5

3K 97 3
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LIMA

"Anak... May napili ka na ba na pet na aalagaan?" tanong ni Harold sa anak na si Kiel.

Napatingin si Kiel kay Harold. Umiling-iling ito at muling tumingin sa mga hayop na nakadisplay na nakakulong sa mga designated kulungan ng mga ito.

Nasa isang pet shop ngayon sila Harold at Kiel. Ito kasing si Kiel, nag-aya na bumili raw sila ng pet na aalagaan nito. Mahilig rin kasi ito sa mga pet lalo na ang pusa. Marami nga ring binebentang pusa rito kaso mukhang hindi yata gusto ng anak niya ang mga pusa na narito.

Naramdaman ni Harold na nag-vibrate ang cellphone niya na nakalagay sa bulsa kaya naalis ang tingin niya kay Kiel at kinuha ang cellphone sa bulsa. Tiningnan kung sino ang tumatawag. Ay mali pala, nag-text lang pala sa kanya. Binasa niya ang text. Si Henry, nagtext tungkol sa kumpanya.

"Ms. Hayley?"

Kaagad na napataas ng tingin si Harold ng marinig na may tinawag na pangalan si Kiel. Nagulat siya nang makita si Hayley na kausap na si Kiel habang nakayuko ito para pantayan ang tangkad ni Kiel.

"Oh Little boy... What are you doing here?" tanong nito sa kanyang anak. Nakangiti.

Ngumiti rin si Kiel kay Hayley. "Ito po, namimili kami ng pet..." sagot ni Kiel.

Nakatingin lamang si Harold sa kanyang anak at kay Hayley na patuloy na nag-uusap. Ewan ba niya kung anong mararamdaman niya ngayong nakita na naman niya ang babaeng pumalit sa kanya sa puso ni Anton. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng inggit rito.

Napatingin si Hayley kay Harold. "Hi..." sabi nito sabay ngiti.

Nag-aalangan namang ngumiti si Harold kay Hayley. Hindi nga niya alam kung ngingitian niya ba ito or hindi.

Muling bumalik ang tingin ni Hayley kay Kiel at muling kinausap ito. Talagang natutuwa siya sa batang ito. Bukod sa cute na, napakatalino pa. Palibhasa, may pinagmanahan.

= = = = = == = = = = =

"Kiel... Huwag kayong masyadong lalayo ni Patoot ok..." sabi ni Harold kay Kiel na nasa hindi kalayuan ng inuupuan niyang swing. Nasa playground sila ngayon. Kalaro ni Kiel 'yung nabili nilang pusa sa pet shop. White na white ang kulay at malago ang balahibo. Oo, patoot ang pinangalan nila sa pusa dahil 'yun ang gusto ni Kiel. Sa una nga, natawa sila ni Hayley ng marinig ang gusto nitong ipangalan sa pusa.

"Anton told me good things about you..."

Kaagad na napalingon si Harold sa katabing swing na inuupuan naman ni Hayley ng marinig niya ang sinabi nito. Oo, sumama siya sa kanila. Actually, ito nga ang nag-aya sa kanila na pumunta rito.

Napangiti ng tipid si Harold. "Good Things?" medyo natatawang sabi nito. 'Baka bad things...' sabi nito sa isipan na gusto sana niyang idugtong sa sinabi niya kay Hayley kanina pero hindi na lamang niya ginawa.

"And you know what? Habang ikinekwento niya ang lahat ng tungkol sayo at lahat ng nangyari sa inyong dalawa... I feel na Anton loved you so much..." sabi pa nito.

Napaiwas ng tingin si Harold kay Hayley. Nasaktan siya sa sinabi nitong 'Loved you so much...'. Ibig sabihin, dati siyang minamahal ni Anton pero ngayon, iba na at ang babaeng katabi niya ngayon ay ang kasalukuyan nitong mahal.

Namuo ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Nakatingin na lamang sila ngayon kay Kiel na naglalaro na sa damuhan kasama pa rin ang bago nitong alagang pusa.

"Wala na palang Mommy si Kiel..." narinig ni Harold na sabi ni Hayley kaya kaagad siyang napatingin dito. Nangunot ang kanyang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay niya dahil sa pagtataka.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now