34

1.6K 68 2
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

TATLUMPU'T-APAT

Nasa loob ngayon ng conference room si Harold kasama ang iba pang mga importanteng tao sa kumpanya at mga shareholders. Nakaupo sa pinakadulong bahagi ng mahabang mesa kasama ang mga taong nabanggit habang nakikinig kay Henry na nakatayo sa harapan at nagpapaliwanag. Inilalahad nito ang kalagayan at estado ng kumpanya at napapangiti siya dahil maganda ang mga sinasabi nito na pawang katotohanan lamang. Habang tumatagal kasi, mas lalong nagiging matatag ang kumpanya.

Kaagad na napatingin si Harold sa kaliwang bahagi ng mesa ng maramdamang may nakatingin sa kanya. Tama nga siya, isang lalaki ngayon ang nakangiti at nakatingin sa kanya na nakaupo sa hindi naman kalayuan sa inuupuan niya. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito at hindi rin niya ito kilala. Ngayon lamang niya ito nakita.

'Sino kaya ito? Bakit siya nakatingin sa akin?' tanong ni Harold sa kanyang isipan. Nagtataka.

Gwapo naman ang lalaking nakatingin at nakangiti sa kanya. Chinito ang mga mata nito na binagayan pa ng suot nitong eye glasses. Matangos ang ilong. Medyo manipis ang labi nitong natural na mamula-mula. May pagkamoreno ang kulay ng balat. Maikli ang gupit ng buhok nito na kulay itim at nakatayo ang pagkakaayos. Maganda ang hulma ng mukha at makinis. Maganda ang built ng katawan na hubog sa suot nitong suite and tie. Maputi at pantay-pantay ang ngipin nito na siyang nagpaganda sa ngiti nito lalo na't lumalabas rin ang magkabilang biloy nito sa magkabilang pisngi. Sa tingin niya, mga kasing edad niya ito at sa tingin rin niya ay matangkad ng konti ang lalaking ito sa kanya.

Napaiwas ng tingin si Harold sa lalaki. Nagtataka siya kung bakit nakangiti ito sa kanya gayong alam naman niya at marahil alam rin nito na hindi sila nito magkakilala.

'Isa ba siya sa mga shareholders? Bakit ngayon ko lang siya nakita?' tanong pa ni Harold na puno ng pagtataka sa isipan.

Pilit na i-finocus ni Harold ang sarili sa pakikinig kay Henry. Magkagayunman, ramdam pa rin niya ang tingin sa kanya ng lalaki. Pinipilit niya ang kanyang sarili na hindi tumingin dito dahil wala namang dahilan para tingnan niya ito. Nakakapagtaka lamang sa kanya kung bakit ba nakatingin sa kanya ang lalaking iyon.

- - -- -- - - -- - - - - -

"Congrats..." sabi ni Harold kay Henry. Natapos na ang shareholders meeting.

Napangiting tumingin si Henry sa kaibigan.

"Salamat... Hay! Sa wakas at natapos na rin ito at ang kabang nararamdaman ko... Hindi rin biro ang tumayo at magpaliwanag sa harap ng mga shareholders at mga tao huh..." sabi ni Henry.

Napangiti rin si Harold. "Mabuti nga at nagawa mo eh... at dahil diyan... Kailangan nating i-celebrate ang success mo... Punta tayo diyan sa restaurant sa malapit... sagot ko..." sabi ni Harold.

Lalong napangiti si Henry. "Sure..." sabi nito.

"So... Let's go?" tanong ni Harold. Tumango si Henry.

Palabas na sana sila ng conference room ng biglang humarang sa daraanan nila ang lalaking kanina pa nakatingin kay Harold. Nagulat talaga ang dalawa lalo na si Harold.

Nakangiting nakatingin ang lalaki sa dalawa. Lalo na kay Harold.

"Congratulations for the job well done..." sabi ng lalaki kay Henry.

Napangiti si Henry sa lalaki. "Thanks Mr. Garcia..." pagpapasalamat ni Henry sa lalaki. Kilala niya ito bilang isa sa mga shareholders sa kumpanya.

