagong alaala..." sabi ni Henry at napabuntong-hininga.

"Henry... Nalilito na ako... ano bang dapat kong gawin?..."

"Sa tingin mo ba sa sarili mo... Handa ka ng umibig muli?" tanong ni Henry.

Tumango si Harold. Alam niya sa sarili niyang handa na siya.

"Sa tingin mo ba sa sarili mo... Handa ka na ring mamili sa dalawang taong nilalaman ng puso mo ngayon?" tanong muli ni Henry.

Hindi nakasagot si Harold. Napabuntong-hininga ito. Kahit siya, hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat gawin... Kung sino ang dapat piliin dahil hindi lang ang isipan niya ang nalilito ngayon, kundi pati na rin ang puso niya.

"Hay Harold! Mapapakanta pa yata ako sayo ng 'Sana... dalawa ang puso ko... hindi na sana...' "

"Henry..." sabi kaagad ni Harold.

"Ok! Ok! Seryoso na..." sabi ni Henry at napabuntong-hininga na muna. "Ito ang gawin mo... Pumunta ka ng supermarket... bumili ka ng timbangan pagkatapos... kunin mo 'yung puso mo sa loob ng katawan mo at timbangin mo ang mga bahagi na sakop nilang dalawa at doon, malalaman mo kung sino sa kanila ang mas mahal mo..."

"HENRY!" napasigaw na si Harold. "Puro ka naman kalokohan eh..."

"Kasi nga... Wala akong maipapayong maganda sayo ngayon dahil ikaw mismo ang makakalutas niyang problema mo... Ikaw ang makapagsasabi sa sarili mo kung anong dapat mong gawin... Ikaw lang ang makakaramdam kung sinong mas matimbang sa kanilang dalawa... Siguro nga, nalilito ka ngayon pero subukan mo kayang pakiramdaman ang puso mo... Subukan mong timbangin sila diyan ngayon... Tanungin mo rin ang sarili mo kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang nagpapasaya sayo ngayon? Sino nga ba sa kanilang dalawa ang nagiging dahilan ng ngiti mo sa araw-araw? Sino nga ba sa kanilang dalawa ang nagiging dahilan ng pagbilis ng takbo ng tibok ng puso mo... Kapag nasagot mo na lahat ng tanong na 'yan... sigurado ako na kung sino man siya... mahal mo na siya ng buo..." sabi ni Henry. Pamaya-maya, napangiti ito. "Ikaw kasi... Ang haba ng imaginary long hair mo at dalawa pa talagang gwapong lalaki ang nagmamahal sayo..." natatawa pang sabi ni Henry.

Umiwas na lamang ng tingin si Harold kay Henry. Tama nga naman ang kaibigan, siya ang makakasagot at makakalutas ng pagkalito niya ngayon.

Kanino nga ba niya dapat na ibigay ngayon ang puso niya? Sa nakaraan na ngayo'y bumabalik at sinasabing mahal pa rin siya? O sa kasalukuyang ngayon ay lumalaban at naninindigan sa pagmamahal nito para sa kanya?

- - - - - - - - - - - -

"Anong nangyayari?" natatarantang sabi ni Harold na nag-aalala at nagmamadaling pumasok sa hospital room ni Hayley. Nakita niyang umiiyak sa tabi ni Hayley si Anton na kaagad niyang nilapitan at pinakalma sa pamamagitan ng paghaplos sa likuran nito. Napansin rin niya na nagkukumahog sa mga ginagawa at nagmamadali sa pagtakbo palabas at papasok ang mga doctor na tumitingin at nag-aasikaso kay Hayley.

Napatingin si Anton kay Harold. Puno ng luha ang mga mata nito. Naawa naman sa kanya si Harold.

"Time of death... 11:06am..." napatingin silang dalawa kaaagad sa doctor na kanina pa nagsasalba sa buhay ni Hayley ng marinig nila ang sinabi nito. Bumuhos ang luha mula sa kanilang mga mata.

-KATAPUSAN NG KABANATA DALAWAMPU'T LIMA-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now