23

1.8K 69 0
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

KABANATA DALAWAMPU'T-TATLO

"Kumusta na siya?" tanong ni Harold kay Anton. Nakatayo ito sa tabi ng hinihigaang kama ng hanggang ngayon ay wala pa ring malay na si Hayley habang nakaupo naman sa upuan na nasa tabi rin ng kama si Anton.

Napatingala at napatingin si Anton kay Harold. May lungkot na makikita sa mga mata nito.

"Ito... Hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay..." sagot ni Anton sa tanong ni Harold. Muli itong tumingin sa kapatid.

Nakatayo naman at nakasandal ang likuran sa pader si Gun na nasa tabi ng pintuan. Nakatingin ito sa kanilang dalawa.

Napabuntong-hininga si Harold. Tiningnan nito si Hayley. Nilipat na ito sa isang private room dito sa ospital at under observation pa rin ito dahil nasa state of coma pa rin ito after ng ginawang operation. May benda ang ulo nito at maraming kung ano-anong tubo ang nakakabit sa saan mang parte ng katawan nito. Para itong lantang gulay at talagang kaawa-awa kung ito'y iyong titingnan. Malayo ang itsura nito ngayon sa dati nitong itsura na nagtataglay ng pambihirang kagandahan.

"Gigising rin siya... Huwag kang mag-alala... May awa ang Diyos..." pampagaan ng loob na sabi ni Harold kay Anton.

"Sana nga..." malungkot na sabi ni Anton.

Namayani ang katahimikan sa buong kwarto.

"Oo nga pala... Kumain ka na ba?" tanong ni Harold kay Anton. Naputol ang nakakabinging katahimikan. "May dala kaming pagkain baka gusto mo munang kumain..." sabi nito. Tinutukoy nito ay ang pagkain na nabili nila sa isang fast food chain na nasa labas lamang ng ospital. Ipinatong niya iyon sa may mesa kanina ng pumasok sila dito sa loob.

Napatingin muli si Anton kay Harold. "Wala akong ganang kumain pero salamat..." sabi nito at muling tiningnan ang kapatid.

"Pero kailangan mong kumain... Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit diyan..." may pag-aalalang sabi ni Harold.

Muling napatingala at napatingin si Anton kay Harold. Nagulat na lamang ang huli at pati na rin si Gun dahil biglang hinawakan ni Anton ang kanang kamay ni Harold at bahagyang pinisil iyon. Napangiti ito ng tipid.

"Salamat..." sabi nito.

Umiwas ng tingin si Gun sa dalawa. Aminado siya na kahit na nasa ganitong sitwasyon sila ngayon, nakakaramdam pa rin siya ng selos at sakit. Alam naman niya na nag-aalala si Harold sa kalagayan ngayon ng magkapatid at nandito sila ngayon para dumamay bilang isang kaibigan pero hindi pa rin niya maiwasang hindi maisip na kaya ganito ngayon si Harold at nag-aalala kay Hayley at lalo na kay Anton ay sa kadahilanang may nararamdaman pa rin si Harold para kay Anton. At iyon ang masakit na katotohanan. Kaya nga nung una pa lang, tutol na siya sa gusto ni Harold na pumunta sila dito at dalawin ang magkapatid dahil alam niya na sa tuwing magkakasama ang dalawa, maaaring may bumalik, at may maaaring muling mabuo.

Dahan-dahang bumitaw si Harold sa pagkakahawak ni Anton sa kanyang kamay. Napaiwas rin ito ng tingin sa huli. Napabuntong-hininga ito.

Ilang sandali pa'y napatingin si Harold kay Gun na hindi nakatingin sa kanya. Alam niyang nasaktan ito sa nakita.

Kailangan ngayon ni Anton ng kaibigan at kahit sa ganitong paraan lamang, gusto niyang damayan si Anton dahil minsan rin namang naging kaibigan at ka-ibigan niya ito. Wala naman siyang dahilan at wala rin naman siyang galit kay Anton para ipagkait niya rito ang pagiging kaibigan niya para dito. Isa pa, kahit na sa pakiramdam niya'y hindi tama ang ginagawa niyang ito ngayon, ang pagiging isang kaibigan ni Anton sa oras na nasa pagsubok ito, mas nangibabaw pa rin ang nais ng puso niya na damayan ito. Sinasabi ng puso niya na tama lang ang kanyang ginagawa. Hindi naman porke't tapos na kayo ng taong minahal mo, hindi naman iyon dahilan para hindi ka maging isang kaibigan para sa kanya lalo na't ngayong oras na ito na kailangan na kailangan ni Anton ng isang taong makakaramay at makakasama.

"Gun..." pagtawag ni Harold kay Gun. Napatingin naman sa kanya ang huli. Walang emosyong makikita sa mukha nito.

Napabuntong-hininga si Harold bago muli magsalita.

"Kumain ka muna... Baka nagugutom..."

"Hindi ako gutom..." sabi kaagad nito at umiwas na muli ng tingin.

Napabuntong-hininga na lamang si Harold at muling ibinalik ang tingin sa natutulog na si Hayley. Sa pakiwari niya, mukhang nagtatampo ngayon si Gun.

-KATAPUSAN NG KABANATA DALAWAMPU'T TATLO-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Место, где живут истории. Откройте их для себя