29

1.6K 68 1
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

DALAWAMPU'T-SIYAM

"Based on the reports submmited to us..."

"Sir..."

Napatigil sa pagsasalita si Henry ng biglang pumasok ang secretary ni Harold sa loob ng opisina kung saan naroon rin sila. Napatingin sila dito ni Harold at nakita nilang may bitbit itong malaking kwadro na nakabalot sa isang brown na papel. Parehong nagsalubong ang magkabilang kilay ay nangunot ang noo ng magkaibigan dahil sa pagtataka.

"May nagpadala po nito sa inyo Sir Harold..." sabi ng secretary. Inilapag nito sa sahig at isinandal sa tapat ng office desk ni Harold ang malaking kwadro. Halata sa secretary na nabigatan ito sa dinala.

Napatayo si Harold sa kanyang inuupuang swivel chair at umalis rito para lapitan ang malaking kwadro.

"Kanino ito galing?" tanong ni Harold habang nakatingin sa dinala ng secretary.

Nagkibit-balikat ang secretary. "Wala pong nakalagay kung kanino galing eh... Pangalan niyo lang po ang nakalagay..." sagot nito.

Napatango si Harold. "Ganun ba... Sige, maaari ka ng bumalik sa pwesto mo..." sabi ni Harold sa secretary.

Tumango na lamang ang secretary. Nag-bow muna ito sa kay Harold at kay Henry bago lumabas ng opisina.

"Kay Gun kaya iyan galing?" tanong naman ni Henry na nagpatingin kay Harold sa kanya. Nagkibit-balikat ito dahil hindi naman niya talaga alam kung sino ang magpapadala nito. Siguro nga, tama ito. Baka galing ito kay Gun. Mahilig pa naman iyon mang-surpresa.

Binuhat ni Harold ang malaking kwadro na kasing laki yata ng kanyang office desk. Ipinatong niya iyon sa kanyang mesa saka sandaling tinitigan.

"Ano kaya iyan?" tanong na naman ng kanina pa curious na si Henry.

Hindi na lamang pinansin ni Harold ang tanong nito. Napabuntong-hininga na lamang ito saka dahan-dahang tinanggal ang nakabalot na papel sa kwadro.

"Wow! Ang ganda niyan huh... Mala-National Artist ang gumawa..." manghang sabi ni Henry ng makita ang nilalaman ng bagay na iyon.

Pati si Harold ay namangha sa nakitang nilalaman nun. Napakaganda ng pagkakaguhit at pagkakapinta ng larawang ito. Isa pa, parang pamilyar sa kanya ang nakadrawing. Isa itong lugar na minsan ng naging bahagi ng buhay niya... noon.

Nakatitig lamang si Harold sa painting. Tama siya. Nakapinta sa kwadrong iyon ang lugar kung saan... doon nila pinagsaluhan ni Anton ang pag-iibigan nilang dalawa. Ang lugar na siyang naging saksi ng matindi nilang pag-ibig para sa isa't-isa. Ibig sabihin lang nito, si Anton ang nagpadala sa kanya nito. Si Anton ang nag-drawing at nag-paint nito. Ngayon lang niya nalaman na may talent pala ito pagdating sa pagguhit at pagpipinta.

Napababa ng tingin si Harold sa painting. Nakita niyang may nakasulat roon.

"This is the beautiful place where the two hearts... become one..."

Napapikit ang mga mata ni Harold. Muling dumaloy sa kanyang alaala ang mga nangyari sa lugar na iyon. Ang matamis na pagpapalitan nila ng mga salita, ang mainit nilang pagpapalitan ng mga halik, ang pagsasalo sa init ng kanilang pagmamahalan.

"Alam mo na ba kung sino ang nagpadala niyan sayo?" tanong ni Henry na nagpadilat naman kay Harold. Napatingin siya dito at napabuntong-hininga.

"Si Anton..." sagot ni Harold sabay iwas ng tingin.

"Ganun... Pumapasok na pala muli siya sa buhay mo ngayon... Una, kape ang laging ipinapadala sayo ngayon naman, painting... ano kayang susunod?" sabi ni Henry. Nasabi na rin ni Harold sa kaibigan na si Anton ang nagpapadala sa kanya ng kape.

Muling napatingin si Harold kay Henry. Napabuntong-hininga lamang ito.

"Ano nang gagawin mo ngayon Harold? Ngayong dalawang lalaki na ang sumusubok na pumasok diyan sa puso mo at umaasa ng pagmamahal mo? Hindi naman pwedeng mamangka ka sa dalawang ilog... Kailangan mo nang mamili sa kanilang dalawa hangga't maaga pa para hindi masyadong umasa ng matagal ang kung sino mang magiging sawi sa huli..." sabi ni Henry. Naupo muli ito sa sofa na inuupuan kanina.

Napailing si Harold. "Ewan ko... Hindi ko alam..." sabi ni Harold.

Napailing-iling na lamang si Henry. Alam niyang mahirap para sa kaibigan ang mamili at lalong mahirap para rito ang timabangin kung sino nga ba ang mas matimbang sa dalawa dahil 'yung isa, ang nakaraan nito na alam niyang minamahal pa rin ng kaibigan niya at ang isa ay ang kasalukuyan na siyang bagong nagpapatibok at minamahal na rin nito.

Muling napatingin si Harold sa magandang painting. Napahaplos ang kanang palad niya sa salamin na nakatakip doon sa painting. Napabuntong-hininga siya. Pamaya-maya ay binuhat na niya ito at isinandal sa pader sa likod ng kanyang swivel chair. Bukas na lamang niya ito ipapadala sa mansion para maiayos sa kwarto niya. Hindi naman niya pwedeng itapon ito dahil alam niya na pinaghirapan itong gawin ni Anton at hindi rin naman siya iyong klase ng tao na hindi marunong maka-appreciate ng bagay na bigay sa kanya.

"Oo nga pala... Nasaan nga pala si future mo?" tanong ni Henry.

Nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold. "Future ko?" pagtatakang tanong nito.

Napangiti ng nakakaloko si Henry. "Oo.. Future boyfriend mo... Si Gun..." sabi nito.

Napaiwas naman ng tingin si Harold kay Henry. "Ewan ko sayo..." sabi ni Harold. "Si Gun... ayun tumawag sa akin na may pinuntahan raw... Ewan ko ba doon kung bakit kailangan pang tumawag sa akin para lang ipaalam..."

"Kasi nga... sa tingin niya, malaking bahagi ka na ng buhay niya kaya ipinaaalam lang niya sayo kung anong nangyayari sa kanya..." sabi kaagad ni Henry na hindi pa rin nawawala ang ngiting nakakaloko sa labi.

Napailing na lamang si Harold at naupo sa swivel chair niya. Muli itong napatingin kay Henry.

"Ituloy muna iyong pagbabasa ng reports..." sabi nito kay Henry. Napatango na lamang si Henry na nakangiti pa rin ng nakakaloko.

-KATAPUSAN NG KABANATA DALAWAMPU'T SIYAM-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now