Magkasalubong ang kilay at nakakunot ang noo na napatingin si Harold kay Henry. "Kilala mo siya?" tanong nito. Napatingin rin sa kanya si Henry.

"Oo naman... Siya si Mr. Garcia, isa sa mga shareholders natin dito sa kumpanya? Bakit? Hindi mo siya kilala?" tanong ni Henry. Napatango naman si Harold at muling tumingin sa lalaking nakatingin na ngayon sa kanya.

"Ah... Kaya siguro hindi mo siya kilala kasi ngayon mo lang siya nakita na umattend sa mga ganitong meeting sa kumpanya... The last time kasi na umattend siya... Wala ka nun... Remember? Nasa Davao ka..." sabi ni Henry na nagpatango naman sa lalaki.

"Yeah... He's right... Medyo busy rin kasi ako with my other company kaya laging 'yung secretary ko na lamang ang inuutusan kong umattend sa mga meetings dito sa kumpanya mo..." sagot nito. Maganda ang timbre ng boses nito. Malamig at buo.

Napatango na lamang si Harold sa sinabi ng lalaki.

"I guess... You're the owner of this company... Harold Angelo Rodriguez right?" tanong ng lalaki. Napatango na lamang si Harold.

Napangiti ang lalaki kay Harold. "I'm glad that finally we meet.... By the way... I'm Charlhone Ace Garcia... Chace for short..." pagpapakilala ng lalaki sa kanyang sarili kay Harold sabay lahad ng kamay nito.

Napatingin naman si Harold sa nakalahad na kamay ni Charlone Ace or Chace. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng kaba sa mga tingin nito sa kanya.

Kabastusan naman kung hindi niya tatanggapin ang pakikipagkamay nito kaya tinanggap niya ito kahit na siya'y may pag-aalinlangan na nararamdaman. Bibitawan na sana niya kaagad ang kamay nito ng biglang humigpit ang paghawak nito at bahagya pang pinisil ang kanyang kanang kamay na pinangkamay niya dito. Napatingin siya kay Chace na nakangiti pa ring nakatingin sa kanya.

Pamaya-maya ay binitawan na rin ni Chace ang kamay ni Harold. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi. Nagtataka naman si Henry sa kakaibang ikinikilos ngayon ni Mr. Garcia.

Napatingin si Chace kay Henry. "Again... Congratulations... By the way, I have to go... May meeting rin kasi akong kailangang puntahan ngayon..." sabi ni Chace, muli itong napatingin kay Harold. "Nice meeting you again, Harold... See you when I see you..." sabi nito sabay bigay ng pamatay na ngiti bago tumalikod mula sa kanila at naglakad na palayo at palabas ng conference room.

"What was that?" may halong pagtataka na sabi ni Henry habang nakasunod ang tingin kay Mr. Garcia. Pamaya-maya, napatingin ito kay Harold. "Anong sa tingin mo?" tanong ni Henry.

Nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold na napatingin kay Henry.

"Anong ano sa tingin ko?" pagtatakang tanong ni Harold.

"Sa tingin mo... May gusto sayo ang lalaking iyon?" tanong ni Henry. Ewan ba niya kung bakit niya iyon naisip. 'Yun kasi ang nakita niya sa mga kilos ni Chace towards kay Harold.

"Ano ka ba naman... Kung ano-anong iniisip mo..." sabi ni Harold sabay iwas ng tingin. "Malay mo... approachable lang talaga siyang tao... Ganun..." sabi pa nito. Hindi niya iniisip na may gusto sa kanya ang lalaking iyon dahil in the first place, ngayon lang sila nagkita ng lalaking iyon. Marahil ay talagang approachable lang talaga ang lalaki.

Napatango na lamang si Henry sa sinabi ng kaibigan.

"Halika na nga... Kung ano-anong iniisip mo diyan..." sabi ni Harold sa kaibigan.

-KATAPUSAN NG KABANATA TATLUMPU'T APAT-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now