51

1.8K 72 5
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LIMAMPU'T-ISA

"Oh..." sabi ni Gun kay Harold sabay abot ng isang cup ng kape. Tig-isa sila ng cup ng kape. Nasa rooftop sila ngayon ng kumpanya ni Harold at kababalik nga lamang ni Gun dito pagkatapos kumuha ng kape sa baba.

Napatingin si Harold kay Gun. Tipid na ngumiti ito sabay abot ng kape na ibinibigay nito. Pagkatapos ay humigop ito ng konti sa kape at muli na namang ibinalik ang tingin sa maaliwalas na kalangitan.

"Kanina ko pa napapansin na parang tahimik ka at malalim ang iniisip..." sabi ni Gun. Tumabi ito sa pagtayo ni Harold. "Iniisip mo ba ako?" tanong pa nito sabay ngiting nakakaloko.

Napatingin muli si Harold kay Gun. Tipid na napangiti ito. "Oo..." sagot nito.

Lalong napangiti si Gun. "Talaga? Hanep naman... Kinikilig ako..." pabirong sabi nito sabay action na parang kinikilig.

Napaiwas ng tingin si Harold kay Gun. Napabuntong-hininga ito.

"Iniisip ko kasi kung gaano nga ba kita kakilala..." sabi ni Harold na nagpawala naman sa ngiti ni Gun nang marinig ang sinabi ni Harold. Napalitan ng pagtataka ang expression sa mukha nito.

"I-iniisip mo kung gaano mo ako kakilala? Bakit naman?" pagtatakang tanong ni Gun. Magkasalubong ang magkabilang kilay at nakakunot ang noo nito.

Muling napatingin si Harold kay Gun. Napakibit-balikat ito.

"Ewan ko ba pero napapaisip kasi ako sa mga sinabi sa akin ni Chace kahapon..."

"Sinabi sayo ni Chace? Anong mga sinabi niya?" tanong kaagad ni Gun. Nagsimula siyang kabahan. "Ibig sabihin... Pinag-usapan niyo ako?" tanong pa nito.

"Oo... Bigla ka na lang kasi niya nabanggit sa akin... Pakiramdam ko nga... Parang kilalang-kilala ka niya..." sabi ni Harold. "At may sinabi siya sa akin na hanggang ngayon, pinagtatakahan ko pa rin lalo na 'yung part na kung kilala nga ba talaga kita ng lubusan..." sabi pa nito.

Natahimik si Gun. Napatingin na ito sa maaliwalas na kalangitan.

Napatingin naman sa kanya si Harold.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin huh Gun?" tanong ni Harold na nagpatingin naman kay Gun sa kanya.

Napailing si Gun. "Wala... Lahat naman sinasabi..."

"Huwag kang magsinungaling sa akin... Alam kong meron... Kahit hindi ka magsalita... ramdam kong meron..." sabi kaagad ni Harold na nagpatigil naman sa pagsasalita kay Gun.

Napaiwas muli ng tingin si Gun kay Harold. Napabuntong-hininga ito. Siguro, ito na ang tamang oras para sabihin kay Harold ang lahat at kung ano nga ba ang kaugnayan nila ni Chace sa isa't-isa.

Humigop muna ng kape si Gun bago magsalita.

"Si Sari... isa sa mga babaeng niloko ko at nasali sa laro ko... Nakilala ko siya nung mga panahong kababalik ko pa lamang ng Pilipinas at hindi pa tayo nagkikitang muli..." paunang sabi ni Gun na ikinataka naman ni Harold. Magsasalita na nga sana ito ng magsalita muli si Gun.

"Mahal na mahal ako ng babaeng iyon kahit na alam naman niya sa una pa lang na hindi kapareho ng nararamdaman niya para sa akin ang nararamdaman ko para sa kanya... Ang tingin niya sa akin... isang prinsipe na siyang magbibigay sa kanya ng happy ever after niya pero ang tingin ko naman sa kanya... para siyang isang sex toy na pwede kong gamitin sa tuwing malili*bug*n ako..." sabi pa ni Gun.

Mataman namang nakatingin at nakikinig si Harold kay Gun.

Napabuntong-hininga si Gun bago magpatuloy sa sinasabi.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon