11

2.3K 88 3
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LABING-ISA

Nasa garden ngayon sila Harold at Gun, kapwa magkatabing nakahiga sa malinis na damuhan habang nakatingin ang mga mata sa maaliwalas na kalangitan.

Nagpapahinga ang dalawa dahil sa napagod sila sa kakalakad para maghanap sa mga teacher nilang nawawala. Clearance kasi nila ngayon at sa panahong ito, madalas nawawala ang ibang mga teacher. Sadyang pinapahirapan yata nila ang mga estudyante o di kaya ay tinatamad lang ang mga ito pumirma sa clearance sheet nila.

"Ang bilis ng paglipas ng panahon noh... Biruin mo, ang lapit na ng graduation natin..." sabi ni Harold na pumutol sa namuong katahimikan sa pagitan ng dalawa.

Napatingin si Gun kay Harold. Nakatingin pa rin ang huli sa kalangitan.

Napabuntong-hininga si Gun. "Oo nga eh..." sabi ni Gun. "Kasing bilis ng tibok ng puso ko kapag katabi kita..." bulong na sabi pa nito at muling napabuntong-hininga. Magtatapos na sila at lahat, hindi pa siya umaamin sa tunay niyang nararamdaman.

Napatingin si Harold kay Gun. "Ano na namang sinasabi mo diyan? Puro ka bulong diyan..." sabi ni Harold. Hindi nito narinig masyado ang mga huling sinabi ni Gun.

Umiwas ng tingin si Gun kay Harold.

"Wala..." sabi na lamang ni Gun.

"Saan mo balak pumasok ng college?" tanong ni Gun after ng sandaling katahimikang namuo muli sa pagitan nilang dalawa.

"Ako?" tanong ni Harold.

"Hindi! Hindi! 'Yung mga halaman iyong tinatanong ko... Ito naman, ikaw lang naman ang kausap ko natural ikaw 'yung tinatanong ko..." sabi ni Gun na napapangiti pa.

Sinamaan ng tingin ni Harold si Gun. Umiwas rin ito ng tingin.

"Ahm... Hindi ko pa alam kung saan eh... Baka siguro sa UST kapag nakapasa ng entrance exam..." sabi ni Harold. Muling napatingin si Harold kay Gun. "Ikaw? Saan ka magka-college?" tanong nito kay Gun.

"Ahm... Gusto ko sana sa UST din kung saan doon ka papasok... pero hindi naman ang gusto ko ang masusunod kundi 'yung gusto ni Lola..." may himig lungkot na sabi ni Gun.

Muling tumingin si Harold kay Gun.

"Eh ano bang gusto ng Lola mo? Saan ka niya balak pag-aralin?" tanong ni Harold.

Umiwas ng tingin si Gun. Muli itong napabuntong-hininga.

"Gusto ni Lola na sa London ako pag-aralin..." malungkot pa rin na sabi nito.

Umiwas ng tingin si Harold. Nalungkot rin siya nang marinig na sa ibang bansa mag-aaral si Gun.

"Ibig pa lang sabihin, pagkatapos ng high school... Maghihiwalay rin pala tayo..." sabi ni Harold. Malungkot talaga siya. Nasanay na kasi siyang kasama palagi si Gun tapos ngayon...

Muling tumingin si Gun kay Harold. Nakita niya ang malungkot na expression ng mukha nito.

"Malungkot ka huh... Ibig bang sabihin niyan, ma-mimiss mo ako?" tanong ni Gun na bahagyang napapangiti.

Napabuntong-hininga si Harold pero hindi pa rin tumingin kay Gun.

"Bakit naman kita mamimiss? Kahit naman magkahiwalay tayo... Maraming ways para magkausap pa rin tayo gaya na lang sa cellphone, telepono or sa internet..." sabi ni Harold.

"Mahal ang Long distance..." sabi ni Gun.

Napatingin si Harold kay Gun.

"Ano namang problema kung mahal ang Long distance?" tanong ni Harold. Wala naman sa kanilang problema kung gumastos sila ng mahal sa pagtawag sa isa't-isa kahit na nasa ibang bansa si Gun dahil may pera naman sila.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon