15

2.7K 85 1
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LABING-LIMA

Kaagad na inilapat ni Gun ang magkabilang palad sa office desk ni Henry, bahagyang yumuko para magpantay ang mukha nila. Tinitigan nito si Henry sa mga mata. Seryoso ang mukha nito. Talagang sinadya nitong pumunta sa office ni Henry para magtanong.

"Anong kaugnayan ni Anton sa buhay ni Harold?" seryosong tanong nito sa gulat na gulat na nakatingin sa kanyang si Henry. Nanlalaki pa ang mga mata nito. Nakaupo naman ito sa swivel chair nito.

Hindi kaagad nakapagsalita si Henry. Gulat na gulat talaga kasi siya at hindi inaasahan na pupunta sa opisina niya ang kaibigan ni Harold since high school. Isa pa sa nagpadagdag sa gulat niya ay ang tanong nito.

"Oy!" medyo pasigaw na sabi ni Gun dahilan para bumalik naman sa realidad si Henry.

"Huh?" parang tanga na tanong ni Henry.

Umayos ng tayo si Gun. "Ang sabi ko... Anong kaugnayan ni Anton sa buhay ni Harold?..." pag-uulit nito sa tanong kanina.

Nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Henry. Umayos ito sa pagkakaupo.

"Paano mo nakilala si Anton?" pagtatakang tanong nito.

Napahilamos ng magkabilang palad sa mukha si Gun at muling tumingin kay Henry.

"Can you please answer my question?" may pagkadesperadong sambit nito.

Napabuntong-hininga si Henry. "Gusto mo ba talagang malaman kung sino si Anton at anong naging kaugnayan niya sa buhay ni Harold?" tanong nito habang titig na titig kay Gun.

"Pupuntahan ba kita dito kung hindi ko gusto malaman ang sagot sa tanong ko huh?" may pagkamasungit na sabi nito.

Napabuntong-hininga si Henry. Umiwas ito ng tingin kay Gun.

"Si Anton...Ex-boyfriend ni Harold at ang kaisa-isang lalaking minamahal niya hanggang ngayon..." sabi ni Henry na ikinagulat ni Gun. Literal na nanlaki ang mga mata nito.

"A-Ano? Mahal ni Harold?" gulat at parang nanghihinang sabi ni Gun.

Muling tumingin si Henry kay Gun. Napatango ito.

Napabuntong-hininga si Gun. Umiwas siya ng tingin kay Henry. 'Huling-huli na ba talaga ako?' tanong nito sa isipan.

Namuo ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Pamaya-maya, nagsimulang magkwento si Henry. Lahat ng pangyayari sa naging ugnayan nila Harold at Anton. Matyaga namang nakinig sa kwento si Gun kahit na sa loob-loob niya, nasasaktan na siya.

Pagkatapos...

"Ngayon alam mo na... Hindi dapat sa akin nanggaling ito eh... Dapat si Harold ang tinanong mo at nagsabi sayo ng lahat pero nandito ka na lang rin lang at tinanong mo ako, ako na ang sumagot sa mga tanong mo..." sabi ni Henry sa natahimik na si Gun. Naupo ito sa kaliwang upuan na nasa tapat ng office desk ni Henry dahil parang nanghihina ang kanyang mga tuhod dahil sa narinig na kwento mula kay Henry. Hindi niya akalain na may ganung kwento pala ng pag-iibigan na nag-eexist sa mundo. 'Yung tipong pang telenovela ang dating. Maraming twist and turns.

Napabuntong-hininga si Henry bago tumingin muli kay Gun at nagsalita. "Umamin ka nga sa akin Gun... May gusto ka ba..."

"Hindi ko siya gusto... Hindi ko gusto si Harold... Mahal ko siya..." sabi kaagad ni Gun na nagpatigil sa pagsasalita ni Henry. "Since high school... Minahal ko na siya... Para siyang araw na bigla na lang nagbigay liwanag sa buhay ko... Para siyang araw na kung saan, sa kanya lang umiikot ang mundo ko." seryosong sabi ni Gun ng hindi nakatingin kay Henry.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now