53

1.7K 68 3
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LIMAMPU'T-TATLO

Naalimpungatan at nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog si Harold ng marinig niya ang malakas na tunong ng ringing tone ng kanyang cellphone. Nakalimutan niyang i-set muli ito sa vibration mode kaya inis siyang kinapa at kinuha ang cellphone mula sa pagkakapatong sa side table. Idinilat niya ang kanyang mga naniningkit pa na mga mata saka napatingin muna ito sa alarm clock na naroon rin at tiningnan ang oras. It's 12:17am. Napahikab siya dahil nakakaramdam pa siya ng antok.

Tiningnan ni Harold sa screen ng cellphone niya kung sino ang poncio pilatong tumatawag sa kanya sa dis oras ng gabi. Nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo niya ng makitang si Gun ang tumatawag. Maghapon itong hindi nagpakita sa kanya tapos ngayon, tatawag ito kung kailan natutulog na siya. Nakaramdam na naman tuloy siya ng inis. Kinusot muna niya ang kanyang mga mata para maging malinaw ang kanyang paningin saka sinagot na niya ang tawag ng may inis sa mukha.

"Hello..." sagot ni Harold. Ang boses ay halatang bagong gising ito pero may halong inis.

"Ahm... Pasensya na po sa istorbo pero kayo ho ba si Mr. Harold?" malumanay ang boses na tanong ng nasa kabilang linya. Nagising ang diwa niya at lalong nagtaka ang ekspresyon ng mukha ni Harold ng marinig na hindi boses ni Gun ang tumatawag kundi ibang boses ng lalaki.

"Ah... Oo ako nga... Teka, Sino ka? Bakit mo hawak ang cellphone ng kaibigan ko?" tanong ni Harold. Nakaramdam siya ng konting inis sa nalamang may ibang may hawak ng cellphone ni Gun at lalaki pa.

"Ahm... Sir... Ako po si Daniel... Isa sa mga waiter po dito sa pinuntahang bar ng kaibigan ninyo... Napatawag lang po ako kasi para ipaalam sa inyo na lasing na lasing po iyong kaibigan niyo at halos hindi na makatayo... Papasara na po kasi kami eh hindi naman namin alam kung saan po siya ihahatid... Eh kinuha ko po muna sa kanya ang cellphone niya saka naghanap ng kaibigan niyang matatawagan ko eh saktong number niyo po iyong una sa contact list niya kaya po kayo na ang tinawagan ko at nagbabakasakaling pwedeng sumundo sa kanya..." mahabang sabi ng waiter na nangngangalang Daniel.

"Ganun ba..." sabi ni Harold. 'Bakit naman iyon naglasing?' tanong nito sa isipan. Napabuntong-hininga siya.

"Sige... Hintayin niyo na lang ako at susunduin ko siya..." sabi ni Harold. "Teka... Saan bang bar 'yan?" tanong pa ni Harold.

Sinabi sa kanya nang tumawag kung ano ang pangalan ng bar na pinuntahan ni Gun at saan ito matatagpuan. Pagkatapos ay ibinaba na kaagad ni Harold ang tawag. Nag-inat-inat ng konti sa ibabaw ng kama bago bumangon dito at umalis para makapag-ayos ng sarili at makapunta na sa sinasabing kinaroroonan ngayon ni Gun.

-- - - - - - - - - - - - - - -

Inihinto at ipinarada ng maayos ni Harold ang kotse sa tapat ng bar na sinabi sa kanya. Pagkatapos ay kaagad siyang bumaba rito.

Napatingin siya sa labas ng bar na pawang mga promintente at may sinabing tao ang pumupunta dahil na rin sa elegante nitong kaanyuan. Patay na ang mga ilaw ng signage nito batayan para masabi mong sarado na nga sila.

"Ang aga naman magsara ng bar na ito..." sabi ni Harold sa sarili. Napatingin siya sa suot niyang wrist watch. "1:30am pa lang ah..." sabi pa nito.

Pero hindi na lamang niya iyon inintindi. Ano bang pakielam niya kung maagang magsarado ito.

Dali-dali na lamang siyang pumunta sa entrance ng bar at pumasok.

Pagkapasok niya ay naabutan niyang nag-aayos na ang mga waiter sa loob ng mga mesa at upuan. Patay na ang karamihan sa mga ilaw na nasa loob kaya medyo may kadiliman na ang lugar. Mga ilaw na lamang na nasa gilid na bahagi ng bar ang bukas.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now