49

1.5K 63 1
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

APATNAPU'T-SIYAM

Papasok na ng mansion si Gun para sunduin si Harold at Kiel. Gusto niya kasi na ihatid rin si Kiel sa school kaya sasabay na siya sa mga ito.

Pagkapasok ni Gun sa mansion ay napahinto siya sa paglalakad patuloy sa loob ng makita niyang papasalubong si Chace na nakasuot na ng coat and tie at papasok na rin yata sa opisina nito. Napahinto rin ito sa paglalakad at tiningnan siya ng nang-uuyam. Sumilay sa labi nito ang isang mapang-asar na ngiti.

"Ganyan ka ba talaga? Basta ka na lang pumapasok sa bahay ng may bahay?" sarcastic na tanong ni Chace kay Gun.

Iniwas na lamang ni Gun ang tingin dito at hindi ito pinansin, nagpatuloy sa paglalakad at lalagpasan na sana niya si Chace ng mapahinto siya muli sa paglalakad ng hawakan siya nito bigla ng mahigpit sa kanang braso niya. Napatingin siya muli dito.

"Kinakausap kita kaya huwag kang bastos..." matigas na sabi ni Chace.

"Ano bang problema mo huh? Hindi naman ikaw ang pinuntahan ko dito..." maangas na sabi ni Gun.

Biglang binitawan ni Chace ang hawak niyang braso ni Gun at hinarap ito.

"Ikaw... Ikaw ang problema ko dahil mukhang hindi ka yata naturuan ng mga magulang mo sa tamang kilos kapag pupunta ka ng ibang bahay..." maangas rin na sabi ni Chace.

"Eh ano bang pakielam mo..."

"May pakiealam ako dahil bahay ko rin ito..." sabi ni Chace. Pamaya-maya, napangiting nakakaloko ito. "Mukhang nakalimutan mo na yata kung ano ako sa bahay na ito ngayon noh? Napakadali mo talagang makalimot kahit kailan..." sabi pa nito.

"Hindi ko nakakalimutan kung ano ka rito... But sad to say... wala akong pakielam kung ano ka pa dito dahil hindi naman..."

"Wala kang pakielam?..." sarcastic na tanong kaagad nito. "Tsk! Tsk! Tsk!" sabi pa nito na napapailing. "Kung ngayon wala kang pakielam... ngayon...sisiguraduhin kong magkakaroon na..." makahulugang sabi pa nito.

Hindi nakapagsalita si Gun. Nanatili lamang itong nakatingin kay Chace.

Napangiti ng pang-asar si Chace habang diretso pa rin ang tingin kay Gun.

"Hay! Mukhang sa akin talaga umaayon ang lahat noh Gun? Biruin mo... Hindi na ako mahihirapan sa mga gusto kong gawin sayo..." sabi nito.

"So itutuloy mo pa rin ba ang paghihiganti sa akin? Itutuloy mo pa rin ba ang pananakit kay Harold kahit na nalaman mong kapatid mo siya?" tanong nito na bahagyang nakakaramdam na ng kaba.

"Oo naman... Itutuloy ko pa rin kung..." paunang sabi ni Chace. Lumapit ito ng todo kay Gun, inilapit ang bibig sa kanang tenga ni Gun para bumulong.

"Kung gagawa ka ng mga bagay na ikakagalit ko... Hindi ako magdadalawang-isip na saktan si Harold kahit kapatid ko pa siya..." bulong na sabi nito sabay layo na kay Gun. Nakangiting demonyo ito.

Hindi nakapagsalita si Gun.

"Kaya ikaw... Mag-ingat ka parati sa mga kilos mo para walang mangyaring masama sa pinakamamahal mo... Dahil oras na may mangyari sa kanya... ikaw ang may kasalanan at hindi ako..." sabi ni Chace.

"Anong nangyayari dito?"

Napatingin sila Gun at Chace kay Harold na kabababa pa lamang ng hagdanan kasama si Kiel na hawak-hawak nito sa kamay. Magkasalubong ang kilay at nakakunot ang noo dahil sa pagtataka. Naabutan niya kasing mukhang may pinag-uusapan ang dalawa.

"Ah wala..." kinakabahan ng konti na sabi ni Gun.

Napangiti naman si Chace. "Oo nga... Wala naman... Pero kung hindi ka naniniwala sa sagot ko, tanungin mo na lang si Gun... sigurado akong masasagot ka niya..." sabi ni Chace sabay tingin ng matalim kay Gun. Muli rin nitong ibinalik ang tingin kay Harold. Napatingin rin ito kay Kiel.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now