26

1.8K 70 1
                                    

#TGMG2_WhenISeeYouAgain

DALAWAMPU'T-ANIM

********* MEMORIAL CHAPEL...

"Anton... Kumain ka muna oh... Ilang araw ka na rin kasing hindi nakakakain ng maayos..." may himig pag-aalala na sabi ni Harold na nakatayo sa harapan at nakatingin sa nakaupong si Anton. May dala itong tray na naglalaman ng isang tasa ng kape, isang platito ng biscuit at isang mangkok ng mainit na sopas.

"Hindi ako nagugutom..." wala sa sariling sabi ni Anton na nanatili pa ring nakatitig sa puting kabaong na nasa harapan. Nakaupo naman ito sa pinakaharapang upuan na malapit sa kinalalagakan ng kabaong. Kitang-kita sa mukha nito ang pagod at lungkot na bumabalot rito simula nung mawala si Hayley. Tunay ngang napakasakit sa isang tao na magburol at maglibing ng isang taong sobrang malapit sa puso mo.

Napabuntong-hininga na lamang si Harold. Kahit papaano'y nag-aalala pa rin siya para kay Anton. Ilang araw na itong pagod at puyat dagdagan pa na hindi ito masyadong nakakakain ng maayos dahil na rin sa sunod-sunod na nangyari nung mga nakaraang araw. Baka mamaya, ito naman ang magkasakit.

Ipinatong na muna ni Harold ang tray sa ibabaw ng mahabang upuan na inuupuan rin ni Anton. Pagkatapos ay naupo naman siya sa tabi ni Anton. Napatitig din ito sa kabaong na nasa harapan.

"Alam kong mahirap para sayo ang mga nangyari pero kailangan mong tanggapin ang lahat at magpakatatag para sa sarili mo... Kailangan mong ituloy ang buhay mo kahit na nawala na siya..." sabi ni Harold na nanatili pa ring nakatingin sa kabaong na nasa harapan.

Narinig ni Anton ang sinabi ni Harold. Napabuntong-hininga ito. Pamaya-maya... Napatingin ito kay Harold.

Napatingin rin si Harold kay Anton na ngayon ay nakatitig na sa kanya. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Kitang-kita ni Harold ang lungkot sa mga mata ni Anton. Gustuhin man niya na kahit papaano'y mawala ang kalungkutang dinadala nito, hindi naman niya alam kung paano ang gagawin.

Nagulat na lamang si Harold ng pumikit si Anton at biglang inilapit nito ang mukha sa kanya. Pagkatapos, naramdaman na lamang niya na dumampi ang labi nito sa kanyang noo. Matagal na pagdampi. Hindi man lang nito naisip na maraming tao ngayon sa huling lamay na pwedeng makakita sa kanyang ginawa. Pero wala itong pakielam.

Pamaya-maya ay humiwalay na rin si Anton sa kanya. Muling tumitig si Anton sa mga mata ni Harold at isang tipid na ngiti ang lumitaw sa labi nito.

"Salamat..." taos pusong sabi ni Anton. Malaki ang pasasalamat niya kay Harold dahil sa lahat ng ginawa nito. Talagang tinulungan siya nitong gawin ang lahat ng dapat gawin kahit na mahirap para sa kanyang gawin ang lahat ng iyon ngayon. Ito ang naging sandigan at sandalan niya sa panahong ito na puno ng kalungkutan at pighati. Kasama niya sa pinakamalungkot na yugto ng kanyang buhay. Malaki ang pasasalamat niya kay Harold na narito ito para sa kanya.

Napangiti na lamang rin ng tipid si Harold. Hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat pang sabihin.

Napaiwas naman kaagad si Gun ng tingin sa dalawa. Nasa hindi kalayuan ang pwesto nito. Masakit para sa kanya na makita na mahal pa rin ng taong mahal niya ang dati nitong kasintahan pero anong magagawa niya? Ginusto niya ito. Kahit na alam niyang may nauna ng pumasok sa puso ni Harold, ipinagpatuloy niya pa rin ang lahat para makuha ang puso ng taong minamahal kaya dapat tanggapin na rin niya ang sakit.

"Lola... I want to go home..." napatingin si Gun sa maglolang sila Madam Esmeralda at sa buhat-buhat nitong si Kiel. Nandito rin sila ngayon para makiramay.

"But apo..."

"Please! Please! Please!" sabi kaagad ni Kiel na kakikitaan na ng antok.

Napatingin si Madam Esmeralda kay Gun na katabi lang nito.

"Gun... Sabihin mo kay Harold, kailangan na nating umuwi..." sabi ni Madam Esmeralda kay Gun.

Napatango na lamang si Gun. Napatingin rin ito kay Kiel at ningitian niya ito ng tipid bago naglakad papunta sa kinapwepwestuhan nila Anton at Harold.

"E-Excuse me..." sabi ni Gun ng nasa harapan na siya ng dalawa. Napatingin naman ang dalawa sa kanya.

"Pwede bang mahiram muna si Harold..." sabi ni Gun na nakatingin ngayon kay Anton. Napatango na lamang si Anton at bumalik ang tingin sa harapan. Tiningnan rin ni Gun si Harold na nakatingin pa rin sa kanya. Tumango ito at sumenyas na sumunod sa kanya bago naglakad paalis sa harapan ng dalawa.

"Sandali lang ako..." sabi ni Harold kay Anton at tinapik niya pa ito sa balikat. Tumango lang si Anton ng hindi nakatingin sa kanya.

Tumayo si Harold mula sa kinauupuan at sinundan si Gun.

"Bakit?" tanong ni Harold kay Gun. Magkatapat na sila ngayong nakatayo sa isang medyo tagong lugar.

"Kailangan na nating umuwi... Inaantok na si Kiel..." sabi ni Gun habang titig na titig kay Harold.

"Ah..." napatango-tango si Harold. "Mauna na kayo nila Mom... Kailangan pa kasi ako dito..." sabi ni Harold.

Napatango-tango si Gun at napabuntong-hininga. "Sige... pero umuwi ka rin kaagad huh..." sabi ni Gun. Tumango si Harold.

Nagulat na lamang si Harold ng biglang lumapit sa kanya ng todo si Gun at inilapit nito ang mukha sa mukha niya para halikan siya sa labi. Smack lang iyon. Kaagad rin itong lumayo sa kanya.

"Ingatan mo ang sarili mo... Huwag kang magpapakapagod..." sabi ni Gun at kaagad na naglakad na paalis sa harapan ng tulalang si Harold.

Bumalik sa sarili si Harold at napatingin sa malayo ng naglalakad na si Gun. Likod na lang nito ang kanyang nakikita. Napahawak ang hintuturong daliri niya sa kanyang labi. Napangiti siya.

Ang hindi alam ni Harold ay nakita sila ni Anton. Sinundan kasi sila nito. Nakaramdam ito ng sakit sa nakita pero mas nangingibabaw sa ngayon ang sakit na nararamdaman nito dahil sa pagkawala ni Hayley sa buhay niya. Napabuntong-hininga na lamang ito at muling bumalik sa pinag-iwanan sa kanya ni Harold.

-KATAPUSAN NG KABANATA DALAWAMPU'T-ANIM-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now